Kabanata 30 - Look a like

58 3 1
                                    

Kabanata 30

"That's your Lolo," turo ko sabay lapag ko ng bulalak sa puntod niya. Tumitig lamang ang anak ko sa puntod ng lolo niya.

Limang taon na.

Limang taon na nakakalipas ng mamatay si Papa. Limang taon na rin ang anak ko na si Ian. Matapos mailibing si Papa at malaman kong buntis ako at si Vhong ay nasa kulungan, pinadala ako ni Mama sa probinsya. Mabuti nalang natapos ko na ang last semester pero hindi na ako naka-attend ng graduation kasi medyo malaki na ang tiyan ko noon.

Napahirap. Sobrang hirap! Yung iniisip ko ang pagkamatay ni Papa at the same time iniisip ko rin ang kalagayan ng anak ko na kung patuloy akong magluluksa sa pagkamatay ni Papa baka may kung ano mangyari sa anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko noon.

Pinilit ko parin ang sarili kong bumangon sa pagkamatay ni Papa kahit sa totoo lang hindi ko matanggap. Sobra, halos ma-matay matay ako sa kakaiyak. And Mama keep telling me about the condition of my pregnancy kapag pinagpatuloy ko ito baka mamatay ang baby ko.

"Tahan na Saii! Baka kung anong mangyari sa anak mo!" umiiyak sabi rin ni Mama.

Kung sinunod ko nalang sana iyong utos ni Papa hindi sana mangyayari ito! Hindi mangyayari ang lahat ng ito. Sinisi ko ang sarili ko ng mga nagdaang taon na iyon pero nung araw na sinilang ko si Ian napuno muli ng pag-asa ang buhay ko. I found my life as a most important think in this world! Dahil kailangan kong mabuhay para mabuhay ang little angel ko.

"My lolo?" nag angat siya agad ng tingin saakin ngumiti ako ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya. It reminds of someone...

"Yes. Your lolo and my Papa," kumurap ang mata niya nung sinabi ko iyon.

"Patay na rin ba si Papa?" nagulantang ako sa tanong niya na iyon. Ito ang kauna unahang nag tanong siya patungkol sa ama niya kinabahan ako bigla. "Kasi hindi ko pa siya nakikita, asan ba siya Mama?" lumuhod ako sakanya para lang magpantay kami. Sasagutin ko ang tanong niya pero hindi ko ilalantad lahat kahit alam kong kailangan kong sabihin ang patungkol sa ama niya.

"Your Papa... I-Is in abroad!" iyon lamang ang nasagot ko. Sa totoo lang hindi ko alam anak.

"When can I finally meet him?" tanong niyang muli.

"H-Hindi ko alam anak e." parang tinarak ng punyal ang puso ko ng biglang bumagsak ang balikat niya sa lungkot. "B-But I promise! Kapag na-contact ko si Papa sa abroad sasabihin kong gusto mo na siya makita," napangiti ako ng mag-angat siya ng tingin saakin. Nang magtagpo ang mga mata namin napaiwas ako ng bigla. Manang mana siya sa ama niya iyong mga tila uwak na mga titig.

"Promise?" itinaas niya ang kanyang maliit na hinliliit upang makipag pinky swear saakin.

"Promise!" tugon ko.

Simula nung huling pagkikita namin bago ako mabaril,wala na akong natanggap na balita man lang sa lalaking iyon, hindi ko man lang nabalitaan kung nakalaya na siya o ano, siguro dahil abala ako sa pagtatrabaho at pag aalaga ng anak ko lalong lalo na nasa probinsya ako.

Pero bago pa mag limang taon si Ian nasa Makati na kami. Nagkita kami ni Jayrius, tinulungan niya akong maghanap ng apartment dahil ayoko sanang tumira kila Mama tingin ko hindi ako welcome roon. Pagbalik ko galing probinsya pansamantala muna ako roon tumuloy habang naghahanap ako ng apartment. Tuwang tuwa si Mama sa apo niya.

"Kamukhang kamukha ng ama!" tuwang sabi ni Mama. Nahagip kong tumaray si Ashleigh at padabog itong lumabas ng bahay.

Alam kong masakit sakanyang malaman na nagkaroon kami ng relasyon ni Vhong dahil gusto niya siya at kapatid niya ako na naging girlfriend ng gusto niya at... Naanakan pa! Siguro tinanim niya na sa utak niya na sadyang malandi lang talaga ako. Nararamdaman ko hanggang ngayon gusto niya parin si Vhong. Kung bumalik man si Vhong, ipapakilala ko lang ang anak ko sakanya at hahayaan ko na siya sa kapatid ko.

"Tito Jayrius!" tawag ng anak ko sabay takbo patungo sa tito niya.

"Hey Ian! Kumusta ang pagbisita sa grand father mo?" binuhat niya ito na gustong gusto ng anak ko.

"Okay lang po! Medyo mainit nga lang! Sabi ko nga kay Mama dapat ilipat iyon sa place na malilim baka naiinitan si Lolo," ngumisi si Jayrius sa anak ko. Sumakay na kami sa kotse niya. Si Ian sa backseat ako naman sa front seat.

Simula palang nagpapasalamat na ako na nariyan si Jayrius nung pagbalik ko ng Makati dahil tinulugan niya akong maghanap ng apartment hindi niya kami pinabayaan ng anak ko. Naalala ko pa nung unang nagkita kami at nakita niya ang anak ko, hindi maipinta ang mukha niya sa gulat. Titig na titig siya kay Ian, tingin ko hindi ko na kailangan sabihin kung sino ang ama nito dahil alam niya na kung sino.

"Tumira na kayo sa bahay ko! Ako lang ang mag-isa roon para naman bawas na sa gastos mo." umiling ako sa sinabi ni Jayrius habang titig na titig siya sa daan ng minamaneho niya.

"Hindi pwede iyon! Ano nalang iisipin ng mga babaeng dadalhin mo roon kung makikita nila kami ng anak ko? Matu-turn off lang sila agad sayo," tumaas lang ang kilay niya roon sa sinabi ko sabay ngumunguso tila pinipigil ang tawa.

"Hindi na ako nagdadala ng babae sa bahay ko no! Pwede na-,"

"No!" tanging sagot ko. Humalakhak ako ng bumagsak ang balikat niya. Tumigil ang kotse hudyat na narito na kami sa bahay. "Thanks for the ride!" dali dali kong binuksan ang pinto at kinuha na si Ian.

"Hindi mo man lang ako i-invite mag kape?" nakangisi nitong sabi.

"Akala ko ba may meeting ka ngayon?"

"Oh shit!" pabulong niyang sabi sabay tingin sa relo niya.

"Osige na. Babye na kay Tito!," sabi ko sa anak ko bago ko ibaba ng kotse.

"Babye po tito!" lumapit pa ang anak ko sa kanya upang mahalikan siya sa noo ng tito niya.

"I'll fetch you two tomorrow huh? Hahatid ko kayo sa school saka sa trabaho," sabi niya na tinangoan ko lang.

Sinabi ko sakanyang kakatanggap ko lang sa trabaho roon sa kompanyang inaplayan ko at si Ian naman inenrolled ko sa preschool.

Pagdating agad namin sa bahay nagluto na ako para sa dinner at inaayos na rin ang mga gamit sa school na pinamili namin kahapon.

"Mama! Nakita mo ba iyong bola ko? I can't find eh!" lumingon ako sa anak kong naghahanap ng bola halos halughugin niya na ang sala sa kakahanap. Kumunot ang noo ng makita ang bola niya na nasa likuran niya.

"Nasa likuran mo Ian!" sabi ko. He turned around. Nangapa pa siya pero hindi niya parin nakuha!

"Saan po?" nilapitan ko na ang anak ko. Todo hanap na siya bakit hindi niya parin mahanap? Kinuha ko ang bola para ibigay sakanya. "Oh. Thanks Mama," dali daling lalabas na ang anak ng tawagin ko siya.

"Ian come here muna!" lumapit naman siya saakin. "Do you see Mama's face clear?" kumurap ang mata niya bago magsalita.

"Yah! A bit," A bit? Ibigsabihin malabo ang mata niya? Kaya nung araw rin na yun pinacheck up ko siya. Hindi siya pwedeng pumasok sa school na ganun ang condition niya baka magkaproblema siya sa pagbasa o kaya sa pagsulat.

"Ma'am? Malabo rin po ba ang mata niyo?" tanong ng doktora saakin.

"Ah. H-Hindi po," sagot ko.

"Maybe namana niya ito sa ama niya. Mataas ang grado ng mata niya para isang bata lamang tingin ko namana niya ito. Ganun rin po ba si Mister?" gusto kong itama ang Mister hindi po kami magkasama ngayon hindi ko nga alam kung nasaan siya e.

Pero naalala ko nung araw na nag quit siya sa basketball,pumapangit na raw ang laro niya dahil may problema siya sa mata. Siguro nga namana nga ng anak. Sa dami dami pa ng pwedeng mamana 'bat problema pa sa mata!

Nakatitig lang ako sa anak ko habang tinitignan niya ang sarili sa salamin habang nakasuot siya ng salamin. It's like, I am in front of someone from past.

"Do I look a like Papa na?" sabay angat niya ng tingin saakin. Gusto maiyak pero pinipigilan ko.

"Y-Yes. Very look a like" tugon ko na hindi ko na mapigilan ang pagbasag sa boses ko.

____________________________________

AN//: Don't forget to vote! Thanks!

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon