Kabanata 12
Hindi pa ako nakakalabas,rinig na rinig ko na ang cheer sa labas. Ngunit mas malakas pa ang kabado kong sistema. Hindi tuloy ako makangiti! Damn!
"And last but not a least from Business Management Ms. Saii Mae Andales," that was a cue then lumabas na ako.
They all cheered. Nagulantang ako sa dagundong ng mga audience. Pati ang mga judges nagulantang sa ingay nila. Napakurap kurap ako.
"AYY LAAAB YOUUU SAAAIII,"
"GANDA GANDA MO TALAGAA!"
"GO SAII,ANG GALING MO ANG GANDA GANDA PA!"
Napangiti ako, kaya nagsimula na akong maglakad ng marahan. Dinadamdam ang bawat segundo, dinadamdam ang pag suot ng gown na ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng feeling ng ganto. It's like I'm the most beautiful woman in this world.
"She's the gorgeous Saii Mae Andales..." ang MC. "This is her first time na sumali sa mga gantong patimpalak, she likes art just like her younger sister Ashleigh..."
Younger sister...
Si Ashleigh. Ito ang kauna unahang magkakasama kami sa iisang contest. I'm not used to this. Hindi ko ba alam sa tadhana kung bakit nangyayari ito. I'm very sure that our mom will be here soon, iniisip ko palang na hihilahin niya ang buhok ko pababa ng stage! Nakakahiya!
"...very beautiful," ang narinig ko sa MC nang bumalik ang wisyo ko and full confidence na ngumiti sa lahat. Nawala lang iyon ng hindi ko na siya makita sa kinauupuan niya kanina. Napalinga linga ako. Saan siya nag punta?
Naalala ko tuloy ang sinabi niya saakin. Ganun niya ba ka ayaw na ma exposed ako sa mga ganto?
"Saii," bumalik ang wisyo ko ng napatingin ako sa baba. Si Cloe na nag sesenyas na ngumiti raw ako. Dali dali naman na ibinalik ang mga ngiti ko may kasamang 'wave' at naglakad pababa ng stage.
Nung nag sama sama na lahat ng 25 contestant para sa coronation hindi ako makangiti hindi ko siya makita sa crowd, bakit ba ako nagwo-worried sa lalaking iyon?
"I 100 percent believe na ikaw mananalo, so I regret that day! Kung alam ko lang na ito ang magiging dahilan ng pagdami ng humahanga saiyo dapat hinayaan nalang kitang hindi sumali."
Pumikit ako ng mariin. Pakialam niya ba sa buhay ko no!
"And the miss photogenic goes to..."
Ang sabi niya manonood raw siya. Bakit wala siya rito para panoodin ako?
"Saii Mae Andales," bumalik ang wisyo ko ng dumagundong ng ingay ang mga audience, pumalakpak ako para ipakitang na nakikinig ako sa inanounce na nanalo. Luminga linga pa ako para malaman kung sino ang nanalo wala kasing pumupunta sa harap.
"Saii," tawag sakin.
"A-Ako?"
"Once again. Our miss photogenic is miss Saii Andales," nanlaki ang mata ko! Miss Photogenic?
Sinenyasan nila ako na mag step forward to received the sash and a frame na nagpapakita ng picture ko. Wow!
Ang mga sumunod na awards ay napunta kay Ashleigh.
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...