Kabanata 11
Kabadong kabado ako ngunit kailangan matapos ko ito.
"So beautiful lady!" puri ng MC. "She's wearing a basketball attire..." I smiled to the judges. "With jersey number... 11? Oh! That's Vhong's jersey number right?" narinig ko ang mga bulungan nila. Ngunit hindi parin nawala ang ngiti ko at pilit na iniiwasan ang madilim na titig ng lalaking nasa bandang harapan! "Miss Andales can you turn around?" I turned around to showed his powerful surname. They say 'O' nung nakita nila ang printed niyang apelido sa sout ko na jersey.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa backstage nakikita kong naghahanda na sila para sa pagrampa ng kanya kanyang 'long gown'. Nagbihis muna ako para maibalik ko na itong jersey kay Vhong dahil baka kailangan na niya.
"Lakas talaga ng loob mo e no?" harang saakin ng kapatid ko. "Sumali ka pa talaga..." mataray nitong sabi. She's wearing her off shoulder evening black gown! She's stunning! I think siya iyong mananalo ngayong araw. "And kapal ng mukha mong hingiin ang jersey ni Vhong-,"
"For your information,siya ang nagbigay nito sa akin!" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "And yes! I joined this fvcking intramurals even i know na kasali ka. Ayoko lang sayangin ang effort ng mga taong naniniwala at sumusuporta saakin-,"
"Hindi ka mananalo! I already called mom. Andito na siya mamaya para pauwiin ka!" galit na galit niyang sabi.
"Ay sus nagsumbong pa sa ina." napalingon kami sa mga dumating sila Cloe. "Matakot ka na Ashleigh at baka kapatid mo ang makauwi ng korona," confident na saad ni Stef na may bibit na malaking paper bag.
"Exactly!" dagdag ni Cloe. Inis na nagwalk out si Ashleigh,nag iwan siya ng tingin na nagbabanta. "Wag kang magpapadala roon sa impokrita mong kapatid," she chuckled. "Sorry sa word but it's true. This time, you need to show yourself,be competitive,younger sister mo lang siya no." she smiled at me.
"Yeah right maaari mo nga siya mabatok batokan e." tumawa sila sa sinabi ni Stef,ngumiti ako. "Nga pala,nasa labas si Vhong,ibibigay mo ba iyan?" tumango ako.
"Bumalik ka agad at nang masuot mo na itong gown at ma retouch kita!" bilin ni Cloe na tinangoan ko.
Nagulantang ako ng paglabas ko ay nakita ko siya nahilig roon sa may pader. He turned to me wearing his cold and dark stare. Ano bang problema niya?
"V-Vhong!" I tried to hide ang takot ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako takot. Ano ba kinakatakot ko? "Sorry natagalan..." lumapit ako,tumiwid siya ng tayo. "Kailangan mo na siguro. Ito o!" sabay abot ko. Tinignan niya iyon sabay tingin sa akin. "S-Salamat sa pagpapahiram-,"
"Magback out kana!" nawala bigla ang ngiti ko sa sinabi niya.
"H-Huh?" baka namali lang ako ng rinig.
"I said. Magback out kana!" marahan at mariin niyang sabi.
Why suddenly he wants me to back out? E kaninang umaga lang siya ang sumalubong sa akin, siya ang nagpush sa akin dumalo roon sa elimination nung nakaraan tapos ngayon? Ano ba talagang problema niya?
"Bakit?" Kumunot ang noo ko sakanya.
Huminga siya ng malalim.
"Alam kong nahihirapan kana. You're free to backout now. A-Ako nalang magsasabi-,"
"Bakit gusto mo akong magback out huh? Kung ikaw mismo ang..." I stop for a while. Muntik ko ng masabi! "Ano ba talagang problema mo?" nanatili parin ang madilim nyang awra, kung galit siya mas galit ako.
"Maybe you think also na hindi ako mananalo-," hinila niya ang kaliwang kamay ko upang mapalapit ako sa kanya,he burried his face on my neck! Kinagulat ko iyon,that make my heart beat fast... So fast.
"No." napapaos niyang sabi. I almost feel his hot breath "I 100 percent believe na ikaw mananalo, so regret that day!" mariin niyang sabi na tila hate na hate ang sarili. Nag angat siya ng tingin. Ngayon naman ay masyadong malapit ang mukha namin. "Kung alam ko lang na ito ang magiging dahilan ng pagdami ng humahanga saiyo dapat hinayaan nalang kitang hindi sumali." saad niya na tila pagod na pagod.
Bigla akong na black out sa lahat ng sinabi niya saakin. Wala tuloy akong nasabi man lang. Nakinig lang ako sa mga daing niya na tila parang siya ang boyfriend ko. Kaya nung habang nire retouch,tulala ako,preoccupied sa mga sinabi niya kani kanina lang.
"Kung alam mo lang,halos maghamon na akong ng suntukan sa mga lalaking nambabastos sayo-," sa gulat ko naitulak ko siya.
"Nasisiraan ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.
"Siguro nga." hinila niya muli ako upang mayakap. "So please, huwag mo na itong ituloy,kung ayaw mong maging murderer ako,"
Syempre hindi ko pwedeng masunod ang gusto niya no. May papatunayan pa ako sa kapatid ko no. Naalala ko bigla,baka nga magpunta rito si Mama.
"Saii," bumalik ang wisyo ko sa tawag nila Cloe.
"H-Huh?"
"Lutang ka? Tinatanong ka ni Stef about sa gown mo!" lumipat angtingin ko sa hawak ni Stef.
Napakurao kurap ako sa nakita ko."Wow," 'yan lang ang nasabi ko.
Cloe smirked
Isa iyong black dress, sleeveless at kitang kita dyan talaga ang colarbone ko! Ang ilalim ata ay fitted skirt na below the knee then iyong likod mahaba na.
[ AN/: nasa taas ang picture ng dress :) ]"Ang revealing naman iyan," komento ko. Maganda siya sobra ngunit kakayanin ko kaya?
"Bagay iyan sayo Saii. Akitin mo iyong mga judges riyan sa suot mo para sure win," Cloe chuckled tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Gagawin pa kong bugaw.
"Malay mo naman Saii no. At saka wala ka ng choice walang ibang gowns na rito." pumikit ako ng mariin nang ma realize dapat pala sinunod ko na si Vhong!
Isinout ko na iyong gown. Medyo masikip iyon sa akin pero nakakahinga pa naman ako. Hindi talaga ko sanay sa mga ganito!
"Bakit ang sikip?" sabi ko habang inaayos iyong pang taas, nakita ko papaano mabuwag sa kinakatayuan nila sila ng makita ako.
"S-Saii," halos parang nakakita sila ng multo sa titig nilang iyan.
"W-Wow," lumapit saakin si Cloe. Hindi alam kung saan ako hahawakan. "Hindi ako kasing ganda mo noong sinuot ko iyan!"
"Syempre! Mas maganda sayo si Saii no!" tinapunan ng matalim na tingin ni Cloe si Stef.
"W-Wait bakit ganto," natuon ang atensyon nila saakin. "Baka malaglag ito ah?"
"Hindi iyan malalaglag. Malaki pala ang dibdib ni Saii imfairness sayo teh!" sabay tawanan nila.
"Tama na. Nakakahiya ito! Pwede ba akong mag back out?"
"Miss Saii Andales?" tawag sa akin.
Oh God!
"Sorry Saii but it's time to shine!" ngiti nila sa akin. At nagsimula na akong maglakad dahil ako na ang susunod.
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomansaVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...