Kabanata 9
Ako ang pang lima na nakapasok sa top 25. Hindi ko gusto iyon. Kung maaari lang na magbackout.
"Ano naisipan mo kung bakit ka sumali ha Crisaii Mae Andales!" napakurap kurap ako ng tawagin ako ni Mama sa buo kong pangalan.
Kakauwi ko lang at hayun,sermon ang bungad.
"Kailangan daw kasi lahat ng section may representative ako iyong napili-,"
"E dapat tumanggi ka! Hindi ka naman mahilig sa mga ganyan hindi ba? Dapat si Ashleigh lang sasali sainyong dalawa kasi dodoble ang gastos kung dalawa pa kayo!"
Napalunok ako,at nakita si Ashleigh na komportableng kumakain ng isang slice ng red velvet cake. Ang swerte ng isang ito! Malaya siya sa lahat. Samantalang ako,hindi maaaring tumuklas na bagay na hindi ko pa nasusubukan.
"Hayaan mo na Mama." salita ni Ashleigh habang maarting dinidilaan ang tinidor. "Hindi naman siya maaaring rumampa sa biyernes kung wala siya gown and sports wear," nagtaas siya ng kilay sa akin ng nagtama ang mata namin. Sa tanan ng buhay ko hindi pa ako nakakasuot ng gown kaya wala nga akong maisusuot para sa friday,saka sports wear?
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Inihagis ko ang bag ko sa study table ko at itinapon ko ang sarili sa kama. Pagod na pagod ako ngayon araw na ito pinatulong pa ako sa pagtitinda ni Mama sa shop bago ako nakaakyat, hindi man lang ako pinabihis.
Pag open ko ng cellphone ko sunod sunod na nag beep ang cellphone ko. Mga mensahe galing sa mga kaklase ko na binabati ako dahil nakapasok ako sa top 25 sa dinami dami ng sumali.
Unregistered number:
Hey. Congrats! Ang galing mo palang rumampa. You're very beautiful even if you don't wear a make up. Imagine nakapasok ka na walang kaayos ayos? Just you and yourself? I'm Speechless.
Bilang ko iyong mga unregistered number pero ito ang pumukaw sa paningin ko dahil ang haba ng message. Kumalabog bigla ang dibdib ko sa pag iisip kung sinu iyon. Nanginig akong nireplyan iyon. Papaano niya kaya nakuha ang number ko?
Ako:
Who's this?
Huminga ako nang malalim, grabe ang epekto nito at halos malagutan ako ng hininga sa pag iisip na siya ang nag text noon.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng mag ring iyon. Tumatawag siya! Napakurap kurap ako. I cleared my throat and I answered the call.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...