Kabanata 2
Binalikan ko iyong nangyari kanina. Pumapasok na sa isip ko ang pagsu-suicide. Hindi na rin nakakapagtaka,wala namang paki magulang ko sa akin e. Si Papa ang nakikita niya lang ay ang anak sa ibang lalaki ni Mama. At ako? Ako pa ang lumalabas na anak sa labas!
Paano kaya kung wala roon ang lalaking iyon? Sino nga uli iyon? Nakalimutan ko na. Iyong titig niya sa akin. Bakit ganun nalang? Ay ewan.
"Give me my fucking schedule!!!" rinig ko na sigaw ng isang babae.
"Easy. I will give it to you." kumunot ang noo ko ng makilala ko kung sino ang lalaking iyon.
"Bakit mo ba kinuha ito ah. Baliw ka ba?" transferee lang ata itong babae sapagkat ngayon ko lang siya nakita rito. Medyo maangas siya. Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante.
Hindi ako makapaniwalang andito si Killian Reeztucker?! Ano namang kayang ginagawa niya rito? Siya iyong anak ng congressman dito sa makati!
"Ang lagkit naman ng titig mo sa kapatid ko." mabilis akong napalingon sa nag salita sa likod ko. Iyong lalaki na naman. Hindi ko na maalala pangalan niya. Kumunot ang noo ko sa huling salitang sinabi niya.
"Kapatid? Kapatid mo si Killian Reeztucker?" nanlalaking mata kong tanong.
"Yup!" sabay ngiti nito.
Holy cow!
"Ikaw si Vhong Reeztucker?!" halos maisigaw ko iyon sa gulat. Kilalang kilala sila dahil anak sila ni Congressman Reeztucker,mayaman at lapitin ng mga babae!
"Yes?!" natatawang niyang sagot. Inayos ko mukha ko. Naalala ko iyong mga inasal ko sakanya kanina. Nakakahiya!
"Pasensya na sa inasal ko kanina," bahagya kong iniyuko ang ulo ko. "Sorry-,"
"N-No. No. No!" hinawakan niya ang braso ko upang iharap sakanya. "It's okay. I'm just shocked that someone really-,"
"K-Kilala talaga kita!" putol ko sa sinasabi niya. "Hindi lang kita namukaan." sabay yuko ko. "Sorry!" sabay karipas ko ng takbo.
"Hey!" habol niya. Ngunit mas mabilis ako. Nagtungo ako sa girls restroom upang hindi na niya masundan.
Pumasok ako isa sa cubicle roon at nagdasal na sana hindi na kami muling magkita. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi ko namukhaang si Vhong Reeztucker pala iyon? Dito pala siya nag aaral? Kailan pa?
Wala akong mga kaibigan. I used to be alone. Walang nakakausap. Kaya puro sketch pad ang kaharap ko pagkatapos ng klase. Hindi ko ba alam kung ano mali sa akin? Mahirap ata akong kaibiganin? Hindi naman ako nerd. But I don't need anyway. Iyong mga kaklase kong mga magkakaibigan nagpaplastikan lang naman. Huwag na akong mag hangad ng kaibigan baka plastikin lang din ako.
Papunta ako ngayon sa next class ko.
"Hi Saii," bati ng isang lalaki. Actually mga limang lalaki ata sila ngunit isa lang ang bumati tila nagtutulakan pa. Hindi ko nalang pinansin. Bakit ba nila 'yan ginagawa?
"Reeztucker, Vhong-,"
"PRESENT!" biglang sulpot ng isang lalaki sa may pintuan ng room namin. Nanlaki ang mata kong makitang- Siya ulit?
Bahagyang nagtilian ang mga kababaihan ng siya ay dumating.
"Omagad. Classmate natin siya?"
At tila mga bubuyog sila kung mag ingay.
"Shut Up!" patahimik ng prof namin. Tumahimik sila.
Nahagip niya agad ang titig ko. Awtomatiko siyang napangiti. Kaya nag iwas agad ako ng tingin. Ano ba ito?
"Oh. Bago ko ito makalimutan..." nakatingin sa akin ang prof namin. "Miss Andales?" halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako.
"Ah... M-Maam?" and I'm sure. Lahat ng mata nila nasa akin. Nahagip ng tingin ko kung saan nakaupo iyong si Vhong. Sa may kabila pang row. Malayo kung saan ako nakaupo.
"I want you to join the Art Contest." nanlaki ang mata ko. Matagal ko ng itinigil ang pagsali sa mga art contest dahil sa isang dahilan.
Mas lalong ramdam ko ang mga mata ng lahat dahil walang sino man ang nakakaalam sa talento ko. Sapagkat alam nila ang mga sumasali sa art contest ay pili lang.
"A-Ayoko po-,"
"Ako nalang Ma'am!" presinta ng isa kong kaklase. Napalingon ako. Si Jemmar!
Huminga ng malamin si Ma'am at 'di kalaunan tumango sakanya. Umupo ako sabay nahagip ko ang kindat ni Jemmar. Napakurap kurap ako at nag iwas ng tingin.
Matapos ng klase. De-deretso na sana ako pauwi ng hindi ko mahanap ang sketch pad ko sa bag.
Shit!
Dali akong tumakbo papuntang classroom. Hinihingal ako ng pagdating roon. May isang lalaki ang naiwan roon. Nang malapitan ko nagulantang ako sa hawak niya. Sketch pad ko! Dali dali ko iyon hinablot. Wala na kong pakielam kong si Vhong Reeztucker i
yon!
"H-Hindi ka dapat nangengealam ng gamit ng may g-gamit." seryoso niya akong tinignan,tumayo siya kaya naman umangat ang ulo ko. Bumaba ang tingin niya sa sketch pad ko at bumalik sa mata ko. Napakurap kurap ako noon ng titigan niya. Halos maubusan ako ng hininga!
Sabay ngiti niya? What the hell?!
"Ang galing mong magdrawing," he tilted his head. "Bakit ayaw mong sumali sa Art Contest? Alam mo bang pili lang ang mga sinasali roon?"
"E-Eh sa ayoko!" at dali dali akong lumabas sa silid.
Paano niya nasabing magaling ako magdrawing? Ano ba mga nakita niya sa loob ng sketch pad ko upang masabi niya magaling ako?
Pagpasok ko sa CR. Nanginginig kong binuksan ang sketch pad ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang kabog ng dibdib ko. Siya ang kauna unahang nakakita noon!
Tinignan ang mga guhit ko. Puro iyon guhit patungkol sa pang aapi,batang kulang sa pagmamahal,batang puro iyak at patungkol sa pagpapakamatay.
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...