Kabanata 13
"Saii," tawag saakin ngunit di ako nag abalang lumingon. Ibinagsak ko lahat ng hawak ko;flowers,trophy at frame na natanggap ko nung sa photogenic chu chu.
Gusto niyong kunin? Inyong inyo na!
Nakagown pa ako plus heels habang tumatakbo at nilulusob ang malakas na ulan. Saan ba ako pupunta?
Binuhat ko na ung gown ko,sumasayad kasi e. Saka basang basa na ako. Oh please paa ko tumigil kana sa pagtakbo. Sa pagmamadali ko hindi ko na na kontrol ang pagtakbo naputol na ang ang takong ng heels ko kaya nadapa na ako!
Sino ba ang dapat sisihin ko kung bakit nangyayari sa akin ito? Sino ang mga tao ang punot dulo kung bakit ganto nararamdaman ko? Gusto ko nalang mawala. Hindi ko na kaya! Sinubukan ko tumayo ngunit ininda ko ang sugat sa tuhod ko na tamo ko sa pagkadapa,puro gasgas iyon.
Pinilit kong maglakad upang makaupo man lang sa tabi. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Gabi na iyon at walang sino man ang nagtangkang lumapit saakin. Pinupunasan ko ang mukha ko dahil basang basa na ito ng ulan. Nagulantang ako ng makakita ako ng itim! kumakalat na iyong make up! Maybe I look like a mess right now! Mas lalo akong naiyak.
Tinignan ko ang sarili ko. Nakita ko ang dalawang sash na nakasuot sa akin.
*MISS INTRAMURALS 2018*
*MISS PHOTOGENIC*
Ito nalang ang natira saakin... Sabay biglang nagflashback ang paghablot ni Mama ng korona saakin. Niyakap ko ang mga binti ko. Ang unfair bakit hindi nalang nila magawang maging proud? At ako pa ang umeepal? Siguro nga kasalanan ko. Kung una palang hindi na ko sumali sa mga ganun hindi mangyayari ito!
Mas niyakap ko pa ang mga binti ko. Nilalamig na ako. Sleeveless pa itong suot ko. May sasakyang tumigil sa harap ko. Dahil madilim hindi ko maprocess sa utak kung bakit may tumigil na sasakyan. May bumaba na lalaki roon dahil sa ilaw ng kanyang sasakyan hindi ko siya masyadong makita and I'm very sleepy and very hungry...
"Saii..." and I already pass out hindi ko na natukoy kung kaninong boses iyon.
Nagising nalang ako na nasa isang bath tub ako! Napabangon ako nasan ako? Napalingon lingon ako sa paligid! Wala ako ni isang saplot! Inekis ko ang braso ko sa dibdib ko nasaan ba ako?
"Get up then get dressed!" nagulantang ako sa malalim na boses na narinig ko. Napalublub ako at naghanap ng mga bula upang matakpan ang katawan ko,hindi naman siya nakatingin sa katawan ko pero... Pero... Siya ba ang naghubad saakin?!
"N-Nasan ako?" nauutal kong tanong.
"Nasa condo kita," malamig niyang sabi. Uhm... Galit ba siya?
"Uhm..."
"Tumayo ka na riyan. At... At magsuot ka na ng damit!" napatalon ako sa galit ng boses niya. Nanlalaking mata ang pinakita niya saakin. Bumaba pa ang tingin niya sa katawan ko ngunit umiwas rin at lumabas. Dali dali naman ako tumayo at nag suot ng damit na nakalagay sa may sink. May malaking salamin roon. Nakita ko ang mukha ko,wala ng makeup ngunit namumula ang pisnge ko! Shit!
Malaki ang sout kong damit. Damit pantulog iyon. Nasisiguro kong kay Vhong ito. Malaki e.
Lumabas ako ng cr. Nakita ko siyang nakatayo kaharap ang malaking bintana na nagpapakita ng buong syudad. Naka polo at black pants pa siya. Parang kakagaling kung saan. Nakatalikod siya saakin at may hawak na cellphone. May kausap siya.
"Malakas rin po ang ulan hindi ko siya maihahatid... Opo bukas ng umaga. I'll bring her at school with me..." napatingin siya sa gilid niya. Naramdaman niya atang na lumabas na ako ng banyo. "Okay po. Salamat," binaba niya na ang telepono then he turned to me. Nag iwas ako ng tingin ng makitang ung una at dalawang butones ay naka unbuttoned na! Inabala ko nalang ang sarili tumingin sa paligid. May painting roon,may flatscreen tv,study table...
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
Любовные романыVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...