Kabanata 10 - Intimidate

64 4 0
                                    

Kabanata 10

"Jusko Saii 'bat ngayon kalang?" sabay kaming napalingon ni Vhong sa pagtawag sakin. Iyong ay si Stef ang seatmate ko kasama niya iyong isa naming kaklase. Hinila nito ang kamay ko. "Tawag kami ng tawag saiyo! Ilang oras nalang magsisimula na ang contest!"

"Magpapull out ako-,"

"Hindi pwede iyon!" putol niya sa sinasabi ko. "Halika ka na! Bilis!" sabay hila niya sa akin. Hindi na ako nakalingon kung nakasunod ba si Vhong mabilis ang hatak nito ni Stef

Nagulantang ako ng makitang magulo sila sa room. Iyong iba may seneset up na kung ano,ang iba naman gumagawa yata ng banner hindi ko alam kung para kanino.

"Anong ginawa nila?" bulong ko sa sarili.

"OH MY GOD SAII!" salubong nila Cloe saakin na isa sa nagseset up ng mga ilaw. Ito yung nakikita ko kay Ashleigh kapag minemake up-an siya. Anong meron?

"Buti naman dumating kana!" salubong pa ng iba saakin.

"Hay naku! Itong si Saii magpapapull out daw." lahat sila nag react nakinagulat ko.

"At bakit?" kunot noo nitong tanong.

"A-ano... Ano kasi e..." napakurap kurap ako at napatingin sa kanilang napatigil sa kanilang mga gawain para lang hintayin ang isasagot ko.

"Masasayang ang lahat ng ito kung magpapa pull out ka," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cloe sa akin.

"H-huh?"

"Lahat kami andito para suportahan ka." maligayang saad ni Cloe. "Kung magpapapull out ka,sayang lahat ng effort namin" malungkot na sabi ni Cloe, gumala ang mata ko sakanila. Lahat ng ito para sa akin? Nakakatuwa naman. Kaso... Naalala ko na naman si Ashleigh.

"So don't waste the time," sabay hila sa akin ni Cloe. "Ilang minuto nalang,kailangan na kitang pagandahin."

Lahat sila bumalik sa mga gawain. Kung ano ano ang inilalagay ni Cloe sa mukha ko. Nasulyapan ko ang nakasulat sa banner "Go Business Management! Go Saii you can do it!"

Pinapikit ako ni Cloe para may ilagay na make up pag dilat ko halos mabali ang leeg nila sa kakatingin sa akin.

"Look at you!" Cloe said sweetly.

I hold the mirror. Napaawang ang labi ko ng makita ang mukha ko.

"Wow. Natural na natural ang ganda. Ang galing mo talaga Cloe. You turned her into a princess!"

"Well..." sabay kibit balikat ni Cloe.

Napangiti ako.

"Oh god. Your smile Saii! Iyan ang ipakita mo sakanila,tiyak mananalo tayo"

"Sabi pa naman ni Ma'am kapag na nanalo tayo exempted na tayo sa thesis," nanlaki ang mata,totoo? "Oo Saii. Kaya kailangan manalo tayo!"

"Obvious na yan no." pagmamayabang ni Cloe. "Di hamak naman na mas maganda ang nakakatandang Andales kaysa dun sa batang Andales." ang tinutukoy nila ay si Ashleigh.

"Pero guys. Hindi ako nangangako. Si Ashleigh ay sanay na rito. Ako? First time ko-,"

"But kung ikaw mananalo,kahihiyan iyon sakanya," sabi pa ni Cloe na tinangoan ng lahat. I don't think na mananalo talaga ako. Muntikan na nga ako magback out e. My mother did'nt want to support me. Ang mga taong naniniwala nalang talaga sa akin ang makakapag push sa akin. Pero hindi ganoon kamotivate.

"Omagash guys! Magsisimula na ang ramp ng sports wear!" nagmamadaling takbo papasok ni Jemmar.

"Oh god! 'Di ko naisip iyong sports wear!"

"I have it!" sabay sabay kaming napalingon sa may pintuan. Nawindang ako ng makakita ng matangkad na lalaki. Napatayo ako ng naglakad siya palapit. "I want you to wear my jersey for your sports wear." napalunok ako sa lalim ng boses niya. May iilan na napatili ng ibigay niya iyon saakin.

"P-pero ngayon iyong game niyo hindi ba?!"

"No. Mamaya pa. Manonood ako,"

"Oh. Okay," bigla tuloy akong ginapangan ng kaba nang malaman sakanyang manonood siya. Napakagat labi ako sabay angat ng tingin sakanya,nakaawang ang labi niya habang tinitignan ako. Uminit ang pisnge ko.

"Stop staring at her Vhong!" saway ni Cloe. "Matunaw 'tong si Saii," narinig kong hagikhikan sa likod. "Let's go and change 5 minutes nalang go go go!"

Matapos kong magbihis,si Cloe nag ayos ng damit. Iyong jersey lang na pangtaas ang suot suot ko. Malikling shorts ang sout ko. Aalma sana ako ngunit naririnig na naming nagtatawag na ng contestants sa stage!

"Oh God! Di ka pa namin naturuan kung paano rumampa," sabi niya habang tumatakbo kami papuntang backstage.

"Marunong si Saii. Napanood namin siya nung elimination," saad nung kasama namin. Nang makarating kami.

"Okay Saii. Goodluck!" tumango ako. Wala ng ibang tao roon,isang organizer lang na nagko-cue.

"Where have you been,"

"I'm sorry po,"

"Ikaw na susunod o!" hindi naman ako kinabahan kahit na alam kong maraming tao na ang titingin sa akin. Tama lang ito for me to be able to walk with confident.

"And last but not a least from Business Management Saii Mae Andales!"

Lumabas ako at hinarap ang napakaraming tao ng Makati university. I smiled to then then started to walked.

"GO SAII!"

"BUSINESS MANAGEMENT!!!"

"AAJAAAAAA SAII,"

"YOU'RE SO BEAUTIFUL SAAIII ANDALESS"

"I LOVE YOU SAII,"

I stop to showed my smile. Nakakawindang ang ingay ng lahat. Halos hindi ko na marinig ang pintig ng puso ko at mas lalong tumibok pa iyon nang mahagip ko ang madilim na titig ng isang lalaki halos mapatipalok ako sa sout ko na heels. Buti nalang at hindi na ako naglalakad.

Bakit bigla nalang akong kinabahan,knowing that "someone" watching me? Bakit ganyan siya makatingin nakaka intimidate! Halos lagutan ako ng hininga. Papatayin niya ba ako?

Damn you, Vhong Eian Reeztucker!

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon