Kabanata 29 - Potatoe

56 4 0
                                    

Kabanata 29

Seryoso ko siyang tinignan, siya naman kunot noo akong tinitignan. I admit, may mga pagbabago ako napansin sakanya pagkatapos ng halos isang buwan naming hindi nagpapansinan.

"Be honest to me,please..." sabi ko. Wala siyang naging ekspresyon. Hindi siya sumagot. Ngayon alam kong alam niya na kung ano ang mga ibig kong sabihin. "Ginamit mo ba ako-,"

"No!" biglang sagot niya. Mabibigat ang mga titig niya saakin. Hindi ko siya mabasa kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

"Pero simula palang kilala mo na ako? Kilala mo na kami ni Ashleigh?" nakita ko siyang lumunok nun. Napakurap kurap siya bago bumuka ang bibig niya.

"Look,let me explain-,"

"JUST ANSWER ME!" sigaw ko sakanya,nanlaki ang mata niya nun sabay pikit ng mariin. "Gusto mong mapatawad kita 'diba? Please be honest!" dumilat siya at tumingin sa mga mata ko.

"Oo." pag amin niya. "Kilala ko na kayo matagal na." lalo nanginig ang sistema ko sa narinig ngunit pinilit kong ipunin upang mabuo muli ang sarili ko para mapakita sakanya na matibay ako.

"Thanks for the info.," nilagpasan ko siya. Ang bigat ng dibdib ko. Tingin ko ano mang oras hahagulgol ako ng iyak.

"Saii wait! Let me explain!" habol niya saakin. "Let me explain!" halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa saakin.

"You don't have to. Okay na. Malinaw na saakin-,"

"Just listen to my side!" he insisted. "Kung ano mang sinabi ng Papa mo sayo,sainyo taliwas yun sa intensyon ko ngayon... Minahal kita," literal na  napatigil bigla ang mundo ko. "I admit,nung hindi mo pa ako kilala. Nagka-interest akong malaman ang palihim na pag-iimbestiga ng Papa mo sa Daddy ko. Kasi naaawa ako kay Daddy, at nagagalit sa kapatid ko na walang ginawa kundi humanap ng butas laban kay Dad!" napaawang ang labi ko ng makita ang madilim niyang aura.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bigla nalang nandidilim ang aura niya kapag nababanggit ang kanyang kapatid.

Bigla niya akong hinila. Binaon niya ang kanyang mukha saaking leeg. I felt his hot breath in my neck then he placed his hand around my waist.

"Oo sunud sunuran ako sa Daddy ko, pero hindi niya pinag utos saakin na lapitan at gamitin ka, gaya ng iniisip mo ngayon. Totoo mahal kita. Maniwala ka..," mahigpit niya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit para bang isang taon kaming hindi nagkita. "I missed you so bad..." halos humagulgol na siya saakin na nagpapasakit ng damdamin ko. Imagine? Ang isang Vhong Reeztucker nagagawa kong magmakaawa at humagulgol sa harap ko?

I tried to hold his face. I make him to face me. Binigay niya ang gusto ko. Hindi na ako nag dalawang isip na halikan siya. Nahirapan pa ako nun sapagkat nakatingkayad na ako para lang magawa kong maibsan ang mga sakit na mararamdaman niya ngayon.

Tumigil ako at nanatiling nakahawak sa mga pisnge niya. Nagkatinginan kami,napalunok ako bago niya ako siniil ng halik. Napasandal na ako sa pader sa sobrang sabik ng mga halik niya. Nakayakap siya sa baywang ko at inaangat ng kunti,sa sobrang tangkad niya nahihirapan siyang yumuko upang mahalikan ako ng mabuti. His kisses went to my cheeks down to my neck.

"V-Vhong... Tama na. Baka may makakita saatin!" sinunod niya ako. Napatili ako ng iangat niya ako habang niyayakap ng mahigpit.

"I freaking missed you!" he whispered. Napangiti ako dahil nakarinig ng ako ng tuwa sa tono niya.

"I missed you too," bulong ko pabalik. Tinignan niya ako at pinanggigilan niyang hinalikan ang noo ko.

Nagpasyahan naming bumaba na ng rooftop at magtungo na sa mga klase namin.

"Sunduin kita mamaya. Let's have a dinner together," sabay halik sa noo ko.

"Okay..." tango ko sakanya. Matapos nun nahuli ko siyang nakatitig lang saakin. Napakurap kurap ako at napaiwas ng tingin hindi niya pa din ako tinigilang titigan. "'Bat ganyan ka ba makatingin?"

"Oh... Sorry! Namiss lang kita ng sobra." niyakap niya muli ako. "Gusto kong isaulo ang mukha mo. Para sa kung sa ganun, kapag hindi man tayo muling magkita,saulo kita" napaangat ako ng tingin sakanya kumunot ang noo ko ng titig siya. Parang may kakaiba bakit ganyan siya magsalita. Pinakawalan niya ako. "Pumasok ka na klase mo. Sunduin nalang kita mamaya." ngunit hindi ko siya sinunod nanatili lang akong nakatitig sakanya tila inieksamen siya.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng obsession. Parang gusto kong tumabi sakanya buong araw,gusto ko nalang tumabi sakanya. Ano bang nangyayari saakin!?

"I love you Vhong!" nanlaki ang mata niya ng sabihin ko iyon. Nanlaki rin ang mata ko na napagtantong kung ano ang sinabi ko! Hindi na ako nag-antay ng isasagot niya, tumakbo na ako palayo sakanya.

"Saii!" narinig kong sabi niya. "MAHAL DIN KITA. SOBRA!" nanlaki ang mata ko ng isigaw niya iyon. Baliw siya ano bang ginagawa niya?! Tingin ko narinig iyon ng lahat!

Mabilis ang mga oras. Tingin ko binibigay ng tadhana ang gusto ko. Ngayon kasi palabas na ako ng building at excited na makita muli si Vhong. Hindi ko alam kung bakit ganito ko siya kagusto.

Nang makita ko siyang nag aantay sa lobby. Napakurap kurap ako sa alaalang nasabi ko sakanya na tinakbuhan ko. Napaatras ako ng makita siyang napangisi sa reaksyon ko.

"Where are you going!?" hila niya saakin nung makitang patakbo na naman ako palayo sakanya. "I'll not let you to run again after you gave me a heart attack..." napangiwi ako roon ang exaggerate naman ng lalaking ito!

"Tumigil ka na nga! Nagugutom na ako!" ngumisi na naman siya sa sinabi ko.

"Okay. Your highness." yumuko pa siya nun tila nagbibigay pugay saakin. Aba!

Nakangiti akong nakadungaw sa bintana ng kotse niya habang siya may ngisi rin sa mukha habang nagda-drive.

"Anong gusto mong kainin-,"

"Gusto ko ulam na may halong patatas. Kahit anong ulam basta may sahog na patatas! Hmm... Saka para sa desert gusto ko ng french fries at saka mashed potato-," napatigil ako nang napatingin ako nakanya nakataas ang kilay niya at nakangisi saakin. "Ah... A-Ano... Joke lang! Sige ikaw nalang bahala!," then I face the window. Pumikit ako ng mariin kailangan kong I-tape itong bibig ko para matigil sa pagsasalita ng mga gusto kong pagkain. Narinig ko siya tumawa.

"You're so cute!" sabay pisil pa sa pisnge ko. "Do you want Roasted Garlic Potatoe-" pagkarinig ko ng pagkarinig sa potatoe napaharap ako bigla sakanya ngunit pinigilan kong ibuka ang bibig ko. Natawa siya roon.

"Stop teasing me! I hate you!" pagtatampo ko sakanya.

"Jesus! I'm not teasing you. I'm just asking!" natatawa niyang sabi na tinarayan ko lang.

Gusto ko sanang mag tanong about roon sa sinabi saakin ni Papa pero ayokong sirain itong oras kababati lang namin at baka kasi madulas akong at mabanggit ang kanyang kapatid ayoko siyang makitang magalit. Nasa isang mamahaling restaurant kami kumain kaya naiilang tuloy ako,nakauniform pa ako!

"Hindi naman kailangan lagi tayong rito kumain," bulong ko sakanya dahil sobrang tahimik roon. "Tingin ko kapag nagsalita ako rito ng malakas,maiisturbo ko sila at baka palayasin pa tayo," I said that made him laugh.

"No. You're the most special person to me. You're my girlfriend. Kaya kailangan special lahat ng bagay," seryoso niyang sabi saakin. Habang hinahawakan ang kamay ko,magkaharapan kami ngayon. Umiling ako sa sinabi niya.

"Ang mga oras na makasama lang kita, special na para saakin." napaawang ang labi niya nun. Kaya nginitian ko siya ng malaki ngunit patuloy parin siya sa pagiging seryoso ng mga titig niya.

"Saii listen to me!" napakurap kurap ako ng mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Always remember okay? That I've always love you. I love you very much no matter what..." nawala ang mga ngiti ko ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit parang tinusok na naman karayom ang puso ko. Bakit niya ito sinasabi saakin?

Naintindihan ko nalang ang mga bagay bagay na iyon noong sumunod na araw bigla nalang siya nawala...

____________________________________

AN//: Please vote this chapter if you like!

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon