Kabanata 33
Habang nasa office ako. I recieved an invitation through email. Napangiti ako nang malamang Exibit iyon ng mga paintings. They want me to create one para isama roon sa Exibit. Ang kompanyang iyon na discover ako nang minsan sumali rin ako sa Charity Auction nila ng mga paintings. My painting were one of the highest paid on that Auction event. Syempre fifty percent nun ay mapupunta sa charity nila. Nakakatuwa lang kasi napakita ko na ang talent ko then at the same time I earned and gave some fund in their charity. I'll save a date in this event!
This Exibit event will be on next 2 weeks. I have 14 days to create one and good thing that the Exibit day will be my off day too. Napangiti talaga ako ng malaki nun at napapaisip na ng mga concept na ipi-paint ko!
I decided to go to National bookstore to buy some acrylic paints,brush and canvas. May natira pa naman akong mga gamit sa bahay pero tingin ko kukulangin yata. Iniisip ko palang na makikita ko muli ang mga ibat ibang kulay ng mga pintura ay kinikilig na ako! Busy kasi ako masyado sa trabaho para maisip ang mga ito mabuti nalang napadalhan ako ng imbitasyon.
Binilisan ko na ang lakad ko papuntang terminal ng mga sasakyan dahil kailangan makarating at makabili na agad ako para masundo ko na si Ian kila Mama. I suddenly jumped because of shocked when I heard a loud sound of car. Tumabi ako na may iritasyon sa mukha sabay tinignan ng masama iyong kotse na iyon! Aba kung maka busina parang ang laki kong harang ah!
Kumunot ang noo ko ng mapagtantong tumigil iyon at dahan dahan ibinababa ang bintana! Nanlaki ang mata ng makita kung sino iyon! Walang pinagbago ang kanyang mga ekspresyon. Matatalim at madidilim na tingin parin ang pinapatama niya saakin. Ni head to toe niya ako bago mag salita.
"Mag isa ka yata?" napakagat labi ako sa sinabi niyang iyon. Nasa family gathering kasi ngayon si Jayrius kaya hindi niya magawang masundo ako,e. At saka hindi naman niya obligasyong gawin iyon samin araw araw.
"Good evening S-Sir-," bati ko sakanya.
"Get in the car." napaangat bigla ang tingin ko sakanya ng sabihin niya iyon. "Don't let me shout at you again like a last time Saii..." napaawang ang bibig ng banggitin niya ang pangalan ko!
Para wala ng argument about rito pumasok na ako ng walang sinabi pa. Nag aalangan akong sumagot baka hindi na ako makapasok kinabukasan dahil baka paalisin niya ako sa trabaho!
"Let me drive you home," he said with the serious tone. Nawindang ako hindi dahil sa tono ng salita niya kundi dahil ihahatid niya ako sa bahay! Hindi maaari iyon! Baka makita niya pa si Ian! No! No!
"U-Uh... M-May pupuntahan pa kasi po ako Sir bago umuwi," bakit ka naman nauutal Saii?! Alalahanin mo may galit ka sakanya. Siya ang pumatay sa Papa mo. Siya ang dahilan kung bakit ganto nangyayari sa buhay mo! Pero... Siya rin naman 'yung dahilan kung bakit may Ian ako ngayon. Hay! Itikom mo nga iyang pinag iisip mo!
"Where is it? I'll come with you,"
"Pero Sir-,"
"We're not at office hour. Let be in casual. Call me by name! Parang wala naman tayong nakaraan," I froze after he said that. How could he opened up about our past! Nakakaasar!
He start the engine. Umiwas na ako ng tingin at tumingin nalang sa labas. Kinagat ko ang labi ko sa inis.
"Saan tayo?"
"Sa malapit na SM. I'll buy some art materials at National Bookstore," I said without looking at him.
"Oh? Are you still on painting?" he asked.
"Yeah..." simpleng sagot ko at nanalangin na sana 'wag na siyang magsalita! It took me a while to realize that... How did he know that I'm still at painting? Kumunot ang noo ko nun pero hindi ko na siya tinignan pa. Hinayaan ko nalang. Surely, this man were one of the smartest man noh! Alam niya lahat syempre!
Panay sunod niya saakin habang nagtitingin ako ng mga pintura.
"Ilagay mo rito!" kalabit niya saakin para ipalagay ang mga napili kong mga gamit roon sa kinuha niyang basket. Inilagay ko naman ayon sa gusto niya.
Kung ano man ang matipuhan kong mga kulay ng paint lalong lalo na ang mga magagandang brush ay kinukuha ko. Naisip ko nalang bigla ang lalaking kasama ko na nagbubuhat lahat ng gamit. Bigla akong napalingon sakanya. Tinitigan ko siya pati iyong basket. Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga hinahawakan kong gamit,nung tumingin ako sakanya nag angat agad siya ng tingin saakin. Maraming paints na ang kinuha ko pero parang hindi naman siya nabibigatan kagaya ng iniisip ko ngayon.
"What?" nakasalubong kilay niyang tanong saakin. Umiling lang ako sakanya at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Na punch na lahat ng nabili ko. Ilalabas ko na ang pera ng inunahan niya ako ng credit card niya! Napaawang talaga ang labi ko nun!
Pinandilatan ko siya ng mata!
"Sinabi ko bang..." napatigil ako ng pagsasalita ng mapagtantong nasa amin ang atensyon ng mga cashier na babae! Lalong lalo na kay Vhong! Napuno ng iritasyon ang sistema ko ng makita ang mga titig nila kay Vhong! ang isang 'to naman nakakunot noo at tila walang alam lang siyang nakatitig saakin habang kinukuha ang mga pinamili ko. "Tara na nga!" sabay hila ko palabas ng store.
Nang makapasok kami sa kotse niya, doon ako nag-alburoto sa asar sakanya. Habang nagdadrive siya, dumukot ako ng saktong pera na dapat ipambabayad ko sa mga pinamili ko at dahil siya ang nagbayad, sakanya ko bibigay ang dapat ibabayad ko kanina.
"No, keep it-,"
"Kung ayaw mong tanggapin iiwan ko rito!" masungit kong sabi sabay lagay ng pera roon sa dashboard. Marahas niya iyong kinuha at binigay saakin.
"I told to keep it! As long as I can pay for you. I'll pay,"
"Bakit pa? Wala naman na tayo-,"
"Tayo pa!" nanlaki ang mata ko sa sagot niya saakin. "Hindi naman tayo nagbreak noon-,"
"SO BREAK NA TAYO!" nakita ko gumalaw ang panga niya sa sinabi ko. Iritado niyang pinagmasdan ang kalsada habang nagmamaneho. "Ibaba mo nalang ako dyan sa susunod na bus stop," marahan kong sabi sakanya.
"Ihahatid kita sainyo-," bago pa ako magprotesta sakanya tumunog na ang cellphone niya. May pinindot siya roon sabay kabit ng kung ano sa tainga niya. "Yes hello?" tumaray ako habang inahanda na akong bumaba siya naman nagmamaneho habang may kausap. "Ah... Ash!" napatigil ako at napatingin sakanya ng marinig ang pangalang iyon.
Ash? So close sila huh. Tsk!
"Sorry I forgot. Sige pupunta ako!" sabay baba niya ng nasa tainga niya ngayon. "Sorry-,"
"Please! Stop this car! Mag ba-bus nalang ako!" itinigil niya ang sasakyan sa may bus stop dali dali akong bumaba kasama ang mga pinamili ko.
"Saii-," hindi ko na siya pinagbigyan pa magsalita sinarado ko na ang pinto.
Naiinis ako! Nakakainis! At nanatili pa ang kotse niyang nakatigil sa harap ko. Nang iinsulto ba ang isang ito? Tumaray ako at naglakad papalayo sa kotse niya,pero hindi pa rin siya umaalis! Iniwas ko muli ang tingin ko. Then I found out that my eyes were wet of tears. Bakit ako umiiyak?
Naalala ko iyong mga sagutan namin kanina. Naalala ko rin na hindi rin naman kami nagbreak noon. Para sakanya hindi pa kami break pero may something na sakanila ni Ashleigh? Playboy talaga ang isang 'yun! Hindi ko alam kung bakit i-entertain ko pa iyon. Manloloko naman.
Nung nakasakay na ako ng bus. I tried not to look at his car pero nung nagkalayo layo na iyong bus hindi ko napigilang sumulyap sa ama ng anak ko, umalis na siya.
____________________________________
AN//: If you like this chapter please touch the star button to vote and please follow me too! THANKS! ^_^
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...