Kabanata 22
Bago ako makapunta sa last subject ko Vhong texted me.
Vhong:
5:30pm wait me at waiting shed. I want a dinner with you. And no excuses. Please kahit ngayon lang.
Napangiti ako noon. Kahit papaano lumuwag ang pakiramdam. Knowing that he wants a dinner with me. Exicited na tuloy akong mag uwian.
Nang pagpasok ko sa room. Ang tungkol sa rumored girlfriend niya parin ang kanilang bulong bulungan. Ang iilan ay napatingin nung pagpasok hindi ko nalang iyon pinansin kaya dumeretso nalang ako sa upuan.
"Ang gulo ah. Sino ba talaga ang nililigawan ni Vhong? Si Channel o si Saii?".
Nanlaki ang mata ng marinig ang pangalan ko. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Kunwari busy at hindi ko sila naririnig.
"Dati si Saii. I think nagsawa si Vhong kaya si Channel naman. Alam niyo naman na iyang si Vhong palipat lipat ng babae,"
"Tanungin kaya natin si-,"
Natigil ang usap usap na iyon nung pumasok ang prof namin. Pilit ko itinatatak sa utak ko na rumored lang iyon at hindi ko dapat isipin. Pero kung hindi naman totoo bakit pinag uusapan nila? Sino ba ang totoong nililigawan ni Vhong? Iyong Channel ba o ako? Pinagsasabay niya ba kami? Gulong gulo na ang utak ko sa dami ng mga tanong
After class hindi muna ako dumeretso kung saan kitaan namin ni Vhong 5 pm naman ang dismissal namin kaya na tempt akong bumili ng school newspaper. Hindi ko alam sa utak ko kung bakit inuutos niyang bumili raw ako. Siguro kasi gustong gusto ko mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko. May iilan rin na bumili ng newspaper at...
"Totoo nga. Nililigawan ni Vhong si Channel,"
"Well... Even if I have crush on Vhong I admit that bagay nga sila."
Someone took a photo of Vhong Reeztucker with the daughter of Mr. Wang, Ms. Channel Wang. Is there something between them?
Headline iyon. Hindi ko na binasa iyong article about roon. Iyong picture palang sapat na saakin. Pinapakita roon kung gaano kalaki ang ngiti ni Vhong habang palakad sila noong Channel habang nakahawak siya sa siko nito. Ang ganda ni Channel...
Recent iyon dahil kakalabas palang nung newspaper. Dumeretso nalang ako sa waiting shed kung saan ako susunduin ni Vhong, siguro tatanungin ko nalang siya patungkol rito. Sana matanong ko siya.
"O Saii sino hinihintay mo? Si Vhong ba? Hinatid niya si Channel magdi-dinner date raw ata."
DINNER DATE?!
"Ah... Hindi. Hindi naman siya iaantay ko. Nagkakamali ka Stef," agap kong sabi.
"Oh. Okay sige. Ingat ah," pumikit ako ng mariin ng umalis siya sa harapan ko. Nakita ko pa siya napasulyap sa newspaper na hawak ko. Ang front page pa nun ang malaking picture nila Vhong at Channel dahil nga headline sila.
Napakurap kurap ako na gigil na nararamdaman ko dali dali kong kinuha ang cellphone ko. Gusto ko sanang magpaalam na umuwi dahil makulimlim na at baka umulan wala pa naman akong dalang payong.
Nagulat nalang ako at makitang may text siya roon.
Vhong:
Male-late ako pero mga 5 minutes lang. Inutusan kasi ako ni Daddy na makipagkita sa anak nung client niya. Can you wait? I promise lahat ng gusto mong kainin sa dinner natin bibilhin ko.
Nanggigil ako sakaniya. Iyong anak ba ng client ng Daddy ay iyong si Channel? Bakit kailangan niya makipagkita sa anak ng client ng Daddy niya kung ganun ay ang Daddy naman ni Channel iyong client ng Daddy niya. Nakakaasar lang ah. Nauudlot ang dinner naming dalawa dahil sa babaeng yan. O baka... pinagkakasundo sila? Ganito napapanood ko sa mga penikula.
Sabay tingin ko sa newspaper, at makita ang ngiti nyang napakalaki. Hindi ko pa siya nakitang ganyan kasaya ng dahil sakin. Then I saw my wrist watch. Lalo ako nanlumo ng makitang 6pm na. Akala ko ba 5 minutes lang? Ang kitaan namin 5:30. 6PM NA!
Ayoko na hindi ko na kaya to! Uuwi na ko. Bahala siya. Nakita kong tumatawag siya. Kinancel ko agad at binato iyon sa loob ng bag ko ang cellphone. Nag simula na akong maglakad pauwi nararamdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Nang biglang bumuhos naman ang ulan.
I run as fast as I can. Naiinis ako. Naiirita ako sarili ko at kay Vhong, kay Channel. Siguro napagod na siya, siguro masyado akong pachoosy dahil ang tagal tagal na hindi ko parin siya sinasagot!
"What the hell are you doing?!" I shouted when someone grab my waist. Pumiglas ako at halos masapak ko na iyong humablot saakin. In my horror it was Vhong!
"What the fuck is wrong with you?! Pinatayan mo ko ng tawag-,"
"Kasi manloloko ka!" hinampas ko sakanya iyong halos mabasa na newspaper.
"Ano?-What the heck is this?" dumilim ang kanyang awra ng makita iyong nasa newspaper habang mahigpit na hawak ang wrist ko kaya hindi ako makawala wala sakanya! Sa inis niya itinapon niya ang newspaper.
"Manloloko ka. Gagawin mo pa ako tanga! Pinagsasabay mo pa kaming dalawa," sabay tulak ko sakanya at pilit akong kumawala sakanya ngunit mas malakas siya.
Dumilim ang ekspresyon niya. Hindi agad siya nakapagsalita. See? Totoo. Totoong pinagsasabay niya kaming dalawa!
"Sa kotse tayo mag usap-,"
"Ayoko!" at pilit kong kawala sakanya.
"Saii-,"
"Alam mo dun ka nalang sa Channel mo tutal mas importante pa siya kaysa sakin hindi ba? Pinaghintay hintay mo ko-," tumili ako ng binuhat niya ko sabay nagmamadaling pumunta sa kotse dahil lumalakas na ang ulan.
"BITAWAN MO KONG HAYUP KA!" kasabay nun ay sinapak sapak ko siya.
"Stay still Saii. Ang lakas lakas ng ulan basang basa na tayo, o!" tila isang kulog ang boses niya. Pero hindi natibag ang pagkainis ko sakanya.
"Put me down! Walang akong pakielam!" ngunit huli na ang lahat pinasok na niya ang sa loob kotse wala siyang pakialam kung mabasa ko ang front seat. May ginawa siya sa pinto ng kotse niya kaya kahit anong tulak ko hindi mabuksan. "Palabasin mo ko rito uuwi na ko." sigaw ko sakanya habang umiikot siya upang makapunta siya sa driver's seat!
"Let's talk. Hindi kita iuuwi hanggang ganito ka saakin." malamig niyang sabi nung nakapasok siya sa loob. Siya pa talaga itong may ganang maging cold sakin!
May hinanap siya sa likod ng kung ano habang ako naman humahanap ng paraan upang makalabas roon.
"Stop trying to escape to me. Hindi ka makakawala," he whispered. Nanginig ako nun ngunit naibsan ng kakaunti ng yakapin niya ko na may towel na puti. "Calm down," halos maiyak na ako nun sa sobrang inis. Tumulo na ang mga luha ko, sa tanan ng buhay ko hindi ako naging ganito kaya inis na inis ako sakanya ngayon.
Kumalas siya saakin. He tried to wipe my face suplado kong iniwas ang mukha ko.
"Wipe your hair baka mag kasakit ka,"
"Pakialam mo kung mag kasakit ako," sagot ko ng may tono na pagiging irita. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. Pinunasan ko naman ang luhang lumandas sa pisnge ko. Nakakainis!
"May pakialam ako,kasi nga 'diba nanliligaw ako-,"
"Oh talaga? Hindi naman ako na-inform na kailangan mas maraming nililigawan para mag karoon agad ng girl-,"
"Hindi ako ganoon-,"
"Basted kana!" I cried. Nanlaki ang mata niya nun. Himikbi ako he tried to touch me pero binulyawan ko siyang 'wag akong hawakan.
"What's wrong with you?" puno ng frustration siyang sabi tila hirap na hirap na saakin.
"Manloloko ka! Sino iyong Channel?" kumunot lamang ang noo niya parang may hindi maintindihan saakin. "Hindi mo alam? Ayun yung isa mo pang babae! Manloloko ka!" sabay sapak sapak ko sa dibdib niya. Wala siyang ginawa kundi umilag at habulin ang mga kamay ko upang mapigilang sa pagsuntok kalaunan niyakap niya nalang ako ng dahilan ng paghina ng suntok ko.
"Hindi kita sasagutin... Basted ka na!," mahina kong sabi habang umiiyak.
"Shh... Calm down," he whispered. "Hindi tayo magkakaayos kung agresibo ka. I'll explain,"
-----------------------------------------------------------
Don't forget to vote!
BINABASA MO ANG
Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]
RomanceVhong Reeztucker That time, I don't mind the people who are worried about me. Nilamon na ako ng pagkagalit at paghihiganti, but when I saw my brother shot. Para bang nagising ako sa realidad,natunaw ang galit ko then I tried to escape because I know...