Kabanata 32 - Mama

62 5 0
                                    

Kabanata 32

Ang pagtunog ng sout kong stilettos ay nagpapadagdag ng kaba saakin. Ngayon lang ako nagreklamo sa sarili ko na ang ingay ng tunog nito habang nilalakad ko ang papunta sa opisina ng vice president!

Pinagbuksan ako ng pinto ng lalaking nakaabang doon iyon ata ang kanyang sekretarya o bodyguard? I don't know.

Pagpasok ko,deretso lang ang tingin ko sa medyo malayong lamesa ng vice president. Naglakad ako patungo roon. The sounds of my shoes,that make him to look at me. I saw how he scanned my whole body! Uminit ang pisnge ko! Then until our eyes met. Napaiwas ako ng tingin.

When I reached near in his table nahuli ko pa rin siya tinitignan ang katawan ko. Nakasout ako ng medyo maluwag na blouse kaya nasisiguro kong wala siyang makikita saakin. Until I thought about my pencil cut! Hapit na hapit iyon na nagpapakita ng hubog ng katawan ko!

"Pinapatawag niyo raw ako" marahan kong sabi. Nung nagsalita ako umayos siya ng upo. He licked his lips before he open his mouth to speak.

"Bago raw rito?" halos manginig at napakurap kurap ang mata ko sa baba ng kanyang boses! 'Yung tipong unti palang iyong sinasabi niya makalaglag panty na much more pa kaya kapag kinausap niya talaga ako? Baka hubad hubad na ako rito!

"Ah... Y-Yes Sir. Last week lang po ako narito," sagot ko na tinanguan niya. Nakita ko lang sa gilid ng mata ko na tumango siya kasi hindi ko talaga kayang tignan siya. Bumaba muli ang tingin ko.

Napaangat lang muli ako ng tingin ng mapagtantong ilang minuto na akong nakatayo rito. Wala na ba siyang ibang sasabihin?

Pagkaangat ko mataman niya akong pinagmamasdan. I'm not sure of what I had saw,but is he smirking at me? Nung nag angat ako ng tingin nawala na agad iyon at napalitan ng seryosong mukha.

"Okay you may go!" at nagsimula na siya tignan ang mga papel na nasa desk niya. Okay? That's it? But atleast he never talk about our past! Bakit naman namin pag uusapan ang past? Baka nga nakalimutan niya na iyon e. Naka move on na siya!

Halos mapasabi akong success! nung pagkalabas ko ng opisina niya. Malapit na akong makarating sa lamesa ko ng matanaw lahat ng mala ibon na tingin ng mga officemates ko tila nag aantay kung fired na ba ako. Iniwas ko nalamang ang tingin ko sakanila at pumuwesto sa lamesa ko.

"Pustahan tayo magliligpit na 'yan ng mga gamit niya!"

Napataas ang kilay ko sa narinig . Kinuha ko 'yung notebook ko na nakakalat na hindi ko naman kailangan nang may biglang humawak roon.

"Ano? Ano sabi sa'yo?" ang tsismosa kong officemates... Si Mari. Hinila ko iyong notebook para maibalik iyon sa kinalalagyan.

"Tinanong niya kung bago raw ako," sagot ko sabay harap sa screen ng computer.

"Then?" tanong niya pa na hinarap ko na.

"Yun lang." simpleng sagot ko

"Yung lang?!" halos maisigaw niya iyon,kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"Bakit? May gusto ka pa bang malaman na iba?" I noticed that, their ears were all mine. My heart jumped when she suddenly grabbed and hold my both hands.

"I'm very glad na hindi ka niya pinaalis!" madrama nitong saad saakin. Binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano ba tumigil ka nga! Bumalik ka na roon sa lamesa mo!" sabay turo ko roon sa lamesa niya. Nakangiti niya itong pinuntahan. She's the true image of crazy woman!

Narinig kong nag ring ang phone ko at nakita kong si Jayrius ang tumatawag roon. I grabbed my phone and I went outside before taking the call.

"Hello?"

"Mama!" lumiwanag ang mundo ng marinig ang boses ng anak ko.

"Baby!" halos mapatili pa ako nun. Hindi naman ito ang kauna unahang tumawag ang anak ko gamit ang phone ng tito Jayrius niya pero syempre nanay e... nakakatuwa lang marinig ang boses ng anak ko!

"Mama are you still at work?" at huli ko ng mapagtantong dapat pala susunduin ko na pala sa mga oras na ito sa school! Pero hindi na ako nagsalita because I'm confidently comfortable  that my son is okay with his tito Jayrius. "I just want you to know that tito Jayrius already fetch me at school," maliit na boses na sabi ng anak ko. "That's me! I'm here!" si Jayrius.

"I'm glad that you're not busy huh?" narinig kong humalakhak si Jayrius.

"Syempre I miss my bigboy!" narinig kong sabi ni Jayrius. "Mama I already miss you na po. We're going to mall Tito said then after hahatid ako sa kila Lola!"

"Okay I miss you too my baby!" malambing kong sabi.

"I'm bigboy na Mama! Don't call me baby- Ako nalang tawagin mong baby," narinig kong singit ni Jayrius.. At may narinig akong ilang segundong katahimikan.
"I'm just kidding... That's right don't call him baby" halakhak pa nito. Tingin ko napaismid ang anak ko, thinking the angry face of my son is really make me blushed.

"You're still my baby forever," ang malawak kong ngiti habang katawagan ang anak ko ay bigla nalang nawala ng makita ang kaparehang mala uwak na mata ng aking anak. Nahirapan pa akong makalunok ng makita ang madilim niyang aura habang pinagmamasdan ako. Napagtanto ko nalang kung ano yung mga pinagsasabi ko kanikanina lang! "Okay I'll hang up this call Bye!"

"Bye Mama I love you!" napakurap kurap ako sa narinig ko. Hindi pwede hindi ko ito sagutin.

"I love you too," bulong ko na sana hindi niya narinig. I put down my phone then suddenly I felt his presence near me. I'm 100 percent sure that he heard what I said!

"Boyfriend?" I almost jumped to his husky with an angry tone. Halos gusto kong matawa sa tanong niya at sagutin siya ng...

"TANGA ANAK MO 'TO KUNG DI MO LANG ALAM" syempre hindi niya talaga alam! Tsk!

"Is your supervisor remind you about taking calls while office hours?," napayuko ako nun. Alam kong mali iyon at dapat nagtatrabaho ako. Ngunit ang sarap lang sagutin siyang...

"E anak mo kaya yung tumawag!" pero syempre hindi ko na isinatinig iyon. May tamang oras,panahon at lugar ito para umamin 'bout sa anak niya.

"Yes Sir. I-Im sorry!" sabi ko. Nang makita niyang lumabas na rin ang mga tauhan niya iniwan niya nalang ako roon ng walang sinabi.

Nire-recall ko lahat ng mga sinabi ko sa anak ko kani kanilang. Narinig niya kaya lahat ng iyon? Tapos inakala niya pang boyfriend ko raw iyon. At hanggang palabas na ako ng building upang umuwi na, iyon parin ang iniisip ko.

"Mauna na ako sayo Saii ayan na yung sundo ko," sabay turo ni Mari sa asawa niya.

"Osige!" pagkaalis na pagkaalis niya napatigil ako saglit dahil tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong si Jayrius, sinagot ko na.

"Maaga natapos 'yung mga meetings namin. Susunduin ka namin ni Ian- Mama!" I heard my son's voice.

"Okay I'll wait here!" ngiti ko at binaba ko na ang telepono. Mabuti nalang at may time si Jayrius na sunduin kaming dalawa ng anak ko pauwi saaming bahay. I don't need to fetch Ian from his lola's house at makakapagpahinga kami ng maaga.

"Wanna ride?" his husky voice made me jumped. Napaangat ako ng tingin saakanya. Hindi siya nakatingin saakin, deretso lang ang tingin niya habang nakapamulsang at nasa tabi ko.

"Pardon sir?" bumaba ang tingin niya saakin.

"I'll drive you home," ewan ko pero, I felt his authority in his tone but sorry your highness, I'll disobey.

Umiling ako. "May sundo ho ako!" tumaas ang kilay niya roon sabay may pumaradang sasakyan sa harap namin. It took me a while to realize that this man's son were inside in that car! Nakita kong lumabas si Jayrius. There's a smile in his face. Pero naglaho iyon ng makita ang nasa tabi ko.

"See you tomorrow  sir!" paalam ko sakanya,ngunit bago iyon nakita ko na ang madilim niya na namang aura ng makita kung sinong lalaki ang lumabas sa kotse. I gave Jayrius sign na nakuha naman niya agad. "Jayrius let's go!" dali dali kong binuksan ang pinto ng front seat bago magsalita ang anak ko ng...

"Mama!" nanalangin ako na sana hindi niya nakita si Ian!

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon