Chapter 1

77.2K 410 39
                                    

KATHRYN

"Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sa iyo." naiinis na sabi ni Kathryn. Kanina pa siya naghihintay kay Albie, ang boyfriend niya. May usapan kasi silang magkikita sila nang araw na iyon kasi halos isang linggo na silang hindi nagkikita.

"Babe, sorry. Hindi ako makakapunta. Talagang busy lang. Sorry," sagot nito sa kabilang linya.

"What? After making me wait for three hours, hindi ka rin naman pala susulpot? Are you joking me, Albie?" galit na talaga siya dito.

"Sorry talaga, babe. Babawi nalang ako next time. Sige ha? May gagawin pa ako, eh. Bye," sabay baba nito ng telepono.

At binabaan pa talaga siya, ha? Impit siyang napatili. Inis na inis na siya dito. Parati nalang itong hindi sumusulpot sa mga lakad nila. But don't get it wrong, okay naman talagang boyfriend si Albie. Kaya lang, these past few days, parang lagi nalang itong busy to the point na wala na itong time para sa kanya. At siya naman si good girlfriend, pilit umiintindi sa sitwasyon ng boyfriend.

"Nakakainis!" napabulyaw siya. Talagang galit na galit na siya. Hindi siya makakapaniwalang pinahintay siya nito nang tatlong oras para lang sa wala. Dapat ay nakauwi na sana siya at nang may magawa naman siyang mas makabuluhang bagay. Sana ay natapos na niya ang article na ginagawa niya. Deadline pa naman niyon bukas. Kailangan na naman niya magsunog ng kilay ngayong gabi para mahabol ang deadline.

"Kung hindi lang dahil sa Albie na iyan, dapat tapos na ako sa article ko ngayon!" kausap niya sa sarili niya. Tingnan mo nga? Dahil sa sobrang galit, napapraning at kinakausap na ang sarili.

Humugot siya nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

"Hay. Makauwi na nga lang." Napagpasyahan niyang umuwi nalang kesa naman patuloy na magmaktol sa ginawa ni Albie sa kanya. Magsasayang pa siya nang oras niya kung ganoon. Kailangan pa naman talaga niyang tapusin ang article na iyon. Marami na siyang deadline na hindi na-meet. Isa kasi siyang editorial writer sa paper organization ng school nila.

Papunta na siya ng school parking lot. Hinahalungkat niya ang susi ng sasakyan niya nang may narinig siyang may nag-uusap, isang babae at isang lalake. Napalingon naman siya at saktong-saktong nakita niya ang pagsampal ng babae sa lalake.

Ouch. That hurts. Napangiwi siya. Sure siyang masakit iyon para sa lalaki. Ano kaya ang nagawang kasalanan nito?

"I'm really sorry, Lara - "

"It's Laura, you jerk!" sabi ng babae sabay nagmartsa paalis.

Nakita niyang napabuntong-hininga ang lalaki at lumakad papuntang kotse nito. Pero hindi pa man ito nakapasok ay may tumawag dito na isang babae. And in fairness, ang ganda nito. Napaka-sophisticated ng dating. Talagang mai-intimidate ka sa kagandahan niya. Hindi man ito kasintangkad at kasing-sexy ng naunang babaeng nakita niyang sumampal sa lalake, pero iba ang taglay na kagandahan nito.

"Daniel!"

Napalingon ang lalakeng nangangalan palang Daniel sa babae. Nakita niya ang pagkainis sa mukha nito.

"Ah, hi." Pilit pa ang pag-ngiti nito.

"Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" tanong ng babae dito.

"Ah, Arianne - "

"It's Adriana."

"Ah, Adriana. Sabi ko nga, eh." Napakamot ito sa ulo.

"So? Ano na? Why aren't you calling me? Kahit mga tawag ko, hindi mo rin sinasagot?" tanong pa rin ni Adriana dito.

"Huwag kang magagalit, pero, bakit naman kita tatawagan?" balik-tanong ng Daniel na ito kay Adriana.

"What do you mean?"

Brighter Than SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon