Chapter 24

11.6K 161 11
                                    

KATHRYN

"Kath?" Narinig ni Kathryn si Julia na tumatawag habang kumakatok sa pintuan. Nakasalampak siya sa kama habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Kath..." Hindi niya namalayang nakapasok na pala si Julia. At hindi lang ito nag-iisa, kasama nito sila Yen, Diego at barkada ni DJ.

"Uy, bakit kayo lahat nandito?" humihikbing tanong niya sa mga ito.

"Para ano pa ba? Para damayan ka," sagot naman ni Yen.

"Alam naming nasasaktan ka," sabi naman ni Diego.

"At ayaw ka naming nasasaktan, Kath," patuloy ni Seth.

"Uupakan ko talaga si DJ. Makikita niya," pahayag ni Lester habang kinukumkom ang kamao sa palad.

Napakla ng tawa si Katsumi. "As if naman may chance kang maupakan si DJ. Ang weak mo kaya."

"Tumahimik ka ha, Kats. Hindi kita kinakausap," paasik na sabi ni Lester.

Imbes na tumahimik si Katsumi ay natawa naman ito.

"Kayong dalawa, kung mag-aaway lang kayo, mabuti pa't lumabas nalang kayo. Hindi kayo nakakatulong dito," saway ni Yen sa mga ito. Tumigil na ang dalawa sa pagbabayangan.

"Kath, okay ka lang?" tanong ni Julia sa kanya.

Naramdaman niyang nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Panibagong mga luha na naman ang dadaloy sa pisngi niya.

Luha, kailan ka titigil?

Niyakap siya ni Julia habang hinimas-himas ang likuran niya.

"Okay lang iyan, Kath. Magiging okay lang ang lahat," sabi ni Diego.

"Parati ko nang sinasabi iyan. Parati kong pinipilit sa sarili kong okay lang. Parati kong pinapaniwala si DJ na magiging okay lang. Pero sa totoo lang, hindi okay. Kasi ang sobrang sakit."

Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata.

"Bakit ganoon? Alam ko naman na masasaktan lang ako, eh. Pero heto, nagpapakatanga pa rin. Ako na ang pinakatangang masochistic sa balat ng lupa."

"Hindi ka tanga, Kath. Mas lalong hindi ka masochist. Nagmamahal ka lang," pampalubag-loob ni Seth sa kanya.

"Iyon na nga, eh. Nagmamahal lang ako. Pero bakit ako nasasaktan? Akala ko ba masarap magmahal?"

"Kath, huwag mong kalimutan na love is bittersweet. Hindi sa lahat ng panahon ay sweet lang. Sometimes, may bitterness rin. Pero iyon ang tumatatag ng nararamdaman mong pagmamahal sa isang tao," sabi ni Yen.

"Tama si Yen, Kath. Kung ngayon, bitter pa ang daloy ng lovestory ninyo ni DJ, for sure bukas magiging sweet na rin," pagsang-ayon ni Katsumi.

"Pero kung hindi naman mangyayari iyon, tandaan mo lang, Kath. Nandito lang kami para sa iyo. Lalong-lalo na ako," sabi ni Lester. Binatukan naman ito ni Diego.

"Bumanat pa, eh," saway ni Diego dito.

Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam niya. Maganda talaga kapag may mga taong nagpapahalaga sa iyo kasi sila ang karamay mo sa panahong malungkot ka.

"Huwag ka nang umiyak, ha?" sabi ni Julia sa kanya. Tumango lang siya dito at ningitian ito, as well for the rest of the gang.

"Thank you," pagpasalamat niya sa mga ito.

"So? Ano nang plano mong gawin?" tanong ni Seth sa kanya.

Nakapagbuo na siya ng desisyon. Kahit man na sinabi niya kay Daniel na nandiyan lang siya para dito ay kailangan din muna niyang pagalingin ang nasugatan niyang puso.

Brighter Than SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon