KATHRYN
Nagtaka si Kathryn nang inihinto ni Daniel ang sasakyan nito sa isang grocery store.
Nagtatakang tumingin siya dito. "Sa grocery store tayo magde-date?"
Mapaklang tumawa ito. "Seriously? You think i'm that pathetic?"
"Eh, anong ginagawa natin dito?"
"Bibili ng grocery. Since it's kinda late to go to a restaurant for dinner dahil hindi na tayo makakakuha ng reservation, I decided na sa condo ko nalang tayo magdi-dinner."
"What?"
"You asked for this. Biglaan kasi ang pag-announce mo ng date natin. I have no other choice, maliban nalang if may masa-suggest kang place at this hour."
Nag-isip siya. Tama nga naman ito. At this late hour, mahirap nang makakuha ng reservation sa restaurant.
"Ayoko rin naman kitang dalhin sa fast-food lang. Hindi ako cheap," dugtong pa nito.
"Ah, sige na nga. Ikaw ang bahala," nasabi nalang niya dito.
"Ako naman talaga ang bahala, eh. Dito ka lang ha? Huwag kang aalis. Balik lang agad ako." At lumabas na ito ng sasakyan nito.
__________
"Nice place," nasabi ni Kath nang iginiya siya ni Daniel papasok ng condo nito. It was spacious, modern, and manly. May sense of art din ito. Marami kasi itong paintings na nakasabit sa wall.
"Thanks. Halika, upo ka muna," anito at iginiya siya sa living room nito.
"Leather," komento niya sa sofa nito. It was a black stylish leather sofa.
"Yeah. I like leather. And black," sagot nito sa komento niya.
Pansin nga niya na fond ito sa color black. His condo was dominantly in color black. May mix lng na white and neutral earth color. So manly-ish.
"Feel at home. Doon muna ako sa kitchen," anito at tumuloy na sa kitchen. His kitchen was just across the living room. Elevated ito pero kitang-kita niya pa rin. Nandoon lang din ang maliit na dining table nito.
Naupo siya sa sofa nito at ini-on ang television.
"Ikaw ang magluluto?" tanong niya dito. Ibinaling niya ang atensiyon niya dito kaya sa halip na ang T.V ang pinapanood niya ay ang likod na nito ang pinapanood niya. Nakatalikod kasi ito at busy sa paghahanda para sa lulutuin.
"Yup."
"Marunong ka ba?"
"Minamaliit mo ba ako? I know how to cook. I've been cooking for myself for years."
"Sabi mo iyan, ha. Tingnan natin. Ano pala ang lulutuin mo?"
"My favorite, pork kaldereta," anito at bahagyang lumingon sa kanya.
"Wow. Parang masarap, ha."
"Yah. Ahm, may request lang ako."
"Ano?"
"Can you just watch the T.V instead of my back?"
"Ha? Bakit naman?"
"Naku-conscious ako, eh. Hindi ako makagalaw nang maayos."
Tumawa naman siya. Ang cute kasi nito. "Okay."
She pretended to watch the T.V pero ilang saglit lang ay pinanood na naman niya ang likod nito.
Halatang sanay na talaga ito sa kitchen. Alam na alam nito ang ginagawa. Mula sa paghiwa sa mga gulay, pagmarinate ng pork, at sa paghugas ng plato, alam na alam nito. Minsan nalang ang mga lalakeng may alam sa mga gawaing bahay, lalong-lalo na sa kusina kaya hanga siya sa mga lalakeng may alam noon. At mas lalong humahanga siya kay Daniel. Plus pogi points iyon para sa isang babae ang ganoong katangian.
BINABASA MO ANG
Brighter Than Sunshine
Teen FictionDaniel Padilla is a world-class playboy and a certified heart breaker. Aware na aware si Kathryn doon. Kaya ay nangako siya sa sarili niyang hinding-hindi siya mai-in love sa isang kagaya nito. Bakit naman siya maghahanap ng sakit ng ulo kung pwede...