KATHRYN
Pagkatapos ng hapunan ay may magaganap naman na sayawan. Iyon na ang huling event sa pa-fiesta sa Hacienda Padilla.
"Wow. Talagang may sayawan pa ha?" amazed na sabi ni Julia.
"Hindi ka pa ba nakakapunta sa isang sayawan?" narinig niyang tanong ni Diego dito.
"Hindi pa nga, eh. First time ko ngayon," sagot naman ni Julia.
Tumutugtog ngayon ang banda nila DJ. May mga pares na nagsasayaw naman sa gitna ng garden. Mellow music kasi ang itinugtog ng banda nito. Nang sa wakas ay natapos na rin ang kanta at nagsialisan na sina Daniel, Lester at JC sa makeshift na stage. Naiwan naman sila Katsumi at Seth doon. Mukhang kakanta pa ang mga ito.
"Good evening ulit! Itong susunod na kantang tutugtugin namin ay para sa mga tao diyang nababaliw na sa pag-ibig, lalong-lalo na para sa isang kaibigan namin. Tol, tinutulungan ka na namin, ha? Now, it's your turn. Make your move, man," sabi ni Katsumi over the microphone. Saka ito kumanta.
"Juls, pwede ba kitang maisayaw?" narinig niyang tanong ni Diego sa kaibigan.
Napalingon siya kay Julia at kahit na makulimlim sa paligid, kitang-kita niya pa rin ang pagkislap ng mga mata nito.
Hay. Pag-ibig nga naman. Napailing lang siya habang napapangiti.
Parang nakikita lang niya ang sarili sa kaibigan. Magiging ganoon din siguro ang reaksiyon niya kapag imbitahan siyang sumayaw ni Daniel.
Hinila na ito ni Diego sa gitna ng dance floor at nagsimula na ang mga itong sumayaw. Nakapulupot ang mga braso ni Diego sa bewang nito habang ito naman sa leeg ni Diego.
"Kath," narinig niyang may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Daniel na nakatayo na sa tabi niya.
"Ang bilis mong nakapunta dito, ah?" pagtataka niya dito. Kanina lang ay nakita pa niya itong pababa lang ng stage pero ngayo'y nasa tabi na niya ito.
"Ah, kasi... Ano kasi..."
Syete! Parang kinakabahan ako nito.
"Ahm, Kath? May I..."
"May you what, DJ?"
"Ah, may I..."
"Tol, kung hindi mo pa masabi, uunahan na talaga kita," narinig niyang sabi ni Lester sa may likuran n DJ.
"Kath, may I have this dance?" tuloy-tuloy na sabi nito. Natawa tuloy siya kasi parang hindi niya narinig nang maayos ang sinabi nito.
"Ano? Hindi ko maintindihan, eh." Siyempre, naintindihan niya. Gusto lang talaga niyang marinig ulit.
Bakit ba? Gusto kong kiligin, eh.
Napabuntong-hininga ito, saka ay tumitig sa mga mata niya. This time, malinaw na malinaw na niyang narinig ang sinabi nito despite of the loud beat her heart was making.
"Kath, will you give me the utmost privilege of dancing with a special girl like you?"
Mare, matutunaw na ako. Help!
"Uh... sure," sagot niya dito. Hindi nga siya sure kung paano pa siya nakapagsalita dahil sa sobrang kilig.
Kinuha nito ang kamay niya saka ay iginiya siya sa gitna ng dance floor. Kinuha nito ang mga kamay niya at inilagay sa may leeg nito. Ipinalibot naman nito ang kamay nito sa bewang niya and held her close. Dahil sa sobrang close nila, napi-feel na niya ang heartbeat nito. And as she was listening to the sound of his heartbeat, napakanta na rin ang tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
Brighter Than Sunshine
Teen FictionDaniel Padilla is a world-class playboy and a certified heart breaker. Aware na aware si Kathryn doon. Kaya ay nangako siya sa sarili niyang hinding-hindi siya mai-in love sa isang kagaya nito. Bakit naman siya maghahanap ng sakit ng ulo kung pwede...