Chapter 19

11.4K 148 12
                                    

KATHRYN

Eksaktong alas tres nang umaga nagising si Kath. Antok pa nga siya kasi matagal siyang nakatulog dahil sa kakaisip kay Daniel.

Wala pang alas kwatro ay nakababa na si Kath sa kitchen at nadatnan si Daniel doon na nagpa-pack ng mga tupperware sa isang picnic basket.

"Good morning," masayang bati nito.

"Good morning." Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Talagang pinaghahandaan nito ang lakad nila.

"Let's go," anito at hinila na sila sa labas ng mansiyon.

Kung kagabi, bisikleta ang gamit nila ni Daniel, ngayon ay scooter naman.

"Angkas na," sabi nito nang nakasakay na ito sa scooter. Sumakay naman siya sa likod nito.

"Saan ba tayo pupunta, DJ?" tanong niya dito.

"Secret. Kumapit ka nalang nang mabuti," anito at pinaandar na ang scooter.

__________

DANIEL

Inilatag ni Daniel ang dala nitong picnic mat sa damuhan habang si Kathryn ay nakatanaw sa palayan. Dinala niya si Kath sa parte ng hacienda kung saan magandang tanawin ang pagtaas ng araw.

Yes, he's planning to watch the sunrise with her.

"Ano bang ginagawa natin dito, DJ?" narinig niyang tanong ni Kath sa kanya. Nakatalikod pa rin ito sa kanya at tinatanaw ang malawak na palayan. Nasa bandang itaas na lupain sila sa palayan. At dahil hindi pa masyadong maliwanag, hindi mo masyadong ma-appreciate ang tanawin.

"Maghintay ka lang, Kath," sagot nalang niya dito. Ipinagpatuloy naman niya ang pag-ayos ng maliit na breakfast na inihanda niya. Nagbrew siya ng coffee para sa kanila. Nagluto rin siya ng ham and egg at saka ay nagtoast ng bread. Nagdala siya ng iba't-ibang klase ng palaman ng tinapay. Handang-handa talaga siya.

"Wow. Ang dami niyan, ah," sabi ni Kath. Nakalapit na pala ito sa kanya at nakaupo sa mat na inilatag niya.

"Mas mabuti nang madami para busog."

Napatawa ito. "Pinapataba mo talaga ako."

"Hindi naman. Gusto ko lang talagang mabusog ka. Teka, you want coffee?"

Ngumiti naman ito. Binuhusan niya ng coffee ang dala niyang baso saka ay ibinigay nito ang isa.

"Hmm. Ang sarap," papuri nito sa kapeng ginawa niya.

Ningitian naman niya ito. Pinagmamasdan lang niya ito habang hinihigop nito ang kape.

"Grabe. Ito na yata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko," sabi pa nito.

Napatawa siya. "Salamat."

Napahigop na rin siya sa kape. Tahimik lang silang dalawa. Ine-enjoy lang nila ang company sa isa't-isa.

"So, sasabihin mo na ba sa akin kung anong ginagawa natin dito?" tanong nito nang naubos na rin nito ang kape.

"Maghintay ka nalang. Malalaman mo na rin mayamaya. Huwag kang atat, okay?"

Umismid naman ito. Pero kahit na ganoon, ang ganda pa rin nitong tingnan.

Napansin niyang parang giniginaw na ito.

"Giniginaw ka ba?" tanong niya dito.

"Ah, medyo," sagot nito.

"Bakit kasi ang nipis lang ng jacket na isinuot mo?"

"Wala na kasi akong ibang jacket. Ito lang ang dinala ko."

"Ganoon ba? Ah, teka," at kinuha sa picnic basket ang isang blanket. "Eto oh, para hindi ka na ginawin."

"Ha? Papaano ka?"

"Don't worry. Okay lang ako. At tsaka, leather naman itong jacket ko. Kaya okay lang."

Kinuha nito ang blanket mula sa kanya. Mayamaya'y naramdaman na rin niya ang ginaw.

"Giniginaw ka na rin ano?" tanong nito. Napansin siguro nito iyon.

"Medyo."

"Sa iyo nalang ang kumot oh," anito at ibinigay sa kanya iyon.

"Hindi. Okay lang. Sa iyo iyan."

"No, I insist."

"Huwag na nga. Mas mabuti kung ikaw ang gumamit."

"Pero giniginaw ka na rin."

"Okay lang ako."

Nagbuntong-hininga ito. "Sige, ganito nalang. Tayo nalang dalawa ang gumamit. Share nalang tayo."

Napangiti naman siya sa sinabi nito.

"Oh, bakit?"

"Dumadamoves ka na ngayon, ha?"

"Hoy. Anong dumadamoves? Concern lang ako 'no. Kung ayaw mo, eh di huwag."

Napatawa siya pero umusog naman palapit dito.

"Oh, ba't ka lumalapit?" pairap na tanong nito.

"Pa-share ng kumot," pa-cute pa niyang sabi dito.

"Akala ko ba, akin lang ito?"

"Giniginaw na ako, eh. Puhlease?" Nagpa-beautiful eyes effect pa siya. Napasandig pa siya dito.

Naramdaman niyang tumawa ito kasi yumugyog ang balikat nito.

"Miss, sige na oh," patuloy na pagpapa-cute niya dito.

"Hmm. Sige na nga."

Pinalibot na nito ang kumot sa kanya. Agad din niyang naramdaman ang pagbalot ng init sa kanyang katawan. Naramdaman niyang napasandig si Kath sa kanya.

"Kath?"

"Hmm?"

Lumingon ito sa kanya. Kaya tuloy nagkatitigan sila. Nararamdaman niyang unti-unti nang napapalapit ang mukha niya dito. He didn't know what force was taking in on him but one thing's for sure, he just wants to kiss this girls beside her. Napapikit na ito kaya ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata. He will cherish this moment.

Forever.

Brighter Than SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon