Chapter 8

14.7K 180 8
                                    

KATHRYN

Naglalakad sina Kath at Julia papuntang office ng school paper org. Magpapasa sila ng kanilang article. Isang linggo pa bago ang deadline niya pero minabuti niyang pumasa ng maaga. Baka mabulilyaso na naman siya't tuluyan nang mapatalsik sa org.

"Hindi mo ba naisip na baka hindi lang coincidence na nasa parehong restaurant pa kayo ni Daniel kumain?" tanong ni Julia habang tinatahak nila ang hallway papuntang office.

"Ano naman ang tawag dun?"

"Baka destiny. Maybe you were meant to be," pa-dreamy na sabi ni Julia.

Napatigil siya. "Umayos ka nga Julia! Tinutulungan mo ba akong makalimutan siya? O tinutulungan mo akong mas lalong ma-in love sa kanya?"

"Hay. Napakahirap naman kasi ng sitwasyon mo. Paano mo ba maiiwasan ang mahulog sa isang Daniel Padilla kung ngiti pa lang niya, hulog na hulog ka na. Hulog ka na sa bangin."

"Eh, tulungan mo nalang nga ako. Ayokong mahulog sa bangin. Ang sakit kaya nun."

Napairap ito. "Ikaw kasi babae ka! Walang ka-adventure sa katawan. Takot mag-take ng risk."

"Masama ba ang takot masaktan? Sakit lang iyon sa ulo."

"Killjoy talaga," sabi nito.

Tahimik lang silang dalawa. Hindi niya alam kung anong iniisip nito pero siya, iniisip niya si Daniel.

Daniel, Daniel. Parati nalang si Daniel! Kailan ka titigil?

Parang hindi na titigil ang utak niya sa kakaisip ni Daniel. Paano ba naman hindi? Parati nalang ito nandoon kung nasaan siya. Katulad noong nangyari sa restaurant. Nakipag-date na nga siya para makalimutan na ito, pero sumusulpot pa rin. Paano niya ito mawaglit sa isipan niya?

"Julia, palagay mo? Baka sinusundan lang ako ni DJ?" biglang tanong niya kay Julia."

Tumawa ito. "Uy mare, haba ng hair mo ha? Ikaw pa talaga ang sinusundan. Diba, stalker ka niya?"

"Ako? Stalker niya? Ha! In his dreams!"

"In his dreams pa daw. Sino kaya halos araw-araw kung maka-view sa facebook profile ni Daniel?"

"At least, sa facebook lang ako nagsta-stalk. Hindi gaya ng iba diyan, talagang pinapakialaman ang files ni Diego sa school registrar."

"Oh, eh di inamin mo rin. At tsaka, huwag mo nga ako madamay-damay diyan ha!"

Napatawa nalang siya.

__________
DANIEL

Sabay na naglalakad sina Daniel at Diego sa hallway papuntang school paper org office. Pareho silang may interview. Ifi-feature daw sila sa school magazine. Siya ay iinterviewhin para sa sports section, si Diego naman ay para sa feature section.

"Bro, ba't hindi mo sinabi sa akin na nakatira lang sa isang bahay sina Julia at Kath? Iyan tuloy, I was caught off guard. Nagmukha akong ewan," sumbat ni Diego sa kanya.

Tawa siya nang tawa. Nagmukha nga itong tanga. Nautal pa nga ito. Para itong tuod na ewan.

"Huwag mo nga akong pagtawanan. Upakan kita diyan eh," naiinis na sabi nito.

"Paano naman kasi, bro? Kung nakita mo lang ang mukha mo noong lumabas si Julia, naku, ewan! Ewan ko lang kung sino ang hindi matawa."

"Pwede ba ha, DJ? Isumbong kita kay Kath, eh."

Natahimik siya bigla.

"O, ba't nag-iba yata ang hangin ngayon? Natahimik ka, bro?"

"Kung ako aasarin mo, hindi na ako magdadalawang-isip na saktan ka," banta niya dito.

Brighter Than SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon