Chapter 2

19.8K 248 17
                                    

DANIEL

Nakapila lang si Daniel sa counter sa isang coffee shop malapit lang sa school nila. Iyong babae naman kanina sa may parking lot ay nakaupo lang sa isang mesa malapit sa glass wall ng shop.

Napatingin siya dito. Talagang naa-amaze siya sa babaeng ito. Kanina pa niya hinahalungkat sa isip kung bakit ay napapatigil siya pagdating dito. Hindi naman siya ganoon sa mga babae. Siguro, dahil na rin daw sa natural charisma na taglay niya. Pero itong babaeng ito, parang abnormal. Hindi yata umeepekto ang charm niya dito. Parang siya pa nga ang tumaob sa karisma nito. Kung ibang babae pa iyon, talagang nanginginig na sa takot kanina. Pero ang babaeng ito, hindi man lang natinag. At hindi rin niya alam bakit, pero noong ngumiti ito kanina, kahit inis na inis siya, bigla lang nawala lahat na parang bula.

"Good evening, sir. Welcome to Coffee and Pastry, what can I get you sir?" bungad ng staff sa kanya. Siya na pala ang mag-oorder, hindi niya pa namalayan. Ayan kasi, ang babaeng ito na ang umookupa ng isip niya.

Nag-order na rin siya nang dalawang drinks at cake para sa kanila. Hindi pa pala niya nakukuha ang pangalan nito. Dahil distracted talaga siya sa ibang kilos nito sa kanya, hindi niya namalayang hindi pa niya ito kilala.

Naglalakad na siya papuntang mesa kung saan ito nakaupo. Nasa labas ang tingin nito kaya hindi nito namalayang pinagmamasdan na niya ito. Ang ganda pala nito. Natural ang ganda, hindi katulad ng mga babaeng dine-date niya na hindi siguro kompleto ang mukha kapag walang make-up. Pero ang babaeng ito, iba. Mahaba ang buhok nito na naka-ponytail lang. May bangs pa itong ewan kung anong style. Kahit na mukhang haggard ito, pero maganda pa ring tingnan. Iyong gandang simple lang pero nakakabighani.

Nakakabighani? Bakit? Nabibighani ka na ba sa kanya, Daniel? Napatigil siya sa naisip. Hindi siya maaring mabighani dito. Naku-curious lang siya sa babaeng ito.

Oo, tama! Iyon lang. Pilit na pagsang-ayon niya sa naisip.

Pagdating niya sa table ay inilapag niya ang bitbit na orders niya. Umayos naman ito ng upo at tinulungan siya. Napatingin lang siya dito habang kinukuha nito ang ibinibigay niyang orders nila.

Ang ganda talaga, naisip niya bigla.

What? Erase erase erase. Napapailing siya.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong nito.

"Ha?"

"Ang sabi ko, okay ka lang ba?" pag-ulit nito.

Umupo siya sa harap nito. "Ah, oo. Okay lang ako. Wag kang mag-alala."

"Ah. Sige," at ningitian pa siya nito. Natigilan na naman siya.

Iba. Iba talaga. Napabuntong-hininga siya.

"Bakit ba kasi ang daming babaeng sumampal sa iyo kanina?" bigla na namang tanong nito.

"Uhm. Teka, before ako magkuwento sa iyo, I didn't get your name," pag-iiba niya. At talagang gusto niyang malaman ang pangalan nito.

"Teka, dumadamoves ka ba?" natatawang sagot nito.

"What? Anong dumadamoves? Hindi 'no! Gusto ko lang malaman pangalan mo para kapag kumalat sa school lahat ng nangyari, alam ko na kung sino ang nagkalat non."

"Ah. Nagbibiro lang naman ako. Eto, masyadong seryoso." Ngiting-ngiti pa ito.

"So, ano na nga pangalan mo?"

"I'm Kathryn. Kathryn Bernardo. And you are?" sagot nito.

"Oh, sinong dumadamoves ngayon?" Napasmirk siya.

"Ang hangin. Nalaman mo na pangalan ko, eh. Dapat alam ko na rin pangalan mo. Alam mo kasi, I believe that we live in a world where equality and fairness exist."

Napataas ang kilay niya. "Pangalan ko lang gusto mong malaman, ang dami pang satsat."

"Eh, ibigay mo nalang kasi pangalan mo sa akin. Hindi naman kita aano-hin."

"Baka gayumahin mo ako niyan. Di ba may ritual na pangalan lang ang ginagamit?"

"Neknek mo. Gayumahin ka diyan? For your information, you're not my type. At may boyfriend na po ako. Kaya wala ka nang pag-asa sa akin. Marami pa namang ibang babae diyan ang mahilig sumampal."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Ang tapang talaga nito. Kaya siya nitong sagot-sagutin nang hindi nauutal. Ang ibang babae diyan, ititiklop lang ang mga bibig. Pero itong si Kathryn Bernardo, kabaligtaran. Babae ba talaga ito?

"Daniel. Daniel Padilla. DJ nalang, for short."

"Oh, see? Sasabihin naman pala ang pangalan, eh. Ang dami pang pakipot. Bakla ka ba?" sabi pa nito.

Natahimik siya. Tingnan mo nga? For the first time of his life, napapatiklop siya ng babaeng ito. Wala pang kahit sinuman, babae man o lalake, ang nakapagtiklop sa kanya. Well, maliban nalang sa parents niya. Pero iba iyon, iba naman ang babaeng ito. Hindi pa nga sila kilala. Usually, nagpapa-good impression ang mga babae sa kanya kaya hindi masyadong madaldal. Pero iba talaga ang babaeng ito.

"Oo na. Ang dami pang reklamo, eh," nasabi nalang niya dito.

BInelatan naman siya nito. Nasamid tuloy siya sa kanyang kape.

Shit! Anong bang nangyayari sa iyo, Daniel, ha?

Inabutan siya nito nang tubig. "Okay ka lang ba?"

Napatingin siya dito. Kung maganda na ito sa malayo, mas maganda naman ito sa malapitan. Ang ganda ng mga mata nito, napapalibutan ng mahahabang pilik-mata. Ang lips nito, mamula-mula. Kaysarap naman halikan.

Halikan? Nababaliw ka na ba, DJ?

"Okay ka na, DJ?" tanong nito.

Tumango nalang siya.

"Daniel?" may babaeng biglang sumulpot nalang sa harapan niya.

Shit! Sino na naman ito? Nagpa-panic na siya kasi hindi talaga niya mahalungkat sa isip ang pangalan nito.

"Uhm, ano nga ba iyong pangalan mo?"

"What? Nakalimutan mo ang pangalan ko? It's Trisha."

"Ah, Trisha. Sorry. Ahm, so what brings you here?"

"What? Iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin, ha, Daniel? Hindi mo lang ba ipapaliwanag sa akin kung sino itong babaeng kasama mo?"

"Why do I have to explain myself?"

"Duh. Because I'm your girlfriend?"

"Talaga? Kailan pa?"

"Huh?"

"Why are you girls so close-minded? Hindi ko ba nasabi sa iyo ang rules ko? If you wanna be with me, isa lang ang rules ko. No strings attached."

"What? After all these times, hindi mo naman pala ako sineseryoso? And to think, I've fallen in love with you? With a jerk like you?" naiiyak na sabi nito.

Damn! Sa lahat-lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong babaeng umiiyak sa harapan niya. Nagi-guilty tuloy siya. Pero hindi naman niya kasalanan lahat ng ito. Talagang sinasabi na niya in the first place na wala siyang balak magseryoso.

"I thought mapapabago na kita, Daniel. But hindi, kasi talagang bato ang puso mo," anito sabay sa pagsaboy sa kanya ng dinadala nitong inumin. Mabuti nalang at hindi mainit ang isinaboy nito sa kanya, kung hindi malamang ay napaso na siya.

Nagwalk-out ito. Nahihiya na tuloy siya kasi nakatingin na lahat ng tao sa coffee shop sa kanya.

"You wanna get out of here?" sabi ni Kathryn sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Naiinis na kasi talaga siya. Today is not his day. Gusto niyang may mapagbubunton ng galit niya.

"I know a good place that could help you calm down."

Tiningnan niya ito. Nakangiti lang ito sa kanya.

Somehow, that smile had made him calm down. Ngiti lang pala nito, magiging okay na siya.

Teka, what is the meaning of this?

Brighter Than SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon