DANIEL
"Pare, matunaw," narining ni Daniel na sabi ni Diego.
"Ha?" Napatingin siya dito at nakita niya sa mukha nito ang 'I-know-what-you're-thinking' look.
"You know what, imbes na pakialaman ang mga ginagawa ko, why don't you mind your own business ha, bro? Pakialamero ka talaga, eh," siko niya dito.
"What? I'm not doing anything," maang-maangan pa nito.
"Puntahan ko nalang nga si Julia," pang-aasar niya dito.
"You wouldn't," panlalaki ng mata nito sa kanya.
Natawa lang siya at umalis na. Pero hindi talaga niya pupuntahan si Julia. Ibang tao ang pupuntahan niya.
Namalayan nalang niyang nasa likuran na siya ni Kath pero hindi niya pa rin alam kung anong gagawin niya sa pag-aaproach niya dito.
Man, natotorpe ka na.
Natotorpe? Bakit? Nanliligaw ka ba?
Napailing nalang siya sa mga naisip. Ang dami-dami talaga niyang naiisip these days. Sadyang hindi naman talaga siya palaisip.
Nagbilang siya hanggang tatlo nang napagpasyahan niyang batiin na ito.
Okay, this is it. Huminga uli siya nang malalim at lumapit na dito.
"Hi miss beautiful!"
__________
KATHRYN"Hi miss beautiful!" Nasa kalagitnaan siya nang paglalaro sa iPhone niya nang bigla niyang narinig ang isang lalake sa likod niya.
Napalingon siya dito and she had to catch her breath. Isang anghel na bumaba sa langit ang nasa harapan niya ngayon. He was more than a greek god. Talagang gwapong-gwapo ito. Hindi masyadong formal iyong suot pero nafi-fit pa rin sa okasyon. Nakasuot ito ng black polo shirt underneath his black coat, black skinny jeans and black Vans. Ang buhok nitong nakataas noong isang araw ay ibinaba na nito ngayon. Nagmukha tuloy itong ala-Justin Bieber.
"Justin? Ikaw ba iyan?" asar niya dito.
"What? Anong Justin? It's me Kath, it's DJ, " anito na nakakunot ang noo.
Natawa lang siya. "Ah. Akala ko si Bieber eh."
"Ha-ha. Grabe ang sense of humor mo," sarkastikong sabi nito.
"Eto naman. Hindi talaga mabiro. Pikon," asar na naman niya dito.
Nakita lang niya itong ngumiti. Pero saglit lang iyon dahil nakakunot na naman ang noo nito.
"Ba't ka pala nandito? Sinusundan mo ba ako?" tanong niya dito.
"Wow. At sino ang mahangin ngayon?"
"Biro lang. Eto talaga."
"I'm with Diego, iyong pinsan ko. Isinama lang niya ako sa boring na party na ito."
"Really? Pinsan mo si Diego?" excited na tanong niya dito.
Mas lumalim ang kunot ng noo nito. "Bakit?"
"Wala lang. Tinatanong ko lang."
Tumaas lang ang kilay nito. "Kung may HD ka sa kanya, huwag mo nalang ituloy."
"Ha? Anong HD?" curious na tanong niya dito.
"Wala. Basta, hindi na siya pwede. May nagmamay-ari na ng puso niya."
Nalungkot siya bigla. Hindi para sa kanya, pero para sa kaibigan niya. Alam niyang gustong-gusto talaga ni Julia si Diego kaya nalulungkot siyang wala na itong pag-asa sa sinisinta nito.
BINABASA MO ANG
Brighter Than Sunshine
Novela JuvenilDaniel Padilla is a world-class playboy and a certified heart breaker. Aware na aware si Kathryn doon. Kaya ay nangako siya sa sarili niyang hinding-hindi siya mai-in love sa isang kagaya nito. Bakit naman siya maghahanap ng sakit ng ulo kung pwede...