chapter 1

261 7 0
                                    

Princess Clarina w/ her black short dress, at the top pic.

Clarina's POV

Kanina pa ako hindi mapakali mag aalas sais na ng hapon wala parin ang sundo ko,I've been calling my driver many times but his phone was out of reach. I'm also calling dad's phone but he did not answering.
I'm here now outside of the campus. Kanina pa ako nagngingitngit sa kakahintay dito, tss! sa lahat pa naman ng pinakaayaw ko ay ganitong pinaghihintay ako ng matagal.

Naiisip Kong mag commute nalang pero madalang lang ang pampasaherong taxi na nagagawi dito sa campus namin..you know rich kid lang ang halos lahat ng mga estudyante dito kaya lahat may own car.

Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit wala parin ang bruhong driver na yun!
Kaya nag decide nalang ako na maglakad na hanggang sa labasan,bahagya narin kasing dumidilim ang paligid.
Inisip ko nalang na baka nasiraan odi kaya may emergency para mabawasan ang inis ko sa lalaking iyon.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng daan at medyo madilim sa bahaging iyon bigla akong kinabahan na Hindi ko mawari kung bakit at kung para saan,Hindi naman ako natatakot sa dilim,ah basta mayron talagang ganun..

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang maaninag ko ang pamilyar na grupo ng anim na mga babae, Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa bahaging iyon ng daan, bahagya nalang akong umiwas sa kanila sila kasi yung grupo ng mga kontrabida sa aming campus.

"Aba! Look who's here,guys.."
Pansin nung isa sa kanila sa presensiya ko.
Napabuntong hininga ako,Hindi ko talaga maiiwasan ang mga bruhang to.

"Oo nga noh,mukhang nag-iisa!"
Segunda ng isa na kahit mapusyaw ang ilaw na nagmumula lang sa poste ng kuryente ,ay nakita ko parin ang pagkindat nito.

Bahagyang lumapit sa kinatatayuan ko ang leader nilang si Obrelita.
"Oh...Princess Clarina! Nasaan ba ang luxurious car mo at naglalakad ka ngayon?"
Nang-iinis nitong tanong sa akin.

"Tumabi nga kayo diyan! Maghanap kayo ng mapagtripan niyo, at wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo!"
Mariing wika ko.

"Aba! Matapang ka pala ah,so paano yan ikaw ngayon ang nahanap namin...tutal matagal narin naman akong nanggagalaiti sayo,You know why Clarina?
because of you Hindi ako napapansin sa buong campus, lagi nalang ikaw ang princess! Ang maganda,matalino,mabait, ubod ng yaman! Lahat nalang nasa iyo na! And take note ikaw din ang dahilan kung bakit hindi na ako ang candidate for comlaude ngayon!"
Sigaw nito sa mukha ko.

Tangina naman oh..abat naiinggit pala siya sa akin?
"Well..mamatay ka sa inggit haha!"

"Pwede ba Obrelita, use your mind naman..sa tingin mo kasalanan ko kung naging maganda akong prinsesa? And the other one, its not my fault kung mababa ang grades mo,mabuti pa sisihin mo ang sarili mo dahil naging pabaya ka!" Ganting bulyaw ko sa kanya.

"Pwes hindi korin kasalanan kung anong mangyari sayo ngayon!" Mas lalong umigting ang galit niya, itinaas nito ang kamay at akmang sasampalin ako pero maagap ko namang nasalo ang braso niya at sinampal ko siya ng kabilang kamay ko.

Nabiling ang mukha niya,at naniningkit ang mga matang lumingon sa akin.

Hindi ko inasahan ang sumunod nilang kilos,pinalibutan nila ako at hinawakan ng dalawa ang kamay ko mula sa likuran.
Pagkuway pinagsasampal ako ni Obrelita. Pilit akong nagpupumiglas pero higit na malakas ang dalawa kumpara sa akin. Sumali narin ang tatlo pa nilang kasamahan naroon ang sumusuntok,tumatadyak, kumakalmot at sumisipa sa akin.

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon