Mj's POV3 days later
I'm on my way to Villa Fuentes, kailangan ko nang makausap si Clarina upang linawin ang lahat.
Kung di lang kasi dahil sa pesteng emergency na iyon Hindi na aabot ng 3 days bago ko makausap si Clarina.
Biglaan ang pagkabalik ko ng maynila dahil sa hinayupak na mga client namin na kailangan pa talaga nila ang presence ko dahil nagkasundo silang sampu na kung Hindi ko sila sisiputin ay magba-backout silang lahat.
Kaya wala akong choice kundi pumunta sa office ng biglaan,dahil hindi sila pwedeng mawala sa company ko. Sila ang pinakamalaking client ko at sampu pa silang sabay-sabay na mawawala. Hindi pwede, malulugi ang naipundar ko na at magba-back to zero ako kung nagkataon.
Kahit na mukha na akong haggard dahil kulang ako sa tulog at dahil narin sa dami ng problema ko mapa business at love life na.
Idagdag mo pang laging mainit ang ulo ko dahil halos mapraning na ako sa kakaisip Kay Clarina, and god! I really miss her...
"How I wish na maiintindihan niya ang explanation ko.."
Wika ko sa sarili ko habang matulin Kong pinapatakbo ang kotse ko, gustung-gusto ko na siyang makita.
___
Ilang sandali pa'y nasa tapat na ako ng Villa Fuentes.
Kabado ako habang nagdo-doorbell,I'm not sure if she will going to entertain me.
Nakailang pindot din ako bago may nagbukas ng gate.
"M-mansour? Ikaw na ba yan?!"
Halata sa mukha ni manang Lena ang pagkagulat nang mapagsino niya ako.
Siya ang mayordoma nina Clarina.
"Opo manang...bakit parang gulat na gulat naman ho kayo,wala naman pong nag bago Ah.."
Nakangiting sagot ko sa kanya.
Nakapalagayan ko na siya ng loob mula noong mamalagi ako dito sa Villa Fuentes ang bait kasi ng matanda."Kuu..ikaw na bata ka anong wala eh pang-mayaman na ang aura mo ngayon,plus may mamahaling kotse ka pa,at saka lalo ding gumuwapo hijo.."
Napapantastikuhang wika niya at bahagya pang sinilip ang kotse ko.
"Hindi naman po manang kayo talaga,medyo umangat lang ng konti..ahh si Clarina po nandyan ba?"
Lihis ko sa usapan upang tumbukin na ang talagang pakay ko.
"Oo nandon sa kuwarto niya. Ewan ko ba sa batang iyon mula noong umuwi siya dito isang beses lang siyang lumabas ng kuwarto niya,at saka laging umiiyak at mainit ang ulo. Wala pa naman dito si Don Mauricio kaya Hindi namin siya malapitan,itinataboy niya kami pati mga pagkaing hinahatid sa kanya ayaw niyang tanggapin. Diyos ko! Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya,baka naman pakikinggan ka niya hijo..."
Napapalatak niyang kwento sa akin.
Naalarma naman ako sa narinig,Hindi ko akalaing seseryosohin ni Clarina ng ganito ang tungkol sa nangyari a few days ago..
"G-ganon po ba eh..pwede ko na po ba siyang puntahan manang? At saka nasaan ho si Don Mauricio?"
Hindi na ako nakatiis at humakbang na ako papasok khit Hindi pa nasasagot ni manang Lena ang tanong ko.
"Sige hijo...at saka si Don Mauricio pala may biglaang lakad ata siya pangatlong araw na niya ngayon Hindi pa nakakauwi."
Tumango nalang ako sa kanya at tuluy-tuloy na akong pumanhik sa hagdanan.
Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng kuwarto ni Clarina.
Ilang beses na akong kumakatok pero walang nagbubukas.
Mayat-maya akong nakikiramdam sa loob pero napaka-tahimik,bigla ang kabang bumundol sa aking dibdib,tinawag ko si manang Lena upang tanungin kung may susi ba siya ng kuwarto ni Clarina.
Laking pasalamat ko naman dahil mayron siyang duplicate key. Kaya agad ko nang binuksan ang pinto.
"Clarina?"
Tawag ko sa kanya, subalit walang sumasagot,tiningnan ko ang kama niya,magulo at wala sa ayos.
Nagkalat ang mga libro sa sahig at ang bukas na laptop ay nakapatong sa mesa na nakaharap sa bintana.
Nangunot ang noo ko sa nakikita,bakit ganito ito?
Iginala ko ang paningin sa loob ng kuwarto,laking gulat ko nang makita ko si Clarina sa isang sulok,nakasubsob siya sa isang makapal na libro,magulo ang buhok at walang Malay!
"My god! Clarina what's happening to you?"
Gimbal na bulalas ko at mabilis ko na siyang binuhat palabas ng kuwarto.
"Pakitawagan si Don Mauricio Manang Lena,I'm going to bring her to the hospital!"
Nagpapanic na utos ko Kay manang Lena na Hindi rin magkandatuto sa pagsunod sa akin.
Nangingitim ang gilid ng mga mata niya at halos wala nang kulay ang mukha niya.
Patakbo ko na siyang dinala sa kotse ko.
" damn! I will never forgive myself if something bad happens to her!"
Sa isip-isip ko habang matulin Kong pinapatakbo ang sasakyan.
Thanks Lalabs!
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Romance(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...