chapter 28

41 2 0
                                    


Clarina's POV

Kanina pa gising ang diwa ko but  my head is terribly aching.
Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko ay napakabigat ng mga talukap nito.

"Oh no nasan kaya si Dad?"

Tanong ng isip ko.

Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko.

"Ano kaya ito?"

Marahan Kong iginalaw ang nanghihina Kong mga kamay at pilit Kong iminulat ang mga mata ko.

Medyo malabo ang paningin ko pero gayunpaman ay naaaninag ko parin ang lalaking nakaupong natutulog sa gilid ng kama ko,at kamay pala niya ang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko.

Sa hinuha ko'y nakatulog na siya sa pagbabantay sa akin.

"But wait! Bakit nga ba niya ako binabantayan?

Nasaan ba ako?

Anong nangyari?"

Sa pakiramdam koy mas lalong umigting ang pananakit ng ulo ko sa dami ng tanong na umuukilkil sa isip ko.

Pinilit Kong gumalaw para magising siya.

"C-clarina? Clari mahal.. your awake! Oh thanks god!"

Bigla itong tumayo bago pa ako makapagsalita.

Nagmamadaling sumungaw sa pinto ng silid na ito at tumawag ng nurse at doktor.

Pagkuway mabilis ding bumalik sa akin.

Ngayon lang nagsink-in sa isip ko na nasa hospital pala ako ngayon.

Biglang nagsalumbayan ang mga alaalang nagdulot sa akin ng sakit at hapdi ng kalooban ko kamakailan lang nang mapagtanto Kong si Mansour pala ito.

"Mansour?! What are you doing here?"

Matigas na tanong ko sa kanya.

Kaninang masayang kislap ng mata niya ay kitang-kita ko ang pagbabago niyon at napalitan ng Hindi ko mawaring sakit.

"Binabantayan kita..Please clari mahal.... Don't mad at me I will explain..."

Nagsusumamong wika niya and i saw his eyes reddened while uttering a word.

Diko maintindihan kung bakit biglang lumambot ang puso ko na puno ng galit kanina lang dahil sa isang pakiusap niya lang at dahil lamang sa lungkot at sakit na bumabalatay sa kanyang mukha.

Ngunit pinilit ko paring magmatigas.

"What for Mansour? Pinamukha mo na nga sa akin na ang tanga-tanga ko,ano pa ba ang gusto mo ha?"

Gusto Kong sumigaw at ipamukha sa kanya na galit ako at nasasaktan ako pero kusang pumiyok ang boses ko at dumaloy ang luha sa mga pisngi ko.

Pilit akong bumangon ngunit Hindi talaga kaya ng katawan ko, masyado pa akong nanghihina.
Mabilis niya akong dinaluhan ngunit ipinagtutulakan ko siya palayo sa akin.

"Clari mahal...magpagaling ka muna wag mong pilitin okay...hindi mo pa kaya."

Kahit anong tulak ang ginagawa ko sa kanya ay nagtagumpay parin siyang yakapin ako.

Mahigpit niya akong niyakap  at Hindi ako nakakawala.

"I love you so much clarina'...alam mo yan..please listen to me okay?"

Hindi na ako nagsalita dahil nagtatalo ang puso't isip  ko,nalulusaw ng nagsusumamong tinig niya ang galit sa puso ko.

"Walang ibig sabihin ang pag-uusap namin ni Stephanie. Sinabi ko lang sa kanya ang totoong lugar niya sa akin. I was only told her that no one can replaced you in my heart.
Na wag niyang sayangin ang buhay niya sa akin dahil makakahanap pa siya ng lalaking magmamahal sa kanya.. Yun lang."

Paliwanag niya sa akin habang yakap parin niya ako.

Hindi ko alam pero bigla nalang napawi ang lahat ng hinanakit ko sa kanya nang marinig ko dahilan niya.

"Umalis ka nga ang bigat mo eh..,"

Sabi ko sa kanya habang umiiyak na naman ako.

Agad naman siyang napaayos ng upon sa gilid ng kama ko.

"S-sorry..did I hurt you?"

Nag-aalalang tanong niya.

"Of course.. Pinagselos mo ako eh..."

Nakangusong sagot ko sa kanya kahit pa alam ko namang Hindi iyon ang tinatanong niya.

Napangiti siya sa sinabi ko.

Imbes na gusto ko pang magalit sa kanya ay Hindi ko na magawa.

"How can I resist this so damn cute smile of this guy?"

"I'm really sorry about what happened,Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sayo."

Hindi na ako nakasagot dahil biglang bumukas ang pinto at magkasunod na pumasok ang doctor at dalawang nurse.


Thanks Lalabs

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon