chapter 20

65 2 0
                                    

Continuation...

Ngumisi lang si kuya ng nakakaloko..

"Stop that childish act sheemay,aminin mo nalang kasi na NBSB ka,ang pangit mo kasi eh..."

"Kuya!!!.. Pati ba naman ikaw? Wala na pala akong kakampi dito?"

Napipikon ng wika ni ate.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang magkatabi kaming kumakain ni Mj.

Kaharap namin ang mama't papa nila na nakikisali ring mang-asar Kay ate.

Hindi ko akalaing mayron din palang Doktorang ganito ka childish haha.

"Well..mula ngayon may kakampi na ako!"

Biglang nag shift ang repleksiyon ni ate na para bang nakakita ng laruang gustung-gusto.

"Uhm? Sino naman kaya iyon aber?"

Nang-uuyam na tanong ni Mj.

"Of course my new sis! Diba sis,kampi ka sa akin noh.."

Baling ni ate sa akin,kaya natawa nlang ako sa kanya.

Naramdaman Kong bahagyang pinisil ni mj ang kamay Ko na  nasa ilalim ng lamesa.

"Syempre naman ate.."

Nakangiting wika ko.

"Yes! Sabi ko na nga ba eh, bleh.. Hindi niyo na ako maaapi ngayon."

Nandidilat pang bungisngis ni ate.

Hindi ko talaga akalain na may ganito pala siyang katangian,wala sa itsura niya eh.

"Well wala parin naman pagbabago ate, wala ka namang boyfriend na naipapakilala sa amin,siguro.. Tatanda ka ng dalaga ayyiee!"

Patuloy parin ni Mj..

"Oo nga naman Sheemay..tanggapin mo nalang kasi na walang baliw na lalaking magkakagusto sayo! Hahaha"

Susog naman ni kuya Benedict.

" pwede ba kuya! paano nman may magkakagusto sa akin,eh hindi nga sila makaporma kasi tinatakot mo,Your so selfish kuya ah.."

Nakapout na wika ni ate.

"O siya tama na yan Bene at Mj,baka maiyak na yan si Shenna. Let's continue eating."

Awat ng Dad nila.

"Oh hija.. Kumain kang mabuti ha.. PagpAsensyahan mo na ang mga magkakapatid minsan lang kasi sila nagkakasabay-sabay."

Nakangiwing wika ni tita Terre este mama na pala.

"Ok lang po yun m-Ma.. Sa katunayan nga po Naiinggit ako sa kanila,Hindi ko po naranasang magkaroon ng kapatid."

Mapakla akong napangiti.

"Oh..so sad..but don't worry sissy,I'll be a good sister for you from now on. Sabihin mo sa akin kung paluhain ka ng kapatid ko na yan. Magbabayad siya ng mahal!"

Nakangiting wika ni ate sa akin.

"Thank you ate.."

"Wag kang mag-alala mahal..Hindi ka na mag-iisa ngayon okay..?"

Masuyong wika ni Mj at hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako dahil damang dama ko ang pagmamahal na dala ng halik na iyon.

"Salamat.."
Nakangiting wika ko.

"Kumain na kayo dyan, ayokong langgamin dito."

Wika ni kuya na nakangiti.

Nakita kong siniko siya ni mama.

Masaya ako dahil ramdam Kong welcome talaga ako sa family nila.

___

Mj's POV

Nagstay kami ng isang araw  dito sa Toribio's Empire.

Kinaumagahan Clarina received a call from her assistant, nagkaproblema daw sa kanyang hotel kaya kinailangan namin lumipad pabalik ng cdeo.
But we stay for a while kasi sabi ni Mama bago kami aalis ay hintayin muna namin siya.

Lumabas lang daw sandali, I don't know but I think may pakulo na naman ang Oa Kong mommy. But still I love her so much.
Lumabas ako ng room ko para hanapin si Clarina, nasa kuwarto kasi ni ate siya natulog.

Kahit anong pagpipilit Kong sa akin na siya patulugin odi kaya sa guest room ay Hindi ako nanalo sa bakulaw Kong ate,kahit kailan talaga Hindi siya nagbago, siya parin si ate Sheemay na childish but very sweet and loving ate,and the worst is what she want she can get kahit mang-away pa siya.

Nangingiting napailing nalang ako.

I saw her at the window side.

She's wearing a simple floral dress, nakalugay ang lampas balikat niyang buhok na bahagyang kulot.

nakatanaw siya sa labas ng bintana, waring may malalim na iniisip.

She look at me seriously when I call her name.

NASA ITAAS PO ANG PICTURE NI CLARINA.

"Clari,mahal... May problema ba?"

"Uhm.. Wala naman Mj,napapaisip lang."

"Hmm what is it about?"

Tanong ko at lumapit ako sa kanya. I kiss her forehead and hug her tightly.

"I wonder kung paano nagkakilala ang Papa mo at si Dad."

Pagkuway wika niya ng pakawalan ko siya.

"Bakit mo naman naisip yan,mahal.."

"Kasi..close sila masyado,maremember ko noong graduation ko para silang magsyota kung magturingan."

Oo nga pala isa sa mga visitors si Papa noon..

"Ah..siguro naging magkaklase sila dati or magkaibigan. Ah basta don't mind them mahal,wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano diyan ayokong nangungunot ang noo mo."

Nakangiting wika ko sa kanya.

" hmm really? Okay..."

Nakangiti naring sagot niya.

"Tara let's eat our breakfast na para pag-abot ni Mama ready na tayong umalis."

Iginiya ko na siya pababa upang tumungo kami ng dining room.

Thanks!

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon