Clarina's POVMag-aalas nwebe na ng gabi ,balak kong muling takasan ang bodyguard ko. Siguro naman this time magtatagumpay na ako.
Dahan-dahan na akong bumaba ng hagdan nang masiguro Kong tulog na ang lahat.
Maingat ang bawat hakbang at kilos ko para walang makakatunog sa gagawin ko.
Gagawin ko ito para magmukhang tanga ang bodyguard ko sa tingin ni dad at lalabas na wala siyang silbing bodyguard dahil Hindi niya ako nababantayan ng maayos.Nang sa ganon kusa siyang tatanggalin ni dad sa trabaho niya.
Oh perfect plan diba?
Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan na akong nakalabas ng main door na walang aberya.
Tahimik ngunit mabibilis ang hakbang na tinalunton ko ang daan patungo sa gate.
Nasa labas na ang mga kaibigan kong naghihintay sa akin.
Bubuksan ko na ang gate nang biglang umilaw ang headlight ng kotse sa garahe.
"Damn!"
Napamura ako ng malingunan ko ang kotseng umuusad na.
Ngunit imbes na bumalik ako ay nagmamadali akong lumabas ng gate at isinara ko iyon.Mabilis akong sumampa sa kotse ni Stephanie.
"Let's go Steph! Make it faster!"
Utos ko Kay Stephanie."Oo na..eto na nga!"
"Alam mo Cla..daig mo pa ang hinahabol ng sampung multo diyan eh!"
Pansin ni Samantha sa kilos ko.
"Oo nga girl! Try to relax naman,Hindi tuloy na eenjoy ang moment natin tonight!"
Susog naman ni marivic.
"Hey! Pwede ba? How should I relax sa ganitong sitwasyon?
Na alam Kong ang tinatakasan ko ay nasa likod at sinusundan tayo?
Palabas palang ako ng gate ay nandyan na sa likuran ko!""What!!?"
Sabay-sabay nilang sambit.
"Now tell me how?"
Singhal ko sa kanila."Pero bakit wala pa siya?" Tanong ni Samantha na lumingon pa sa likuran.
"I think na Hindi naman agad nakalabas iyon kasi isinara ko ang gate pagkalabas ko kanina."
Bahagya na akong napangiti nang maalala ko iyon sigurado akong malaking antala sa kanya na buksan pa niya ang gate dahil wala si guard inutusan ko kasi siya eh! Hehe bobo kasi talaga si manong.
Ngumiti naman silang tatlo.
"You made it girl..!"
Napapalakpak pang sambit ni marivic.
Mas lalo namang pinatulin ni Steph ang takbo ng kotse.
______________
Mj's POV
"Pasaway ka talaga Clarina!"
Wika ko sa sarili habang nakasunod lang ako sa kotseng sinakyan niya,malayo ang distansiya ko pero Hindi ko hinahayaang mawala sa paningin ko.Hindi ko alam kung ano ang pakay niya at ginagawa niya ang mga bagay na to sakin.
Sabagay,Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang disgusto niya ng pagkakaroon ng bodyguard.
Pero mapilit lang ang daddy niya.
Balak ko lang na bantayan siya mula sa malayo,sisiguruhin kong ligtas siya. Hindi ko na siya lalapitan para Hindi na masira ang gabi niya.
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Roman d'amour(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...