Clarina's POVKasalukuyang nasa study room ako ng mga oras na ito, nakafocus ako sa parereview, this coming week na ang third final examination namin.
I heard someone's knocking at the door.
"Come in.." Wika ko na nkatuon parin ang pansin ko sa binabasa.
"Princess.. Ipapakilala ko lang sayo si Mansour John Toribio, ang kind man na tumulong sayo."
Napaangat ang tingin ko,ngayon ko lang napansin na Hindi pala nag-iisa si dad.
"Have a seat dad,and Mr. Toribio?" Iminuwestra ko ang sofa. Pagkaraan Kong humalik sa pisngi ni dad. Mukhang rich kid din ang isang to. Ang gwapo pla ng tumulong sakin.
"Sayang wala akong Malay noon..hehe"
Biglang tudyo ng utak ko.pero Hindi ko pinansin yun."Thank you for helping me Mr. Toribio." Maaliwalas ang mukha ko pero Hindi ako ngumingiti.
Hindi ko kaya basta-basta binibigay ang ngiti ko noh!"Walang anuman ho yun ma'am Clarina... Ahh..pwede pong Mj nalang masyado nman pong pormal ang Mr. Toribio."
Nakangiting wika niya at inilahad ang kamay sakin upang makipagkamay. Tinanggap ko naman pero agad ko ring binawi.
Pagkuway tiningnan ni dad si Mj ng makahulugan.
Waring nakaintindi naman ito at bahagyang dumistansya sa amin.Nagtaka ako bakit kaya?
"Princess.. I think you need a butler from this time forth.."
Seryosong wika ni dad.What?!
Mahina lang ang pagkakasabi ni dad pero daig pa nito ang bombang sumabog sa pandinig ko."Dad!! What are you saying! You know that ever since I hate the word butler or bodyguard".
"Yes princess but this time you need it." Mariing wika niya.
"Pe-pero dad,ayaw ko talaga.."
"Sa ayaw at sa gusto mo princess, kailangan mong magcooperate dahil Hindi tayo nakakasiguro sa kaligtasan mo kahit pa nakakulong na ang Obrelitang iyon, Hindi parin ako kampante dahil tuso ang tatay niya,lalo pa't siya ang mahigpit na kalaban ng kompanya natin."
"But dad,pwede naman akong mag-aral ng self-defense ng sa gayon Hindi ko na kailangang magkaroon ng butler." Giit ko parin sa kanya.
"You heard me Princess! Mansour John will be your butler start from now.
Make sure na makikinig ka sa kanya at susundin mo ang sasabihin niya."
Maawtoridad na wika ni dad."Hanggang kailan ko po naman ba magiging butler ang lalaking yan dad?." Nakabusangot Kong tanong sa kanya.
"Pagkatapos ng graduation mo, mawawala na sa landas mo si Mansour. At saka ka mag-aaral ng self-defense."
May kinuhang papel si dad at pinapirmahan niya sa akin at Kay Mj. Pagkuway tinungo na niya ang pinto.
Maya-maya'y liningon niya si Mj.
"Mj start your service today."
At tuluyan ng lumabas ng study room.Inis na ibinato ko sa dingding ang hawak Kong libro. At napasigaw ako.
"Ahhhhhh.."
Ngunit bigla akong natigilan ng maalala Kong may kasama pa pala ako sa study room.
Napalingon ako Kay Mj na tahimik lang na bumubuklat ng libro at para bang walang pakialam sa pagsigaw ko.
Teka akala ko ba rich kid siya eh bakit siya magiging butler ko?
Ah siguro nag-aastang mayaman lang yan pero ang totoo Hindi naman.Inis Kong ibinalik nalang ang atensyon ko sa pag rereview.
"Ah..Mr. Toribio wala pa naman sigurong mangyayari sa akin dito sa loob ng study room kaya makakalabas ka na."
"Ginagawa ko lang trabaho ko ma'am Clarina."
Sagot nito sa akin.Tumindi ang pagkainis ko sa isinagot niya sa akin. Kaya padabog akong lumabas sa study room.
Lalong naging mailap ang ngiti ko mula ng magkaroon ako ng butler.
Sa lahat ng pinaka ayaw ko ay ganitong may nagbabantay sa lahat ng kilos ko at parang tutang sunod ng sunod.
Kung Hindi nga lang talaga kagustuhan ni dad iki-kick out ko na talaga ang hamak na bodyguard na to.Pero lihim akong nagpaplano para mawala ang butler ko at kung kaya ko nga lang hilain ang araw para dumating na ang graduation ko ay ginawa ko na,nakakabwisit talaga ang ganitong sitwasyon promise!
Bigla akong napangiti nang may mabuong plano sa isip ko,habang sakay ako ng kotse pauwi galing sa school. Si mansour narin ang nagprisintang maging driver ko ngayon.
Pagkarating namin sa Villa Fuentes ay agad akong bumaba ng kotse at diri-diretso na ako sa loob ng kuwarto ko.
(Ano kaya ang planong nabuo sa isip ni Princess Clarina?)
Please vote and comment!
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Romance(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...