chapter 24

46 2 0
                                    


Clarina's POV

Parang Hindi parin ako nakaka get over, para akong timang dito habang nag-eenjoy akong panoorin ang napakaguwapong mukha ng bf ko na matamis na nakangiti sa akin.

Gosh! Kailan ba matatapos ang sorpresa ng lalaking ito? Hindi ko alam na totoo palang mahal niya rin ako kahit noon pa mang masama pa ang ugali ko sa kanya! Haaay nalang..!
Sana tuluy-tuloy na to.."

Wika ng isip ko.

"Clari mahal...its getting late na tititigan mo nalang ba ako hanggang mag-umaga? Wala kana bang sasabihin?"

Napapitlag ako at bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses niya.

Napaayos ako ng upo.

"H-ha? O-okay we have to go na mahal...pero pwede kana sigurong matulog ng ngayong gabi lang doon sa cottage ko."

"Really? Pumapayag kana?"

Lumuwang ang pagkakangiti niya dahil sa sinabi kong iyon.

"Oy! Wag kang oa ngayon lang naman to Hindi na po mauulit. Pambawi ko lang sa kagagahan ko noon!"

Nakaingos Kong sabi sa kanya.

Napakamot siya sa ulo.

"Sige na nga at least pumayag karin.."

Tumayo na ako at sumabay narin siya,isang iglap lang ay nahapit na niya ang baywang ko at agad niyang sinakop ng halik ang mga labi ko.

Bahagya ko siyang tinulak bago pa maging mapusok ang halik niya at matangay kami  kapwa ng nag-aalab naming mga damdamin.

"Wag kang atat baka bigla Kong bawiin ang sinabi ko sige ka..
"

"Mahal naman..!"

Awtomatikong angal niya.
Natawa nalang ako ng mahina.

______

Mj's  POV

Palakad-lakad ako sa gilid ng dalampasigan habang hinihintay ko si Clarina.

Balak naming magdinner sa labas kaya't dito ko na siya hinihintay malapit sa labasan.

"Mansour John?"

Napalingon ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko.
I was shocked when I saw her walking towards me.

"Stephanie?! What are you doing here?"

Gulat Kong tanong sa kanya.

"Hindi ko akalaing dito lang pala kita makikita!"

Wika niya imbes na sagutin ang tanong ko.
Maluwang ang ngiti niya samantalang ako ay gusto ko na siyang ipagtulakan palayo.

Maganda naman siya kasingtangkad din ni Clarina ko,pero Hindi ko nga lang siya type eh kaya habol ng habol.

"Stephanie..please not here.."

Pakiusap ko sa kanya.

Mula noong makuha ni Stephanie ang phone # ko ay Hindi na niya ako tinantanan.
Shes always sending me those damn messages kung Hindi ko sinasagot ang tawag niya,kahit pa Hindi ko naman pinapansin.
Hindi ko naitago sa kanya ang tunay Kong pagkatao mula noong bodyguard palang ako ni Clarina, magaling siyang magresearch kaya nalaman niya lahat ang tungkol sa buhay ko.
Malaki ang enteres niya sa akin ngunit Hindi ko iyon napapansin dahil nakatuon lang ang pansin ko Kay Clarina.
Kaya't nang malaman niyang umalis na ako noon dito sa cdeo ay sumunod din siya at doon narin nanirahan sa Manila.

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon