chapter 13

77 6 0
                                    

NASA taas po ang professional aura ni Clarina..

After 3 years...

Clarina's POV

Years had passed... Isinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho pagkatapos ng graduation ko noon.
Para lang malibang ako kahit konti.

I am now the President of "CLARINA'S HOME FOR ALL" or CHA.

Ang hotel na ito ay matagal nang inilaan ni dad para sakin,kung kaya't ipinangalan na niya sakin.

Binubuo ito ng pitong palapag at nakaharap sa dagat,kaya't paborito ng mga dayuhan at mayayamang tao na pagbakasyunan.

Lalo pang dinagsa ng mga costumers ang aming hotel ng pumalit ako bilang pres.

Binigyan ko ng buhay ang CLARINA'S HOME FOR ALL,binago ko ang dati'y walang kabuhay-buhay na mga decorations,pinalitan ko iyon ng mga unique at eye catching decorates.

Ang bawat bedroom ay kumpleto sa gamit, na para bang sariling bahay rin ng mga costumers ang kanilang pinamamalagian.
If ever na gustuhin nilang kumain ng sariling recipe ay pwede silang magluto dahil mayrong kitchen at refrigerator ang mga iyon.

Ginawa ko ang lahat para maging komportable at kaaya-aya ang dating ng bawat rooms.

Nagsimula narin akong magpagawa ng beach resort sa gilid ng dagat na malapit din sa hotel.

Naisip Kong mas lalong maging kaakit- akit ang lugar kung habang sila'y nagbabakasyon ay pwede rin silang magbeach at maglaro ng kung ano-ano.

After 7 mons. Ay natapos narin ang pinapagawa ko kaya't dinagsa na ng maraming costumer's.

Naging laman na ako ng mga pahayagan,social media at maging sa global world.

Hinahayaan kong halungkatin ng mga reporters ang tungkol sa business life ko but except for my personal life.

I'm almost completed now. I am a career woman and approximately reach the tiptop of success... But still my heart is blank and always suffering from emptiness and bereavement.

Matagal na ang panahong lumipas pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay babalik si Mj at mag kakasama ulit kami.

Subalit minsan pinanghihinaan narin ako ng loob dahil naiisip Kong baka ako lang ang tanging nagmahal sa kanya at umaasang may katugon ang pagmamahal na iyon.

Marahil masyado lang akong nabulag ng pangaral ni dad kaya wala na akong nakikitang iba dahil hindi ako nakakapag move on...

Kung totoo ang sinabi ni dad noon ay matagal na sana nitong ginawa, but until now wala akong mansour na hinihintay...

"I really miss you Mj...."

Muling namalisbis ang masaganang luha sa kanyang pisngi sanhi ng isiping iyon.

_________
Mj's POV

After 3 years,

I Mansour John Toribio is now a successful business man in the society.

Namamayagpag na ang pangalan ko sa larangan ng businesses, tulad ni Clarina ay sikat narin ako maging sa newspaper at TV.

But I'm not sure kung nakarating na ito sa kanyang kaalaman dahil kahit gaano kasikat ang pangalan ko ay hindi pa ako nagpapakita sa mga TV dahil iniiwasan kong makita niya ako at hindi ko pa nalilinaw sa kanya ang lahat.

Bumalik na ako sa poder ng mga magulang ko.

Napakasaya ni mama ng makita niya ako at labis-labis ang pasasalamat niya. Hindi talaga maiwasang hindi magdrama si Mama at si Ate...nang makita nila ako ay sabay pa silang umatungal ng iyak at halos Hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nila sakin,pati si kuya at si Papa ay may tinatago rin palang kawerduhan...nakisali narin silang yumakap sakin at pawang mga luhaan...

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon