chapter 8

77 7 0
                                    


Mj's POV
"Damn this car! Pag minamalas ka nga naman oh..!"

Napamura ako ng mapagtanto Kong flat nga ang unahang gulong ng kotse.

Nagmamadaling dinampot ko ang extrang gulong sa ilalim ng backseat at ang mga tools na kakailanganin ko.

Sinimulan kong  ayusin ang paglalagay ng gulong nang matanggal ko na ang isang flat.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ko ang ginagawa, sinamsam ko na ang tools at ibinalik sa toolbox.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng driver seat.
Natigilan ako nang  may kung anong malamig na bagay ang dumaiti sa likod ng tainga ko.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.!"

Wika ng malamig na boses sa likuran ko. Marahan akong lumingon.
At sa paglingon ko'y nakita ko ang apat na lalaking sumusubaybay noon Kay Clarina.

"Tama nga ang hinala ko,ako nga ang pakay ng mga lalaking ito."

Malakas kong tinabig ang baril na itinututok niya sa akin,nabitawan niya iyon at tumilapon sa kung saan.

Humalili naman ang tatlo pang kasamahan nito na pawang nakatutok din ang baril nila sa akin.

"Sino ba ang nag-uutos sa inyo?"
Mariing tanong ko sa kanila.

"Malalaman mo pag sumama ka sa amin!"

Sagot ng isang nasa harapan ko.

"Mga tauhan ba kayo ni Daddy?"
Nananantiyang tanong ko ulit sa kanila.

subalit sa halip na sagutin nila ang tanong ko ay sa isang iglap lang ay napalibutan na nila ako.
Nang akmang hahawakan nila ako ay alertong umigkas ang kamao ko at isa isang pinagsusuntok ko silang tatlo.

Sapul sa mukha ang bawat isa at inundayan ko pa ng sipa ang mga ito,kayat nangatumba sila. Except for the one na medyo malayo sa akin at Hindi abot ng sipa't suntok ko.

Nang lalapitan ko siya ay alertong itinutok niya ang baril sa akin at nang ipinutok niya iyon ay mabilis akong yumuko kaya't sa halip na sa akin tumama ang bala ay dumiretso ito sa mga puno na nasa likuran ko.

Malakas Kong tinabig ang braso niya at sa kanyang kabiglaanan ay nabitawan niya ang baril at tumilapon ito.

Pagkaraa'y buong pwersa Kong inundayan ng suntok ang mukha nito at ayun, tulog agad.

Sinamantala ko ang pagkakataon upang makatakas. Nagmamadali akong sumakay ng kotse at mabilis ko nang pinasibad iyon.

"Habulin niyo bilis!"

Narinig Kong sigaw ng isa na  marahil nakabawi na ito.

Mas lalo Kong idiniin ang tapak sa silinyador ngunit bago pa makasirit ng takbo ang kotse ko ay may narinig akong alingawngaw ng putok ng baril.

Naramdaman Kong nagpagiwang-giwang ang takbo ko.

"Oh shit! Damn this situation!"

Napahampas ako sa manibela ng mapagtanto kong sa hulihang gulong ko pala tumama ang bala ng lalaking iyon.

Akala siguro nila ay tuluyan na nila akong makukuha sa pagkakataong ito.

Pwes nagkakamali sila,mabilis akong nag-isip ng paraan.

Eksakto namang may parating na motorsiklo kayat walang pag aalinlangang pinara ko iyon.
At nang magpreno ito ay mabilis akong lumabas ng kotse nang tuluyan ng huminto ito mula sa pagiwang-giwang nitong takbo.

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon