chapter 19

69 2 1
                                    


Mj's POV

Kasalukuyang lulan kami ngayon ng private plane papuntang Manila.

Panaka-naka Kong sinusulyapan
si Clarina na tahimik lang sa tabi ko.

"Why?"

Kalmanteng tanong niya sakin pero Hindi siya tumitingin sa gawi ko.

"H-huh?"

Nagtaka ako kasi akala ko wala ang atensyon niya sakin.

"Sabi ko bakit ka nagnanakaw ng tingin sa face ko.."

Sa puntong ito ay nakatingin na siya sa akin. At alanganing nangingiti.

"Ang ganda mo kasi eh.."

Napapakamot sa batok na wika ko sa kanya.

"Asus..alam mo swerte ko lang noh Mj.."

Sabi niyang Naningkit ang mata sa tinuran ko.

"Uhmm, bakit naman Clari my love..?"

Nagwink pa ako sa kanya.

"Kasi buti nalang at kahit maganda yang mga mata mo, ay duling lang.."

"Huh? Paano nagkaganoon? "

Nagulat ako sa sinabi niya, paano kaya nangyari iyon? Eh Hindi naman ako duling noong ipanganak ako ni mama ah!

"Uy clari, is that serious? Pahiram nga ng salamin?"

"My goodness Mj! Wag na! ang laki mo lang kasing tanga, sabi ko duling kalang kasi Hindi naman ako maganda para main love ka sa akin."

Wika niyang tinatawanan pa ako.

"Aba naman Clari... Sa gwapo Kong ito  sa tingin mo maiinlove ako sa Hindi maganda? No way!"

Napahagalpak siya ng tawa kasi umirap ako sa kanya na parang isang bading.

"Oo na po Mansour John,gwapo kana kaya nga nainlove ako sa bodyguard ko eh.."

"Ganyan nga..my beautiful princess! I love you.."

"I love you too..my bodyguard!"

Napanguso ako sa sinabi niya, kaya nag peace sign siya at mabilis niya akong  hinalikan sa labi.

Napangiti naman ako sa ginawa niya, ang saya saya ko ng mga Sandaling ito..

"This is the right time Clarina para makilala mo na ako ng lubusan."

Sa isip-isip ko. Kinabig ko na siya upang yakapin.

_____,__

Clarina's POV

Nanatili lang akong nakayakap sa Dibdib ni Mj habang bumibyahe kami.

Ang sarap pala sa pakiramdam na yakap ka ng taong pinakamamahal mo habang hinahaplos-haplos ang buhok mo.

Maya-mayay  narinig Kong nagsalita ang pilot ng plane.

"Youngest prince! Were already here! Your brown vios car is at outside."

"Okay."

Tipid na sagot ni Mj.

"Youngest Prince! Ibig bang sabihin ay mayaman nga siya?"

Tanong ng isip ko pero Hindi n ako kumibo, naghintay nalang ako sa gagawin niya.
Kunwari ay pumikit ako. Kaya nga nandito ako para malaman ko ang pagkatao niya.

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon