Mj's POVKabadong-kabado ako habang pinipihit ko ang seradura ng pinto sa library ng bahay nila Clarina. Hindi ko alam kung bakit gusto akong makausap ng ama niya.
Pagkaraang madischarge si Clarina sa hospital ay pinadiretso
Ako ni Don Mauricio sa villa Fuentes.Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay pinaupo niya ako.
"How could you do this to my princess Mansour John?"
Malakas at mariing wika niya sa akin.
Napatungo ako dahil alam ko na ang ibig nitong sabihin."Ipinagkatiwala ko siya sayo mula pa noon,and you promised me that you will never hurt her! Pero anong nangyari sa pangakong iyon?"
Matigas ang anyong dagdag pa niya.
"I-im very sorry Sir..Hindi ko po inakalang mangyayari ito. K-kasi nagselos po siya Kay Stephanie na Hindi naman niya dapat ginawa."
Mahinang sagot ko.
"What do you mean?"
Napaangat ako ng tingin,may kung anong kudlit ng pag-asa ang nahimigan ko dahil sa klase ng pagkakatanong niya.
"Huling pag-uusap na po namin ni Stephanie nang hapong iyon. Nilinaw ko sa kanya kung anong lugar niya sa puso ko,at sinabi Kong walang makakapalit Kay Clarina dahil siya ang mahal ko at walang makakapagpabago niyon. Pero bago siya umalis ay sinabi niyang mahal na mahal niya ako, sinabi ko namang mahal ko rin siya pero hanggang kaibigan lang. Marahil iyon ang narinig ni Clarina at Hindi niya narinig ang buong pag-uusap namin kaya inakala niyang nagtaksil ako sa kanya."
Mahabang paliwanag ko sa matanda.
"But why did you not explained to her?"
Bahagya nang bumaba ang tinig niya.
"Hindi ko po nagawa iyon,because she's not answering my calls..at nagtext po siya na bigyan ko muna siya ng space,nagkataon naman pong nagkaproblema sa company ko kaya napabalik ako sa Manila ng Hindi na ako nakapagpaalam."
"Okay Mansour, I will give you another chance for now, but make sure it will never happen again. Tandaan mo dahil kung mauulit pa ito at mapahamak ulit ang prinsesa ko Hindi ko na maalala ang utang na loob namin sayo."
Wika niya at tumayo na.
"Thank you Don Mauricio,for giving me your trust again.."
"Sige na hijo.."
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng pinto.
Clarina's POV
I'm wearing a pink dress now, sinadya Kong ilugay lamang ang buhok ko nagpolbo lang ako ng konte at light lipstick.
Nabo-bored na ako sa loob ayaw pa kasi akong payagan ni dad na bumalik sa trabaho. Inassure ko naman sa kanya na okay na kami ni mansour at okay narin ang pakiramdam ko.
Sa totoo lang I miss CHFA na talaga eh..pero Hindi ko mapilit si dad pagdating sa kalusugan ko ang pag-uusapan namin.
Kaya heto ako ngayon sa tabi ng swimming pool namin.
I miss Mansour na naman,mag- iisang linggo na siyang Hindi nakapunta dito."Ano na kaya ang pinaggagawa niya? Tawagan ko kaya siya para mapuntahan ko siya?"
Naudlot ang pagkalikot ko ng cellphone ko nang may magdoorbell.
"Huh? Sino na naman kaya iyon? Ah bahala na ang mga guard doon,baka bisita lang ni Dad."
Saktong idadial ko na ang number niya nang mag battery empty ang phone ko.
"Shit!"
Ngayon ko lang naalala na kanina pa pala nagbabaterry low ito.
"Kung minamalas ka nga naman oh..."
Pabagsak Kong ipinatong sa maliit na mesang nasa tabi ng pool ang bushet Kong cellphone.
MJs POV
Hinanap ko agad si Don Mauricio nang pagbuksan ako ng guard.
I saw him at garage.
"Ah don Mauricio.. Pwede ba kitang makausap?"
"Oh Mansour hijo..tungkol saan ba ito?"
Kunot noong tanong niya sa akin.
"May bagay lang ho akong hihilingin sayo kung okay lang po sa inyo."
Lakas loob Kong wika sa kanya.
"Halika hijo,dito tayo sa may verandah."
Sumunod ako sa kanya.
"Uhm..go on hijo..."
I cleared my throat before I start saying a word.
"Hindi na po ako magpaligoy-ligoy pa. Don Mauricio... I wanna marry your daughter soon... Alam niyo naman po kung gaano ko siya kamahal."
Mataman Kong tinitigan ang mukha niya,at piping dasal ng puso ko na sana'y pumayag siya.
Pormal na pormal ang reaksiyon niya kaya bigla akong kinabahan.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita.
"I think she love you too hijo, kaya Hindi ko hahadlangan ang anumang desisyon ninyo. Basta alam mo na kung ano ang pinaka ayaw Kong mangyari sa kanya."
Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Maluwang narin akong napangiti at halos maglulundag ang puso ko sa tuwa nang marinig ko ang approval niya.
"Thank so much Don..makakaasa kayong Hindi na mauulit ang nangyari sa kanya."
"I'll trust you hijo."
Tinapik pa niya ang balikat ko at nauna na siyang tumayo at bumalik na siya sa garage.
Habang ako ay Hindi agad makakilos sa kinauupuan ko,at Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Thanks!
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Romance(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...