Mj's outfit at the top
Clarina's POV
Tahimik lang kami ni Mansour habang lulan ng kotse pauwi,gustung- gusto ko na siyang tanungin pero parang may kung anong pumipigil sa akin.
Pero kailangan Kong malaman kung nakuha ba ni Stephanie ang phone number niya.
Bumuntong hininga ako.
"Mj,binigay mo ba ang phone number mo Kay Stephanie?"
Lakas loob Kong tanong sa kanya.
"Oo bakit?"
Balewalang sagot niya sa akin.
"What!? Hindi mo dapat binigay sa kanya!"
Bulalas ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko."Bakit ka naman ganyan kung makareact,masama bang kaibiganin ko ang mga kaibigan mo?"
Takang tanong niya sakin.
"Pwede kung sa iba,but not Stephanie. Not her!"
" ano bang mayron Kay Stephanie na ayaw mong makipag communicate ako sa kanya?"
"Basta stay away from her Mj!"
Giit ko parin sa kanya."Clarina.. Sa tingin ko Hindi mo naman dapat dinidiktahan kung anong gusto ko dahil isa lang akong hamak na bodyguard mo,Hindi naman ako gaanong importante sa buhay mo kaya kung mawala man ako mas magiging masaya ka pa dahil yun naman talaga ang gusto mo kaya mo ginagawa ang lahat ng ito diba? "
May halong hinanakit ang boses niya sa pagkakataong ito.
Bigla akong sinundot ng konsensiya sa tinuran niya.
Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Hindi ko alam kung alin ang pananaigin ko ang pagnanais bang mawala na si Mansour sa aking buhay?O ang mumunting paghanga na sumibol sa aking puso na nadiskubre ko kanina lang dahil Kay Stephanie.
I really can't understand my feeling,kumikirot ang bahagi ng puso ko sa ipinapakitang enteres ni Stephanie kay Mj.
Masyado na akong naguguluhan ngayon kaya Hindi na ako nakasagot hanggang sa makarating kami sa Villa Fuentes.
__________________
Mj's POV
Nagpatuloy ang pagiging bodyguard ko Kay Clarina. Hindi ko namalayang nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya.
Napapansin Kong bahagya naring bumabait sa akin ang magandang tiger.
Lagi ko na kasing nasisilayan ang ngiti niya na nagpapagaan ng buong araw ko.
Kaya naman naging inspirasyon ko siya upang mas umigting pa ang hangarin Kong magkaroon ng sariling negosyo at umunlad sa sarili Kong pamamaraan.
Hindi ko namalayang isang buwan nalang pala ang nalalabing araw para sa paninilbihan ko bilang bodyguard ni clarina.
Balak kong gamitin ang magiging sweldo ko mula kay don Mauricio sa pagsisimula ng negosyo.
Subalit bigla akong nakaramdam ng kakaibang lungkot sa isiping mawawalay na ako Kay Clarina,Hindi ko na masisilayan ang kislap ng mga mata niya at ang nakabibighaning ngiti niya.
"But I need to do this para baguhin ang tingin at katayuan ko sa buhay niya. Buong akala niya ay isa lang akong hamak na bodyguard at walang pinag- aralan."
Nahulog na ako sa malalim na pagiisip kayat Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Clarina.
Kanina pa ako nakasandal sa hood ng kotse habang hinihintay siya.
"Oy! Shall we go?"
Nakangiting wika niya na kinalabit pa ang tainga ko.
"Ah!? Oo, tapos naba klase mo? Ang aga pa yata."
Gulat kong tanong sa knya.
"Yap! Wala na akong klase sa last period ko,kaya let's go...!"
Nagpatiuna na siyang sumakay sa kotse para siguro Hindi ko na siya mapagbuksan.
Ganito na talaga siya nitong nakaraang buwan,masayahin at kung minsan palabiro din,Hindi na siya tulad ng dati na masungit at para bang pasan ang mundo.
Napapansin ko rin na Hindi niya na hinahayaan na pagsilbihan ko siya at kung minsan sa simpleng bagay tulad nitong dapat ay pagbuksan ko pa siya ay madalas siyang nakikipag unahan sa akin.
Ayaw niyang tratuhin ko siyang prinsesa or amo ko.
She's so weird,pero okay narin yun kasi kahit papano I felt she treated me like something special for her.
_________________________________
Clarina's POV
Today is Monday, I'm here inside the campus,sitting under the acacia tree.
Abala ako sa paglalaro ng temple run game sa tablet ko nang biglang mag ring ang phone ko.
Nakaramdam ako ng inis sa kung sino mang nang-iistorbo na to.
Pero agad ding napawi nang makita Kong si Mansour pala ang tumatawag.
"Mj.. Napatawag ka?"
"Ah.. Clarina,iwan muna kita ah..may pupuntahan lang ako saglit,babalikan kita before lunch."
Bigla akong kinabahan sa isiping mawawala siya,kahit pa sinabi naman niyang saglit lang siya.
I really can't understand my feeling,habang tumatagal parang ayaw ko ng mawala siya.
"Huh! Where are you going?"
Takang tanong ko.
"Sa labas, may bibilhin lang ako, don't worry I'll back as soon as possible. Wag kang lalabas ah.."
"O-okay.."
Bahagya pa akong nautal,wait tama ba ang narinig ko? Is he really can talk English?
Oh my! As far as I remembered ngayon ko lang siya narinig na nag English mula ng maging bodyguard ko siya!
But amazing huh,ang galing at ang swabe pakinggan.
Now I wonder kung talaga bang mahirap siya at walang pinag-aralan.I have to ask him.
Nawala na ang atensyon ko sa paglalaro kaya tumayo na ako at pumasok sa next subject ko.
Pls support my story so I can continue write this.
Thank you so much for everyone and I love you from the bottom of my heart!!
Vote and comment lang po!!
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Romance(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...