Ang istoryang ito ay purong imahinasyon lamang. Lahat ng pangalan, lugar o pangyayari na may kahalintulad sa reyalidad ay pawang nagkataon lamang at walang kaugnayan sa nilalaman ng libro.
***
"O! Manok, absent ka na naman kahapon. Siguro nagka-chicken fox ka na naman no?!" Tanong ng katabi ko sa klase.
"Manok ka talaga! Manok! Manok!" Paulit-paulit niyang sabi hanggang sa sinabayan na siya ng iba pa naming kaklase.
Rinig na rinig ko ang mga hiyawan at tawanan nila, habang sinisigaw nila ang 'Manok'. Napayuko na lang ako dahil ayaw kong makita nila na naiiyak na ko.
Tumahimik ang paligid nang mapansin nilang napayuko na ko. "Hala pinaiyak niyo!" Mga bulungan nila.
"Uy!" Bigla na lamang akong tinapik sa balikat ng katabi kong nangunguna sa pangaasar sakin. Medyo napalakas ang pagkakatulak niya kaya medyo nawala ako sa balance. Pinilit ko paring takpan ang mukha ko habang pabalik ako sa pagyuko. "Umiiyak ka ba?" Tanong niya.
Nang magtanong siya kung umiiyak ba ko, hindi ko na napigilan ang umiyak ng may kaunting tunog. 'Mama nasan ka na ba? Kailangan kita.'
"Hala! Umiiyak si sumpa!" Sigaw ng katabi ko.
Napayukom ko na lang ang magkabilang kamay ko dahil sa galit. Ayoko na talagang pumasok. Lagi na lang akong inaasar.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa tumahimik ang classroom at mangibabaw ang boses ng adviser namin sa loob ng kwarto.
"Anong nangyayari diyan?" Naramdaman kong lumapit siya sa pwesto namin dahil lumakas lalo ang boses niya.
Walang sumagot sa tanong niya kaya hinaplos niya ang ulo ko at sinilip ako mula sa pagkakayuko. "Love? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sakin.
Hindi ako sumagot hanggang sa hawakan niya ang braso ko para patunguhin na ko. "Bakit ka umiiyak love? Sabihin mo sakin." Tanong niya.
Humagulgol ako sa harap niya. Lumulubo na rin ang sipon ko dahil sa pagiyak ko.
"Ano? Sabihin mo sakin." Tanong niya ulit.
Pero iling lang ang sinagot ko. Hindi.
"E bakit ka umiiyak?" Tanong niya ulit. Katulad ng kanina, isang iling ang tinugon ko.
Dahil kahit sabihin ko sa kanya ang totoo, hindi na naman ako paniniwalaan ni teacher lalo na't kamag-anak niya ang bully ko.
***
Note: Nagpalit ako ng username hehe. From iqueenot to abijjiju. Yun lungs.
***
THE STARS CRY
By: abijjijuALL RIGHTS RESERVED 2018
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...