KAMI NA
GREAT LOVE's POV
"HA? Ibig mong sabihin kahapon mo pa ako tina-try na ma-contact?" Tanong ko kay Uno nang sabihin niya sa akin na kahapon pa daw siya text nang text at tawag nang tawag pero hindi daw niya ako ma-contact. Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at in-open ito. "Paano nangyare 'yon? E wala naman akong natatanggap na message o tawag mula sa number mo." Nakakunot kong tanong kay Uno habang pinipindot ko ang contacts ko.
Maya-maya'y bigla niyang kinuha ang phone ko sa kamay at may tinignan dito.
"May sira kaya ang sim ko?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay ko na malaman niya ang dahilan kung bakit hindi niya ako ma-contact.
Sumilip na ako sa ginagawa niya.
Nasa tapat kami ngayon ng dorm. Pinilit na ni Uno na ihatid ako dito dahil medyo gabi na at malapit na ang curfew. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil gusto ko siyang makasama.
Nakita kong napakunot ang noo niya.
"Bakit? Alam mo na? Sira ba?" Tanong ko agad nang mahalata kong alam na niya ang sagot sa tanong ko base sa ekspresyon niya.
"Hindi mo talaga matatanggap ang messages at calls ko kung nasa blacklist mo ang number ko." Sagot niya.
Nanlaki ang mga mata. "Huh? Paanong nangyare 'yon? Ni hindi ko nga alam na may blacklist pala diyan." Paliwanag ko habang tinatanggal niya ang number niya sa blacklist.
"Bukod ba sayo, sino pang humahawak ng phone mo?" Tanong niya sa akin.
Bukod sa akin? Wala naman. Si Ashley nahawakan niya ito pero dati pa 'yon e. Baka nga napindot ko lang? "Wala akong maalala. Baka napindot ko lang. Pwede ba 'yon?" Sagot ko kay Uno.
Kita ko pa rin ang nagiisip na ekspresyon niya. "Ay huwag na nating masyadong isipin. Ang mahalaga.... matatanggap ko na ang tawag at text mo." Sabay kuha ko ng phone ko sa kamay niya.
Na agad din naman niyang kinuha pabalik.
May pinindot siya muli sa phone ko at tinapat ito sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?" Natatawa kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin siya sa pagpipindot sa phone ko. Hinintay ko na lang siya matapos hanggang sa ibalik niya na sa akin ang phone ko.
"260818" sambit niya.
Naguluhan ako sa sinambit niya.
"Huh?" Tanong ko.
Tinuro niya ang phone ko. "Tignan mo." Saad niya.
In-open ko ang phone ko at bumungad agad sa akin ang perpekto niyang mukha sa wallpaper ko.
Napangiti ako.
"260818 is the password." Biglang nabura ang ngiti ko sa sinabi niya.
Agad kong tinype ang mga numerong sinambit niya.
Nilagyan na pala niya ng password ang phone ko. Siguro iniisip ni Uno na ang tanga ko dahil hindi ako naglalagay ng password sa phone.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...