SAFE
Dylan's POV
TULUYAN nang umalis yung dalawa at kami na lang ni Rock ang naiwan dito sa mansyon. We all have the benefits for this day. Me, going here is not just helping Uno but also helping me. Myself. I've been really busy this past few days because of school works. Yeah, I know you will say na parehas naman kaming mga IT students nila Uno at Rock pero bakit mas busy ako sa kanila at bakit sa ibang subjects ko lang sila classmates. It's because, I didn't take all my units. So yung ibang subjects na tine-take ko ngayon, sa last sem pa nila Uno.
Kung bakit ko ginawa 'yon? Wala lang. For me to have time for games? Oh well... I don't want to waste my time not doing what makes me happy.
I brought some of my games here para makapaglaro dito kahit na ang noob ng kalaro kong si Rock.
"Thank God! Umalis na yung dalawa." Rock said na para bang lumuwag ang paghinga niya. "Did you see Uno? That's the first time na nakita ko siyang ganoon ka-sweet sa babae. Parang sila lang ang tao dito. Muntik ko na ngang mapaniwala ang sarili ko na hangin ako e. Iba na si Uno." Komento ni Rock pagkatapos niyang umupo sa malaking sofa.
Ako naman ay umupo na rin sa tabi niya. "Yeah... he's happy." I answered.
Kinuha ko sa maliit na lamesa ang mga games na dinala ko at binuksan ito.Napatahimik si Rock as if he's thinking of something. "He's really happy. Buti na lang dumating si Love. Akala ko tuluyan nang magyeyelo yung kaibigan natin." Seryoso niyang sambit.
Nang makuha ko na ang gusto kong laruin, hinarap ko na si Rock. "Kaya hayaan na natin siyang maging masaya. Maglaro na tayo!" Sambit ko at tumayo na para I-on na ang PS4 na ngayon lang ulit magagamit. "Gumagana pa ba 'to?" Tanong ko bago buksan yung PS4.
"Hindi ko alam." Sagot ni Rock sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa PS4 at pinagdasal na sana ay gumagana ito dahil kung hindi? Baka mabato ko 'tong mga CDs kay Rock.
Nung tumawag si Uno sa akin, tinanong ko kung may PS4 dito at um-oo siya kasi sabi daw ni Rock, oo kaya kung ito hindi gumana baka matakwil ko 'tong bato na 'to.
I turned it on and waited for about 5 seconds but nothing happened.
I looked at Rock at pinanglakihan niya lang ako ng mata. "What? You only asked if may PS4 dito. Hindi mo naman tinanong kung gumagana." Sambit niya na para bang ako pa ang may kasalanan.
Binalik ko ulit ang mata ko sa PS4 at in-on ulit ito. Naghintay ulit ako ng ilang segundo pero wala pa ring nangyari.
Napahawak ako sa sentido ko.
Parang sumasakit ang ulo ko a. Parang ang sarap manakal ngayon a.
Great Love's POV
"U-Uno nasaan tayo?" Unang tanong ko kay Uno nang magbago ang paligid namin. Kung kanina, habang naguusap kami tungkol sa basketball game nila at sa singing contest na sasalihan ko, maluwag pa ang daan at medyo marami ang tao. Pero ngayon, sobrang dami ng tao na naglalakad sa kalye, dikit-dikit ang mga establisyemento at higit sa lahat, traffic.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...