Chapter 2

374 24 0
                                    

ID

PANGATLONG araw ko na dito sa university pero hindi parin ako masanay-sanay sa mga tingin na binabato sa akin ng mga tao. Minsan nga, hindi lang basta normal na tingin, may pa head to foot pa sila at kapag nakikita ko yon, napapayuko na lang ako at binibilisan ko ang paglakad.

Medyo naging okay naman ang student life ko sa mga nakalipas na araw dahil kasa-kasama ko si Ashley. Siya yung pinakamadalas kong kasama dito sa university and thankful rin ako na sobra-sobra ang energy na meron siya dahil nakakatulong siya para kahit papano ay maging masaya ako.

Hindi siya mapili sa kaibigan o wala din talaga siyang kaibigan bukod sakin? Basta, hindi siya katulad nung mga classmates kong, kung makatingin sakin kala mo isa akong germs.

Sa sobrang daldal nga nung isang yon, hindi ko na binasa yung student manual dahil pati iyon ay na-kwento na niya.

"Love?" Isang babae ang tumawag sa pangalan ko sa kalagitnaan ng pagiisip ko sa project na gagawin namin sa economics.

Lumingon ako sa kanan at nakitang si Chelsea pala ang tumawag sakin. Medyo nagulat ako pero di ako nagpahalata. First time kasi niya akong kinausap.

"Bakit?"

Isang ngiti ang binigay niya sakin kaya medyo nagalangan naman ako. Kase first time din niya akong nginitian. Madalas kasi kasali siya dun sa mga 'Head to foot gang' "I know na matalino ka naman kaya pwede bang ikaw muna magumpisa ng project? May pupuntahan kasi kami ng iba nating groupmates mamaya." Nakangiti niyang paalam.

Napakunot ang noo ko. "Pero hindi ko kaya magisa to." Reklamo ko.

Hinawakan niya ang right shoulder ko. "Kaya mo yan no! Matalino ka diba? Thank you!" Sasagot pa sana ako pero tinalikuran na niya ako at hinarap na niya yung mga friends niya sa side niya.

Nakita kong mga nagtawanan sila.

Tumingin ako sa professor naming busy sa pag-check ng quiz papers namin sa harap.

Binigyan kasi niya kami kanina ng projects sa economics and it's a group. Ipapasa siya by the end of the semester. So para maumpisahan na yung pag-plano, binigyan niya kami ng oras para makapag-plano. Pero wala atang plano yung mga ka-group ko na makipag-cooperate ngayon dahil mas busy pa sila makipag-chikahan sa isa't-isa kesa sa prof namin sa harap.

Maya-maya ay napansin ko ang isang babae na panay ang silip sa glass door ng classroom. Si Ashley ba yon?

"Love! Sabay tayong mag-break mamaya please? Nag-prepare ako ng pagkain para sa ating dalawa." Energetic na aya niya nang makalabas ako ng classroom.

Sa sobrang energetic niya, hindi ko masabayan, ngumiti na lang ako. "Sige." Pag-oo ko.

"Yey! Kita na lang tayo 2:30 pm, cafeteria?" Tanong niya.

"Wag don. Sa garden na lang ulit." Pagbabago ko sa gusto niya. Ayaw ko sa cafeteria, masyadong maraming tao.

Napasimangot siya. "Doon ulit?" Tanong niya.

Nakangiti akong tumango.

"Sigi. Bye na!" Malungkot siya pero naging energetic din sa dulo.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon