INTEREST
GREAT LOVE'S POV
NAGPAHINGA muna kami ni Uno bago kami tumuloy sa pangalawang ride na sasakyan namin. Nandito kami ngayon sa gilid ng isang hotdog stall at kumakain sa gilid.
Habang ngumunguya ay hinahanap ko sina Rock at Dylan sa paligid. Hanggang sa nakita ko silang pumipila sa carousel. Natawa naman ako kaya agad kong tinapik si Uno at nang makuha ko ang atensyon niya, agad kong tinuro sina Rock at Dylan na tuwang-tuwa habang nakasakay sa kabayong umiikot.
"Tsk. Parang mga bata." Pagngisi niya at nagpatuloy sa pagnguya.
Napasimangot ako. "Mukha kayang masaya!" Pagtutol ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy pa rin sa pagkain. "Gusto ko dun. Tara!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nilapag ko na sa mesa ang kapirasong tira ko sa hotdog.
Hinila ko na ang kamay niya at wala din siyang nagawa kundi sumunod sa akin. Kagaya ko, iniwan na din niya ang pagkain niya sa table.
"Bata pala ha."
Nang makarating kami sa carousel ay pumila na kami agad sa dulo. Karamihan sa mga kasabay namin ay mga bata at halata sa itsura no Uno na hindi niya gusto ang gantong ride na pambata.
Kaya mas natuwa ako.
Pagkatapos ng lahat ng pangaasar niya, oras ko na para bumawi.
"Love! Uno! Sasakay din kayo?" Narinig ko si Dylan na tinawag kami.
Kakatapos lang nila ni Rock at kakalabas lang din."Oo. Nakita namin kayo at mukhang masaya kayo dito kaya pumila rin kami." Sagot ko.
Tumingin naman si Dylan kay Uno na ngayon ay nakapamulsa at malayo ang tingin.
"Hindi naman masaya! Gusto ko yung mga extreme." Maingay na nahuling si Rock. "O? Pipila din kayo?" Medyo nagulat pa si Rock nang makita kami ni Uno na nakapila.
Tumango ako.
"Wow. Ngayon ko lang makikita ang isang Fillimon na sasakay ng carousel. Mukhang magandang kuhanan ang pangyayaring ito." Umakto si Rock na ilalabas ang phone niya pero pinigilan siya ni Dylan nang mapansin nilang naagaw na nila ang atensyon ni Uno.
"Ah! Tara na Rock no? Kung gusto mo pang makalabas ng ligtas, umalis na tayo." Mahigpit na inakbayan ni Dylan si Rock at hinila ito palabas ng ride.
"Pero------" Rock.
"Huwag ka ng mag pero. Tatanggalan kita ng muscle sa dila." Rinig kong bulong ni Dylan kay Rock habang hila-hila niya ito.
Nang makalagpas yung dalawa, tumingin ako kay Uno na mukhang hindi natutuwa sa mangyayare.
May sasabihin dapat ako pero napatigil ako nang makita ko ulit yung babae na nakabangga kay Uno kanina doon sa may bangka. Tulad kanina ay nasa likod siya ulit ni Uno, kasama ang lalaking kasama niya kanina.
Ngumiti ulit siya sa akin kaya napangiti din ako. Nang makita naman ni Uno na may nginitian ako sa likod niya agad siyang lumingon sa likod.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...