Chapter 20

345 27 8
                                    

MULTO



Great Love's POV

"SASAMAHAN ko lang si Rock sa baba but saglit lang 'yon. Aakyat din ako. If you need something, nasa kabila lang akong kwarto. Kumatok ka lang." Saad ni Uno nang makarating na kami sa kwarto na sinasabi ni Rock. Base sa itsura ng pinto nito, malalaman mo agad na ito ang kwarto ng Ate niya dahil sa may puti pa itong kurtina sa paligid at may pangalan rin na nakaukit sa doorknob nito. "Rhea" ang pangalan ng Ate ni Rock, ayon sa sinabi ni Uno.

Napahinto ako at napalingon sa lalaking nagsalita sa likod ko. Nakatingin siya sa akin habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa. Bigla tuloy bumalik sa akin yung pag-amin niya at pag-amin ko kanina.

Bigla akong nahiya.

Ano kaya ang nasa isip niya ngayon habang nakatingin sa akin? Naiisip rin kaya niya yung nangyare kanina? Kung titignan sa ekspresyon niya parang walang nagbago. Hindi ko pa rin alam kung anong tumatakbo sa utak niya.

Nahihiya akong ngumiti. "Sige. Goodnight." Matipid kong sagot atsaka tumalikod na para buksan na ang pintuan ng kwarto.

Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob, naramdaman ko na agad ang mahinang paghigit ni Uno sa braso ko. "Sandali." Saad niya.

Nilingon ko siya ulit. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa dahilan nito pero parang binalik ako nito sa pakiramdam ko kanina. "B-Bakit?" Nauutal ko pang tanong.

Tinanggal niya ang kamay niya sa braso ko at binalik ang kamay niya sa bulsa.

"Thank you for accepting my feelings." Uno.

Aaminin ko, sobrang hindi pa talaga ako sanay sa ganto. Ayokong magpahalata na hindi ko alam ang isasagot ko pero tina-traydor ako ng ekspresyon ko. Ano bang tamang i- sagot doon? Ayan na naman tayo sa pagiisip ng sagot. Wala akong mai-sagot.

Nagkaroon ng 3 segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa dahan-dahan akong tumango at ngumiti sa kanya.

"You don't have to answer me." Alam kong nahalata niya sa pagkakataong ito na wala talaga akong masabi. Nakita ko ang mapangasar na ngiti sa labi niya. "Huwag mong pilitin ang sarili mo na magsalita. I know this is new to you." Dagdag niya.

"Eh?" Nakakunot ang noo kong tinignan siya. Nakakunot ang noo ko pero natatawa ako sa ideyang binigay niya sa akin. Pinagmamalaki ba niya sa akin na sanay na siya sa ganto dahil sa dami ng mga babaeng umamin sa kanya kaya sanay na siya at ako na pinapahiwatig niyang ngayon lang nakaranas ng may umamin na tao sa akin? "Mr. Fillimon, inaasar mo ba ako?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Isang maliit na ngiti ang binato niya. "I'm just stating facts." Nangaasar niyang sambit.

Hindi ako makapaniwala na inaasar niya ako.

Tumango-tango ako at tinaas ang magkabilang kilay ko. "Sige." Tumalikod na ako at pipihitin na ang doorknob ng kwarto.

Pinigilan lang pala niya ako para asarin. Mas mabuti nang makatulog na kesa marinig yung pangaasar niya.

"Wait! I'm just joking." Hinablot niya ulit ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

Gusto ko sanang hindi siya pansinin kaso baka sabihin niya na nagtatampo ako dahil sa sinabi niya kaya umakto na lang ako na parang wala lang ang kanina. Baka sabihin niya na wala pa ngang kami ay nagtatampo na ako.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon