NASAAN
GREAT LOVE'S POV
TOTOO ngang grabe ang paghahabol ng lahat tuwing finals. Ito na ang huling pagkakataon ng karamihan sa amin para mabawi ang mga grades nila nung prelim at midterm.
Heto naman ako ngayon pabalik na sa dorm namin bitbit ang mga librong hiniram ko pa sa library. Sa sobrang dami kasi ng tao ngayon sa library, wala na akong maupuan kaya sa dorm ko na lang pinipiling mag-aral.
Nang bubuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko, naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko sa bulsa.
Hindi ko pa man basahin ay alam ko na kung sino ang nagmessage sa akin.
Tumuloy muna ako sa loob ng kwarto para mailapag ko muna itong mabibigat na librong dala ko sa lamesa. Nang tuluyan kong mailapag ang mga libro at mailagay ang bag ko sa kama, kinuha ko na ang phone ko sa bulsa.
From: Uno
Did you eat already? Where are you?To: Uno
Hindi pa, ikaw? Nandito ako sa dorm para mag-aral. Pagod :(
Kahit pagod ako ay hindi ko pa ring mapigilang mapangiti sa mensahe ni Uno. Pakiramdam ko'y saglit akong nakapahinga.
Halos mag ta-tatlong linggo na kasi kaming mas madami pang text sa isa't-isa kesa sa pagkikita.
Nilapag ko na ang phone ko sa study table at saglit na pumunta muna ng kusina para uminom ng tubig. Tiyak akong magagalit si Uno kapag nalaman niyang nakalimutan ko nang magtanghalian kanina dahil subsob ako ngayon sa pag-aaral.
Mahirap na.
Ayokong bumagsak lalo na't hinahabol ko na maging scholar ako pagpasok ng 2nd sem.
Si Uno naman ay busy dahil sa group project nila kasama si Rock. Ang huli kong kita sa ginagawa nila ay gumagawa sila ng panibagong system na maaaring magamit ng University sa page-enroll ng students.
Kitang-kita ko yung determinasyon niya habang ginagawa yung system kaya parang lalo akong naging inspirado na gawin din yung best ko.
Habang umiinom ng tubig ay narinig kong tumunog ulit ang phone ko sa lamesa kaya pagkatapos kong uminom at nang mailagay ko na ang baso sa lababo ay dumiretso na ako sa study table.
Nang makalapit ako ay kinuha ko agad ang phone ko.
From: Uno
Can you look outside?Napangiti ako at parang nabuhayan sa nabasa ko.
Agad-agad akong sumilip sa bintana sa labas at hindi ako nagkamali sa hinala kong nasa labas si Uno.
Kita ko ang paglaki ng labi niya nang magtama ang mga mata namin.
Maya-maya'y biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tinatawagan ako ni Uno.
"Why you still look so beautiful even from a far?" Uno.
Nakangiti ko siyang tinignan habang itinatago ang kilig ko sa sinabi niya sa kabilang linya.
"Totoo ba?"
"Hays... you still don't know? I went here just to see your pretty face." Uno.
Binubuo na naman ni Uno ang gabi ko.
"Salamat." Nasambit ko na lang.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at tanging presensya lang namin ang pinakikiramdaman namin.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...