CONSEQUENCE
"WALA naman dito si ma'am e."
"Bye sumpa!"
"Sandali!"
"Buksan niyo to!"
"Buksan niyo to!"
"Love?"
Dinilat ko ang mga mata ko at agad kong hinabol ang paghinga ko.
Kumalma muna ako.
Panaginip lang.
Bumuntong hininga ako atsaka ko hinawakan ang gilid ng ulo ko. Bakit ba kailangan kong ariin ang ala-alang yon? Hindi ko makakalimutan kung gaano ako katakot sa nangyare sa akin nung araw na iyon. Kitang-kita ko yung apoy na lumalaki sa harap ko habang magisa kong pinapatatag ang sarili ko sa paghinga dahil sa usok.
"Great Love?" Napahinto ako sa pagiisip nang may lalaking biglang nagsalita sa kanan ko.
Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa gilid ng ulo ko at sinilip kung sino ang nasa kanan ko.
Nang sumilip na ako, parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Uno na nakatayo sa gilid ko.
Sa sobrang taranta ko sa presensya niya, sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga, kaya naman hindi ko namalayan na napangtungkod ko pala ang kaliwang kamay ko na pinanghampas ko kanina sa pintuan ng shower room.
Nang makaupo ako, doon ko naramdaman na gumuhit ang sakit sa kamay ko. "Ah." Hinawakan ng kanang kamay ko ang kaliwang kamay ko.
Nakita kong may benda na palang nakabalot dito.
Nang makita ni Uno ang paginda ko sa sakit, bigla niya akong hinawakan sa braso at likod. "Are you okay?" Tanong niya.
Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko nang hawakan niya ako.
Umurong ako at umakting na okay na yung kamay ko. "O-oo." Nahihiya kong sagot.
Nagkatinginan kami kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Bakit ganto ang nararamdaman ko sa kanya? Parang hindi ako normal kapag siya ang kasama ko.
"Ehem! Nandito rin kami." Nagulat naman ako nang may biglang magsalita sa kaliwa ko.
Napatingin ako at nanlaki ang mga mata ko nang may dalawa pang lalaki sa kaliwang parte ko.
Mga nakangiti sila sa akin.
"Hi!" Sabi agad nung isang lalaki na grabe ang ngiti sa akin.
Nilahad niya ang kanang kamay niya para makipag-shakehands sa akin.
Dahan-dahan ko namang sinalo ang kamay niya kahit naguguluhan ako kung bakit nandito sila. "Rock nga pala." Pagpapakilala niya.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...