I'M HERE
TULOG. Hindi ako nakatulog. Gusto ko sanang matulog nang maayos kagabi kaso paano ako makakatulog kung sa bawat pagpikit ng mga mata ko, nakikita ko ang mukha ng perpektong lalaking iyon?
Ano bang nangyayari sa akin? Parang nabulabog ang lahat ng ibon sa gubat nang dumating ang perpektong lalaking iyon.
Para siyang China, na pati pagtulog ko ay inangkin niya na.
Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kama dahil papasok na ako sa una kong subject ngayong araw. Inaantok ako pero kailangan kong pumasok.
Nakakahiya naman kay Lola Paz at kay mama kung hindi ako papasok dahil lang sa inaantok ako. Atsaka kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.
Lumapit ako sa cabinet para kunin yung ID ko. Nang kukunin ko na sana, napahinto ako. Bigla na naman kasing nag-flashback sa utak ko yung nangyare kahapon.
Umiling-iling ako. "Ayoko na!" Agad kong kinuha ang ID at sinabit ito sa leeg ko. Kumaripas na rin ako ng takbo palabas ng kwarto.
'Tama na Great Love.'
"Siya daw yun."
"Oo. Siya daw yung pinuntahan ni Uno kahapon."Bulong nung dalawang babaeng dumaan sa kwarto pagkalabas ko. Nakatingin sila sa akin at mga nakakunot ang noo. Ni-head to foot din nila ako.
"Ang low class ha."
Narinig kong sambit nung isang babae bago makalayo.
Napatingin ako sa sarili ko.
Ako ba ang pinaguusapan nila? Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang bago?
Dumiretso na ako sa hagdan at bumaba na ng building. Buti na lang ay nasa akin na ang ID ko-----------
Napailing na naman ako.
Anuba Love? Nasabi mo lang yung ID, nag-flashback na naman sayo yung mukha niya.
Nababaliw ka na ba?
Basta. Buti na lang nasaoli na sa akin ito at hindi ko na kailangang magtago kay kuya Anton.
"Good morning ma'am!" Masayang bati ni kuya Anton sa akin nang makita niyang papalabas na ako ng building.
Minsan nakakahawa din ang saya ni kuya Anton e. Kaso kapag pupunta na ako sa classroom at makikita si Chelsea at ang grupo niya na nakairap sa akin, parang nakakalimutan kong masaya pala ako.
Ngumiti ako nang nahihiya. "Good morning din po." Sagot ko.
Pagkatapos kong batiin si kuya Anton, dumiretso na ako sa paglalakad at baka ma-late pa ako sa klase ko.
"Ay ma'am!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si kuya Anton mula sa likod ko.
Lumingon ako sa kinaroroonan niya.
Nakita kong may nilalabas siya sa lagayan niya ng mga gamit.
Maya-maya pay lumapit na siya sa akin na may dalang isang kapirasong papel. "Ma'am may pinabibigay pala sayo si Sir Uno. Binigay niya sakin kaninang umaga. Sabi niya sayo ko lang daw ibigay." Sambit niya, kasabay ng pagabot niya sa akin ng hawak niya. Tinanggap ko naman ito. "Kayo ma'am a. Di mo man lang sinabi sa akin na kayo pala ni Sir Uno." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...