OBSESSION
GREAT LOVE'S POV
LUNES ng tanghali. Nagmamadali akong nagligpit ng gamit dahil bago ko pa man maipaalam kay Uno na tapos na ang pangatlong klase ko'y nag-text agad siya na papunta na daw siya sa classroom ko para sunduin ako't sabay kaming pumunta ng cafeteria.
Halos magkandagulo-gulo ang gamit ko sa loob ng bag dahil nga sa hindi ako magkandaugaga sa pagmamadali dahil ayoko namang magpahintay pa kay Uno sa labas. Tiyak ko kasing malapit na siya sa classroom namin.
Sinilip ko ang mga classmates kong nagsisilabasan na rin.
Nang matapos ko ang pagsara sa bag ko'y agad-agad din akong sumabay sa paglabas ng mga natitira kong mga classmates dahil karamihan sa kanila'y mga nauna na.
Nang makalabas ako'y balak ko pa sanang lumingon sa paligid para tignan kung paparating na si Uno pero isang pamilyar na nilalang ang humarang sa harap ko na suot-suot ang maganda niyang ngiti.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula noong nakaraang linggo.
"Love!" Magiliw niya akong sinalubong nang nakangiti at maya-maya yumakap na rin sa akin.
Medyo naguluhan ako sa inasal niya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang ngayon kasi'y pakiramdam ko'y may tinatago siya sa akin. Parang may kakaiba sa kanya na hindi nagtutugma sa pinapakita niya sa akin.
Kilala ko ba talaga siya?
Lumakas tuloy lalo ang kutob ko na may hindi ako alam sa kanya.
"I miss you na! Nagkaroon kasi ng emergency sa house namin. Hindi tuloy tayo nakapag-kwentuhan." Pagmamaktol niya sa akin pagkatapos ng pagyakap niya.
Kunyari napangiti ako pero naguguluhan talaga ako. "Okay?" Parang lagi naman siyang wala sa dorm namin at malimit na rin kaming magkakitaan.
"Huy! Hindi ka man lang ba magsasalita?" Kinaway niya ang kanang kamay niya sa harap ng mukha ko kaya napilitan akong magsalita.
"Ah. Nandito ka na pala? Kailan ka pa dumating?" Pagtanong ko.
"Kaninang umaga lang."
"Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit.
Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. "Syempre bestfriend kita atsaka na-miss na kita at higit sa lahat, gusto ko sabay tayong mag-lunch ngayon." Sabay kawit niya sa braso ko.
"Huh?" Reaksyon ko.
Hindi ata pwede ang iniisip niya lalo't papunta na si Uno dito.
Napakunot naman ang noo ni Ashley na para bang naguluhan sa reaksyon ko. "Huh? Anong huh? Ayaw mo ba?" Malungkot na sambit niya.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
Halatang nagtampo ang isang ito.
"Hindi no. Ano kasi----"
"Hindi naman pala e. Tara na?" Pagputol niya sa sasabihin ko at kumawit ulit sa braso ko.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Fiksi RemajaA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...