ULAN
GREAT LOVE'S POV
KITANG-KITA ang pamro-mroblema sa mukha ni Uno habang pinagmamasdan ang mga gamit na pang-ayos ng kotse na mayroon siya. Kitang-kita ko rin ang pagkunot ng noo niya habang pinagmamasdan ko siya sa side mirror.
Lumabas ako para lapitan siya't tanungin sa sitwasyon namin.
Medyo maghahapon na rin kasi at baka abutan kami ng gabi sa daan dahil sa nangyareng ito.
"Maaayos mo?" Tanong ko kay Uno nang makalapit ako sa kanya.
Nilingon niya ako agad nang marinig ang boses ko.
"Kulang ako sa gamit." Sagot niya.
Palatandaan na imposible ang tanong kong mangyare.
Binalik niya ulit ang tingin niya sa mga gamit atsaka sinilip ang harapan ng kotse.
Kita ko na ang pagod sa mukha niya at pawis na pawis na rin siya.
Sumunod ako sa kanya habang nilalabas ko ang panyo sa bulsa ko para sana ibigay sa kanya nang mapunasan ang pawis niya.
"Fuck! Bakit ngayon pa?!" Medyo nagulat ako nang bigla siyang magmura dahil sa inis niya. Nasipa din niya ng bahagya ang bandang gulong ng kotse. Pagkatapos noon ay lumapit siya sa pintuan ng kotse at binuksan ito. Nakita kong inabot niya ang phone niya at may sinilip dito. "Wala ring signal." Ramdam ko ang lalo niyang pagkainis sa nangyayare ngayon.
Agad akong lumapit sa kanya at hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya. Nang maramdaman niya ang kamay ko, nilingon niya ako atsaka yumuko. "I'm sorry. This was supposed to be a fun trip because this is your first time but now, it is all rui--------"
Hinaplos-haplos ko nang marahan ang likod niya. "Sshh... okay lang." sambit ko sa kanya.
Ngumiti ako at kasabay noon ang paglingon niya sa akin. Pinagmasdan niya ang ngiti ko ng ilang segundo atsaka napangisi. "You really know how to make me weak." sambit niya sabay hawak sa bewang ko.
Lalo akong napangiti atsaka siya niyakap patagilid. "Talaga." sambit ko.
Tiningala ko siya atsaka pinunas ang panyo na hawak ko sa mukha niya. Nakangiti lang siya habang pinupunasan ko ang pawis niya. Hawak naman niya ang magkabilang bewang ko habang nakasandal siya sa kotse.
"Can I see that smile forever?" Uno habang nakatingin sa labi ko.
Medyo bahagya akong napahinto dahil sa sinabi niya. Hindi talaga siya pumapalya na patalbugin ang puso ko sa mga linya niyang baon. Pagkatapos kong mabawi ang paghinga ko dahil sa sinabi niya'y tahimik ko lang siyang tinignan at tinuloy ang pagpupunas sa mukha niya.
Ngumiti lang ako kagaya ng hiling niya. Kagaya ng gusto niyang makita.
Ilang beses kong pinunasan ang noo niya dahil gusto kong burahin ang imahe niya sa utak ko na nakakunot ang noo dahil sa pagkadismayado niya kanina.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...