AKIN AT COFFEE
GREAT LOVE'S POV
Halos mag 7 na ng umaga at ngayon palang ako nakauwi dito sa baryo namin.
Panigurado akong tulog pa sila Papa.
Sobrang saya ko dahil matapos ang 3 buwan ay makikita ko na ulit sina Papa. Miss na miss ko na sila.
Gusto ko sanang bilisan ang lakad ko kaso hindi ko magawang magmabilis na maglakad dahil sa dala ko. Nagpabaon pa kasi si Mama sa akin ng mga pasalubong para sa mga kapatid ko.
"MAHAL?! Mahal ikaw ba iyan?!" Wala pa man ako sa bahay ay may pamilyar na boses na agad ang umalingawngaw sa kalsadang nilalakaran ko.
Agad akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses at nakompirma kong siya nga ang tumatawag sa akin.
Nang magtama ang mga mata namin ay lalong lumaki ang ngiti sa labi niya. Naisipan ko agad na sisigaw siya ulit kaya inunahan ko na siya.
"Oo ako nga. Hinaan mo yung boses mo. Marami pang tulog." Natatawa kong suway.
Binitawan niya ang trapal na hawak niya para sana buksan ang maliit nilang tindahan pero kinalimutan na muna niya ang gawain na iyon at agad na tumakbong papalapit sa akin.
"Ikaw nga." Sambit niya sa akin nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin. Agad niyang hinawakan ang dalawang balikat ko para hatakin ako papunta sa kanya. "Na-miss kita, Mahal." Siniil niya ako ng yakap.
Hinaplos ko ang likod niya at pagkatapos ay bumitaw na sa yakap niya. "Alam ko naman yun. Teka kamusta ka na?" Nakangiti kong kamusta sa kanya sabay tingin ko kung gaano na siya katangkad sa akin. "Mas lalo ka atang tumangkad, Akin. May girlfriend ka na no?" Sabay tusok ko sa bewang niya.
Nakiliti naman siya kaya bahagya siyang napaurong.
Ito ang gusto ko sa kababata kong si Akin e. Ang cute-cute niya. Para ko na siyang nakakabatang kapatid na ayaw daw niyang naririnig dahil magkaedad lang naman daw kami. Kung titignan ko nga ngayon parang hindi na angkop sa tangkad niya bilang nakakabata kong kapatid.
Dati kasi nung mga bata kami ay mas malaki ako sa kanya.
Napakamot siya ng batok kasabay ng pamumula ng tenga niya. "Wa-wala no. Ikaw nga itong dapat kong tanungin ng kamusta e." Nahihiya niya akong tinignan. "Kamusta ka na? Baka madami ng umaaligid na lalaki sayo sa Maynila. Mas gwapo ba sila sa akin?" Tanong niya sabay bangga ng balikat niya sa balikat ko.
"Oo naman. Mas gwapo ka sa mga iyon atsaka ano ka ba? Syempre walang nagtatangka."
"Buti naman."
"Yare sila sa boyfriend ko." Pahabol na pagmamalaki ko sa kanya. "O siya, pwede tulungan mo muna akong buhatin itong bag ko sa bahay? Ang bigat kasi." Sambit ko sabay tanggal ko sa balikat ko ng bag na dala ko at agad ko itong pinasa sa kanya.
Kinuha ko na ang maleta ko at naglakad na papunta sa bahay namin.
"May boyfriend ka na?!" Sigaw niya sa likod ko.
Napahinto ako sa paglalakad at nakita kong hindi pa pala siya sumusunod sa akin.
Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...