Chapter 35

249 22 1
                                    

TRIP



GREAT LOVE'S POV


TOTOO ngang pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan namin, may ginhawa din kaming mararanasan at itong araw na ito ang pinaka-excited ako.

Lumipas na ang tatlong linggo, kakatapos lang din ng midterms namin at ito ang araw na pinagplanuhan nila Uno.

Ang pagpunta namin sa Tagaytay.

Naaalala ko pa kung gaano ka-excited si Rock habang binabanggit sa amin ang plano nila. Nakakatawa ang itsura niya noon. Lalo na yung nagsusumbong na siya na ayaw ni Dylan na magsama siya ng ibang babae bukod sa akin. Na siyang sinang ayunan din ni Uno.

Mas maganda raw kasi na komportable na kaming magkakasama.

"Ano pang kulang?" Tanong ni Uno na nagtutulak ngayon ng cart sa likod ko.

Ngayon ay nandito kami ni Uno sa grocery store para mamili ng mga kailangan namin. Kami kasi ang nakatoka sa mga pagkain dahil sila Dylan at Rock na ang nagayos ng mga pagi-stay-an namin at sila na rin ang bahala sa mga pupuntahan namin. 

Nilingon ko siya para sagutin pero napunta ang atensyon ko sa mga babaeng nasa likod niya na pasimpleng sumusulyap sa kanya. Nakita nila akong tumitingin sa kanila at ang huling ala-ala ko sa kanila ay ang pagtingin nila sa akin mula ulo hanggang paa.

Tumingin ako kay Uno at nagbigay ng maliit na ngiti. "Bigas. Kailangan natin ng bigas." Wala sa wisyo kong sagot sabay talikod.

Binilisan kong maglakad para hanapin ang bigas na sinasabi ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang nasabi ko. Ni hindi ko alam kung kailangan ba talaga namin ng bigas. Ni hindi ko nga rin nalista ang bigas na sinasabi ko. Basta! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako.

"Love." Tawag niya sa akin.

Narinig ko siya pero nagkunyari akong abala sa paghahanap ng bigas.

"Love. Uy." Naramdaman kong lumapit siya dahil sa kamay niyang humaplos sa likod ko.

Nagkunyari akong nagulat na para bang hindi ko siya naririnig kanina.

"Oh? Bakit?" Nakangiti ko siyang nilingon. Hindi ko alam pero ramdam ko ang inis ko sa mga babaeng muli kong nakita na nakatingin kay Uno nang lumingon ulit ako.

"Ahhmm.. May problema ba?" Tanong niya.

Kunyari akong natawa sa tanong niya. "Problema? Bakit naman may problema? Wala naman." alam kong hindi ko kayang magsinungaling dahil sa tono ng boses ko.

Huli kong tinignan ang mga babae at nakita kong napalingon na rin si Uno sa likod dahil sa nakita niyang may tinitignan ako kaya naman iniwas ko na agad ang tingin ko.

Naglakad na ako at nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Uno, napapikit ako.

"Ano ba kasing problema mo, Love? Diba sanay ka na naman na maraming humahanga kay Uno?"

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon