Chapter 46

174 16 4
                                    

Note: Hi! Bago ka mag scroll down gusto ko lang sabihin na salamat sa pagbabasa. To those 5-10 people na patuloy na nagvo-vote sa story na ito, salamat. Para sa mga iilan na nagco-comment sa story na ito, salamat at para sa mga nagme-message sa akin kung kailan ang update nitong story ko, maraming salamat. Maraming salamat sa inyong lahat.

May mga times na sumasagi na sa isip ko na iwan na ito at huwag ng tapusin dahil minsan pakiramdam ko'y napakababaw ng story na ito at baka napapangitan na kayo.

But I still keep on writing.

Minsan kasi binabalikan ko mga comments niyo at kahit papaano nagkakaroon ako ng rason para magpatuloy.

MARAMING SALAMAT.

Oki na.

Scroll down ka na :)





***

ONE LOVE SUPPORT


DYLAN'S POV


PAGKATAPOS i-kwento sa amin ni Uno ang nangyare sa kanya kahapon pati kami ay namomroblema na ngayon.

But this time it's different.

Uno looks so calm unlike Rock and I. As if he's so sure of everything. The hell? Kung halimaw siya, tatay ng mga halimaw ang Lolo niya. Iniisip ko pa nga lang kung ano yung mga pwedeng gawin ng Lolo niya para mapaghiwalay sila ni Great Love ay natatakot na ako.

B

akit ba kasi hindi na lang niya pabayaan ang apo niya? I thought wala na siyang pakealam kay Uno? Bakit nakekealam siya ngayon?

Ganoon na lang ba niya kamahal ang apelyido nila?

"So what now?" Rock asked.

Tumingin kami ngayon kay Rock na seryoso na sa puntong ito.

"Sasabihin mo ba sa kanya?" Rock added.

This time, tumingin na ako kay Uno.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan bago muling huminga ng malalim si Uno. "Hindi." Sambit niya.

"Hindi pa."

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" I asked.

Umiwas ng tingin sa amin si Uno.

"I'm afraid." Uno.

"Natatakot ak------" magdadagdag pa sana siya pero bigla siyang huminto na para bang may mali sa lalamunan niya. "Natatakot ako na baka pagnalaman niyang ayaw ng Lolo ko sa kanya ay iwan niya ako." Pagtutuloy niya.

Walang reaksyon ang mukha niya pero rinig ko ang takot sa boses niya.

"Ayokong maiwan ulit."

Napahinga ako ng malalim at umusog ng kaunti para mas lumapit kay Uno. Nang makalapit ako ay tinapik-tapik ko na ang balikat niya.

Na-trauma na si Uno simula ng mamatay ang mama niya. Ang pinakaunang babaeng minahal niya.

Masyado na siyang nalugmok sa mundo niyang pakiramdam niya ay wala siyang pamilya. Sino ba naman kasi ang hindi matrau-trauma sa nangyare? Noong mamatay ang mama niya, umalis at bumuo na agad ng sariling pamilya ang tatay niya sa abroad habang siya naman ay naiwan sa  Lolo niyang gahaman sa pera.
"Basta nandito lang kami, Bro. If you need help on something, hindi ka namin hihindian." Sambit ko.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon