TARA
DYLAN'S POV
LALABAN ka? Kanina ka pa habol nang habol at kanina pa ako baril nang baril, hindi ka pa rin mamatay-matay! Hindi na ako makalagpas sa level na ito dahil sa 'yong panget ka!
Gigil na gigil kong pinipindot ang controller ng nilalaro kong game. Kanina pa ako dito pero hanggang ngayon nandito pa rin ako sa level kung saan ako nagsimula kanina.
I am really near on smashing this controller.
Pinipigilan ko lang sarili ko.
As I am busy playing, I heard someone opening the lounge's door.
"Wow, coooool." Boses pa lang ng pumasok alam ko ng gulo lang ang dala nito. "I wish I can also play while everyone outside is on panic due to the finals nextweek." Pangit na boses ni Bato.
"We all have our own priorities." I answered.
I heard him laughing while he walk towards me. Kapag ako natalo na naman dito, isa itong patunay na malas talaga si Bato.
"Sabi mo e." Sambit niya sa likod ko sabay upo sa sofa. "Pumunta na ba dito si Uno?" He asked.
"Nope. Why? Diba magka-grupo kayo sa project niyo?" Tanong ko sabay balik ulit sa nilalaro ko. "Hm! Die freak! Die!" Sigaw ko sa monitor nang makaharap ko ulit ang pangit na humahabol sa akin sa laro.
"Oo. Pero hindi pa siya pumapasok ngayon. Miski si Love hinahanap siya sa akin." Rock. "Hindi rin siya nagre-reply sa mga text ko yung ugok na 'yon." Dagdag niya.
I see.
That's why Love texted me earlier if I already saw Uno today.
Katulad nila, hindi ko rin alam.
"Baka nasa condo niya? Hindi naman umuuwi ng mansyon nila iyon." Pagbibigay ko ng ideya kay Rock. Knowing Uno, it's either he's in the university or in his condo. Lumaki na kasi atang allergic 'yon sa mansyon ng lolo niya.
"I get the idea but do you really want me to go there just to check if he's really in there? No." Pagtanggi niya.
Tinaas ko na lang ang balikat ko kasabay ng pagpipindot ko sa controller. "Sabi mo hinahanap niyo?" Tanong ko.
"Ganun na nga. Actually nakita kong sobra yung pagaalala ni Love dahil alam niyang walang maayos na pahinga si Uno lately." Kwento niya pa.
Ugh! Bakit hindi ka mamatay-matay? Gigil na gigil kong pinindot-pindot ulit ang controller ko. "Die bitch!" Sigaw ko pa ng buong lakas pero naabutan pa rin ako ng kalaban.
Sa bwisit ko, nilapag ko na lang ang controller at tinanggal sa saksak ang PS4 ko.
"Tara na." Sambit ko kay Rock.
I saw him got confused about what I said.
"Tara saan?" He asked.
"Diba hinahanap niyo si Uno at nagaalala si Love? Tara na." Sagot ko. "Puntahan natin sa condo." Dagdag ko pa.
"Hindi ka busy? Wala kang nire-review? Hindi ka nagaaral?" Rock.
Nilapitan ko na lang siya at hinila sa balikat para tumayo. "Daming tanong! Tara na!" Sigaw ko atsaka naglakad na nang makita kong susunod na siya.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Fiksi RemajaA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...