Chapter 12

273 25 4
                                    

HAPPY BIRTHDAY


NANGINGITIM na ang ilalim ng mga mata ko. Bakas na at kitang-kita na ang produkto ng ilang gabi kong hindi maayos na pagtulog.

Nagsabay-sabay ang mga iniisip ko. Ang project namin na hindi ko pa rin natatapos hanggang ngayon, ang prelim exam namin na malapit nang dumating, ang contest na sasalihan ko at higit sa lahat ang pag-amin ni Uno.

"I like you."  Paulit-ulit na pinapaalala ng isip ko kahit na anong gawin kong paraan para maging busy. Iniiwasan kong isipin dahil hindi dapat.

Hinawakan ko ang ilalim ng kanang mata ko habang nakaharap ako sa salamin ng CR na kinaroroonan ko ngayon. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Mahina kong tanong sa sarili ko.

Maya-maya pa'y may mga dumating na isang grupo ng mga babae sa loob ng CR. Ang iingay nila at mga nagtatawanan kaya napatingin ako sa kanila sa salamin. Mga naka-make up sila at may mga bilugang hikaw. Mapupula ang mga labi at mahahaba ang mga buhok.

Umiwas na ako ng tingin dahil baka isipin nila na may iniisip ako tungkol sa kanila. Binulatlat ko na lang ang bag ko at hinanap ang alcohol na nasa pouch na dala ko.

"Daig talaga ng malandi at ilusyonada ang maganda 'no?" Sambit nung isang babae habang patuloy pa rin ako sa pagkuha ng alcohol sa bag ko.

"Yeah right. If I know pera lang din ang habol niya." Sambit nung isa pa.

"True gurl! Balita ko nga na galing siyang probinsya which is obvious naman." Sambit nung babae na malapit sa tabi ko.

Kunyare ay busy ako sa paglalagay ng alcohol sa kamay ko pero naaagaw nila ang atensyon ko dahil sa pinaguusapan nila. Hindi man ako tumingin sa direksyon nila, pakiramdam ko'y tinatapunan nila ako ng tingin.

"Paano ba siya nakapasok sa university na 'to? Ni hindi nga siya nakapasa sa standards ng mga students dito." Medyo natatawang sambit nung naunang babaeng nagsalita.

"Oh well... babaeng mababa ang lipat at its finest." Huling hirit ng isa bago sila magtawanan.

Alam kong ako ang pinaguusapan nila at nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kahit pa naman nila ako kilala.

"Halika na nga. Medyo mabaho na dito." Pag-aya nung isa sa grupo niya.

Nagtawanan sila at napatingin na ako sa kanila dahil alam kong aalis na sila pero napaiwas agad ako ng tingin ng nagpabaon sila ng sulyap sa akin habang nagtatawanan.

Nang tuluyan na silang makalabas ng CR, tumingin ulit ako sa repleksyon ko sa salamin at napahinga ng malalim.  "Tama ba sila?"  Saan lang ba dapat ako? Hanggang sa mundo kong ako lang dapat magisa.

Mas maganda siguro kung iiwasan ko na talaga si Uno. Para na rin matahimik na ang lahat. Alam ko naman na kaya lumala ang panghuhusga nila sa akin ay dahil sa nakikita nila sa amin ni Uno. Dapat umiwas na ako dahil tama naman sila, hindi kami bagay. Estado pa lang sa buhay, alam ko na dapat ang kalagyan ko.

Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.  "Kung ano man ang dahilan ng mabilis mong pagtibok sa tuwing magtatama ang mga tingin namin, kailangan mo nang itigil." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng CR.

Umpisa pa lang ng umaga pero gusto ko nang tapusin ang araw. Maraming tumatakbo at tatakbo sa isip ko. At alam kong lahat ng iyon ang magpapababa ng kasiyahan ko.

Nang makarating na ako sa klase, huli ko nang napagtanto na medyo huli na pala ako.  "9:03 AM"  na ang oras nang tignan ko ito. Marahan kong dinahan-dahan ang pagpihit sa pintuan ng classroom para kahit papaano ay hindi ko madistorbo ang klase.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon