TIGIL
Dylan's POV
NAPAPAKAMOT na lang ako sa gilid ng ulo ko habang nakatingin kay Rock at sa babaeng nakapulupot sa katawan niya ngayon.We were on our way para sana alamin kung sino ang gumawa noon kay Love nang may tumawag kay Rock habang naglalakad kami.
"I miss you babe. Date na tayo please? Last time inaya kita, sabi mo 'di ka pwede." The girl said habang yakap-yakap sa gilid si Rock.
Napatingin sa akin si Rock na para bang he's asking me kung anong ipapalusot niya pero tinignan ko lang siya para sabihing "Bahala ka diyan." Pang ilang babe or baby na niya 'yan? I'm not even sure kung kilala ba talaga niya 'yang babaeng 'yan.
Hinawakan ni Rock ang braso nung babae para tanggalin sa pagkakayakap sa kanya. "I'm sorry, Babe. Busy kasi ako e." Palusot niya kasabay ng pagtanggal niya sa kamay ng babae.
Pero katulad ng isang linta, siya ring pagbalik nung babae. "Busy? Bakit? Dati naman, hindi ka ganyan e." Naubo na ako pagkatapos magsalita nung babae.
Pinandilatan pa ako ng mata ni Rock when he saw me laughing silently. Paano kaya siya makakatakas sa isang 'yan? Eh mukhang wala siyang balak na pakawalan nung babae na 'yan.
"Bahala na nga kayo diyan." Binulsa ko na lang ang mga kamay ko at tumingin sa paligid. Tinignan ko ang mga taong dumadaan sa tapat ng IT building pero wala namang kakaiba sa mga kinikilos nila. They have their own world. Walking, talking and laughing. Nothing suspicious. Pero bakit nga ba nanggaling dito si Love? The last time I checked, business student siya.
"I thought susunugin mo talaga siya."
"Gaga! Hindi naman ako kriminal no! Atsaka ginawa ko lang 'yon para layuan na niya si Jake at Uno."
"Sa tingin mo magsusumbong siya?"
"I don't know. Kung magsumbong man? Girl, I have money."
"Her name shouldn't be LOVE, it should be HATE."
A group of girls caught my attention. Ang lakas ng tawanan nila kaya napatingin ako sa kanila. Nakita kong galing sila sa IT building pero hindi ako sigurado. Tinignan kong mabuti ang mga mukha nila at may isang tanong ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang pamilyar na mukhang iyon. "Anong ginagawa ng isang business student na si Chelsea Fin sa IT building?" Lalong lumalim ang hinala ko nang maisip kong parehas sila ng program ni Great Love.
Narinig ko lalo ang pinaguusapan nila nang makalapit na sila sa amin.
"I'm sure takot na takot sa apoy 'yon ngayon."
"Syempre naman no! Baka masunog siya."
"Great Hate Fernandez--------"
"Tumahimik kayo."
Napatigil sila sa pinaguusapan nila nang mapansin na nila ang tingin ko sa kanila. From laughing bigla silang tumahimik. What I've heard is enough.
Tahimik silang dumaan sa harap namin nina Rock habang ako nama'y pasimpleng umakto na walang narinig.
Nang makaalis na sila nang tuluyan, binalik ko na ang atensyon ko kay Rock na ngayon ay....
"I'm not Natasha! I hate you!" Parang ako ang napahawak sa pisngi ko nang sampalin nung babae si Rock sa pisngi.
"Ouch." That's painful. Sabi ko na nga ba. Nanghula na naman ng pangalan ang isang ito.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...