HONEYMOON
GREAT LOVE'S POV
NAGISING ako dahil sa maingay na pagkalansing ng mga bagay sa paligid. Nang nakamulat ako, nakita ko agad si Nanay na ngayon ay mukhang naghahanda na ng mga gamit para sa pagtatabas niya ng mga pananim na naikwento niya kagabi.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin ang lalaking gusto kong makita pero ni anino niya ay hindi ko nakita.
"Gising ka na pala?" Tanong ni Nanay nang makita akong umupo mula sa pagkakahiga.
Ngumiti ako kay Nanay. "Opo." Sagot ko. "Aalis na ho kayo? Maaga pa." Na agad ko ring tinanong.
"Nako hija, walang maaga para sa taong walang pera. Wala dapat akong sinasayang na oras dahil ang kapalit nito ay ang sikmura ko." Aniya niya.
Napatahimik ako dahil sa sinagot ni Nanay. Nakakalungkot isipin kung ganoon. Matanda na siya pero kailangan pa niyang magtrabaho para sa sarili niya.
"Atsaka nga pala. Umalis muna saglit yung gwapong binata na kasama mo. Sabi niya ay babalik din siya agad." Dagdag ni Nanay.
Tumango ako. "Sige po." Maiksing sagot ko.
"Sige na. Diyaan ka muna ha? At magtatabas muna ako. Hintayin mo na lang yung mapapangasawa mo na makabalik." Napaurong ako sa sa huling litanya ni Nanay.
Mapapangasawa? Hindi ba't masyadong mabilis kung ganoon? Pero kung iisipin ko, parang tumatalon ang puso ko.
"Wala pa po kami doon." Tanggi ko atsaka agad na tumayo. "Gusto niyo pong tulungan ko kayo?" Pagboboluntaryo ko.
Napahinto si Nanay sa paglalakad papalabas. "Huwag na. Lalo ko lang mararamdaman na matanda ako." Sabay tawa niya. "Hintayin mo na lang na bumalik ang asawa mo dahil baka wala siyang maabutan dito." Pagtanggi niya sa tulong ko.
Natawa naman ako. "Hindi ko po siya asawa, Nay." Asawa naman ngayon? Hindi ko mapigilang matawa sa sinasabi ni Nanay.
"Doon rin naman ang punta niyo." Masungit na tugon niya.
Sige na nga. Hindi na ako makikipagtalo tungkol sa asawa-asawa na 'yan. Basta ba papayag siyang tulungan ko siya. Para na rin mapabilis ang trabaho ni Nanay.
"Sige po. Pero iiiiii. Hayaan niyo na po akong tulungan kayo." Pagpapacute ko kay Nanay sabay lapit sa kanya.
Kukunin ko na sana yung bayong na dala niya pero agad niya itong iniwas sa akin. "Huwag na nga. Matigas ang ulo kang bata ka. Diyaan ka na lang." Sabay noon ay naglakad na siya palabas.
Alam kong makulit ako pagdating sa ganto kaya hinabol ko si Nanay hanggang labas at pinagpatuloy ko ang pakikiusap na hayaan niya akong tulungan siya.
"Sige na po. Ako na lang po ang magbubuhat niyan."
"Hindi na nga kailangan. Nako kang bata ka! Huwag na makulit."
"Sige na po, please?"
"Love!"
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Fiksi RemajaA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...