COMFORT
Great Love's POV
PAGKATAPOS ng hapunan, pinilit nila Mama at Lola Paz na pumaroon muna ako sa mansyon at bukas na lang daw ako ng umaga bumalik sa dorm pero tumanggi ako. Hindi ko kasi maiwasang malungkot pa rin na ganoon ang tingin sa akin ng mga malalapit sa akin. Ang palaging okay lang. Dapat sanay na ako sa ganto pero hindi ko mapigil ang pagiging maramdamin. Dapat naiintindihan ko dahil ako ang panganay sa pamilya at kailangan na maging matatag ako at kayanin kong magisa pero tao pa rin ako. Kailangan ko ng suporta na hindi matutumbasan ng pinansyal.
"Are you sure okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Saad ni Uno nang mapansin niyang tahimik ako.
Kumuha si Uno ng Grab pauwi. Sabi ko sa kanya kanina na huwag na dahil mahal ang bayad pero nagpumilit siya na mas magiging komportable daw ako kapag ito ang sinakyan namin. Noong una, akala ko na siya ang may gusto. 'Yun pala'y ako pa rin ang iniisip at inaalala niya.
Katabi ko siya ngayon habang nasa harap naman yung Grab Driver. Kanina pa ako walang imik dahil kapag may dinaramdam ako'y lumilipad lang ang utak ko at gusto ko lang ay magisip nang magisip.
Tumingin ako kay Uno. "Oo. Okay lang ako." Isang pekeng maliit na ngiti ang binigay ko sa kanya. Agad ko rin itong binawi nang ibaling ko ulit ang tingin ko sa bintana ng sasakyan.
May mga pagkakataong ayaw kong maging maramdamin dahil kung ano-ano ang naiisip ko tungkol sa sarili ko. Lalo akong nalukungkot at ang pinakaayaw ko ay yung makikita ko na lang yung sarili kong umiiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Para bang ang drama-drama ko. Na kung magsusulat ako ng sulat sa MMK ay tiyak na kukunin nila ito agad at ipapalabas sa telebisyon.
Iniiisip ko minsan na normal lang naman yung maging ganto pero napapagod na akong mapagod masaktan. Sa huli sarili ko na lang din ang sinisisi ko. Sinisisi ko ang sarili ko kapag malungkot ako. Kung masanay naman ako, tao pa ba ako non?
"Sa Antipolo na lang kami." Biglang kinausap ni Uno yung drayber.
Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Antipolo? Anong gagawin namin sa Antipolo? Ang layo ng Antipolo sa University. "B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
Kunot noo ring tumingin yung drayber kay Uno sa salamin. "Ho? Fillimon University po tayo, Sir. Ayun po yung nilagay niyo sa transaction." Miski ang drayber naguguluhan.
"Sa Antipolo mo kami ibaba. I can pay you." Sagot ni Uno sa drayber.
Nagbago bigla ang ekspresyon nung drayber at kitang-kita mo na napapayag na siya ni Uno. "Sige, Sir." Sambit niya.
Nagkaintindihan na sila pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung bakit gusto ni Uno na pumunta kami ng Antipolo gayong gabi na't madilim na sa daan. Papagalitan din ako ni Kuya Anton kapag nakita niyang umuwi ako ng late sa dorm. "Bakit tayo sa Antipolo?" Tanong ko ulit kay Uno nang matapos silang magusap ng drayber.
Sa ngayong pagkakataon, tumingin na siya sa akin. "Trust me." Sagot niya.
Namayani ang katahimikan sa paligid. Dahan-dahan kong iniwas ang tingin ko kay Uno. Trust me. Alam kong hindi naman niya ako ipapahamak dahil sa ilang beses na niya akong iniligtas at ganoon na lamang ang tiwala ko sa kanya.
Alam ko ring malaki ang tiwala niya sa akin. Basta-basta nga siyang sumama sa akin papunta kala Mama at Lola Paz kahit na hindi naman niya alam kung saan 'yon. Nakilala na rin niya si Mama. Hindi naman siguro niya kikilalanin ang Mama ko kung may intensyon siyang masama sa akin diba?
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Genç KurguA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...